Unang-una sa lahat, hindi porket mabait at sweet sa 'yo ang isang tao, nangangahulugan na may gusto siya sa 'yo. Tandaan, may mga tao talagang mabait lang, pero hindi ibig sabihin ay espesyal ka na sa kanya. Kung sa tingin mo naman eh sa 'yo lang siya ganoon, aba, magtanong ka rin muna. Malay mo naman 'di ba, nababaitan lang talaga siya o feeling niya masaya kang kasama o kausap. Don't give meanings agad agad.
Okay. So ganito. If you're friends with his/her friends, try to interrogate them. You can ask them kung sweet ba talaga 'yung tao na 'yon, or kung may nababanggit ba siyang someone special sa kanila at kung ikaw 'yon. Hindi 'yun kakapalan ng mukha dahil gusto mo lang namang manigurado. Mas mabuti na 'yon kaysa ma-gago.
Isa pa. Just because palagi niyang tinatanong kung kamusta ka na o kumain ka na, eh special ka na. Bakit? Bawal bang mangamusta ng kaibigan? Saka malay mo bored lang siya, walang makatext o makausap, o baka wala lang talaga siyang magawa sa buhay. 'Wag ka kaagad mag-assume ha. Masama 'yan. Saka malay mo naman 'di ba, nasasayang lang talaga load niya. PERO PERO PERO, kapag naman mahaba siyang magreply at mukhang ayaw na niyang matapos ang usapan niyo, tumatawag pa siya, nagchachat palagi, aba, umasa ka ng kahit 1% lang. 1% lang ha. 'Wag 100%, para madisappoint ka man, 1% lang din. Ganun kasi 'yon.
Lahat pwedeng pakitaan ng effort. Malay mo mayabang lang talaga siya na gusto niyang ipakita na kaya niya, 'di ba? Pero kapag talagang consistent at talagang sobra ang effort niya, na talagang ang goal niya ay pasayahin ka, umasa ka naman ng 2% lang. Tandaan. 2% lang. 'Wag sosobrahan para 'di gaanong masaktan.
Oh teka. Hindi ko pa sinasabi kung mahal ka ba niya. Mamaya. Magbasa ka lang.
Hindi dahil ikinukwento ka niya sa iba eh special ka na. Minsan kasi 'di ba mahirap gumawa ng topic, so since ikaw 'yung makulit at palagi niyang nakakausap, talagang maiikwento ka niya sa iba, UNLESS, habang kinukwento niya eh masaya siya, o sinabi sa 'yo ng pinagkwentuhan niya na masaya siya habang binabanggit ka, o mga usapan niyo, mga tungkol sa 'yo.
Oo na, eto na.
Mahal ka niya kung:
1. Ipinaparamdam niya, at hindi siya nagbabago. Hindi 'yung sweet siya ngayon, bukas o makalawa parang wala, tas sunod eh sweet na naman na para banh may schedule siya. CONSISTENCY ang tingnan mo. Dapat araw-araw isa lang pagtrato niya. Hindi MWF lang siya sweet, tapos TThSSu eh hindi.
2. Kahit sa harap ng marami ay sweet siya sa 'yo. Hindi 'yung nahihiya na siya sa harap ng iba na para bang takot siyang maisumbong siya. Dapat kaya ka niyang iharap sa lahat.
3. Hindi siya nangangako, sa halip, ginagawa niya lahat ng mga bagay na kailangan at gusto niyang gawin. Hindi 'yung pangako ng pangako, wala naman siyang ginagawa.
Palagi mong tandaan, mas mabuti pa rin na tanungin mo siya kung mahal ka niya o hindi. People are not the same. Malay mo 'di lang pala talaga showy. Kung tanungin mo siya at sa tingin at obserbasyon mo ay hindi ka naman niya mahal, tanggapin mo na lang. Hindi naman kasi porket minahal mo eh dapat mahalin ka rin. Magmahal ka ng walang hinihinging kapalit. Kung kusa niyang pinalitan, mahalin mo lalo siya at ingatan.
Walang masamang umasa at magpakatanga. Ang masama ay halata na nga, nagpapakatanga ka pa. Mahiya naman sa sarili mo. Mahalin mo rin ang sarili mo kahit papaano. Okay? Para kung hindi ka niya mahal, hindi gaanong masakit.