Ba't hindi mo batuhin ng tumingin?! Biro lang.
Karamihan talaga ng mga taong may iba ng pinapansin o sa mas masakit na terms ay may ibang minamahal ay hindi na tumitingin sa iba, kaya kung hindi ka niya pinapansin, baka ganun na rin ang dahilan. Isa lang ang solusyon diyan.
1. 'Wag kang masyadong magpapansin. Baka naman mamaya naiinis na pala siya sa 'yo kaya hindi ka na niya nililingon, kaya bawas-bawasan mo ang pagpapapansin. Kung talagang meant-to-be-noticed ka, eh papansinin ka niya kahit hindi ka magpakita ng motibo para tingnan ka niya.
2. 'Wag kang magpahalata. 'Wag kang masyadong obvious na talagang saanman siya magpunta eh nandoon ka, o kaya naman daan ka ng daan sa harapan niya. Iwasan mo 'yun dahil baka lalong hindi ka niya tingnan. Kung lilingon ka man, dahan-dahan o 'yung tipong hindi ka niya mapapansin. Kung mahuli ka man niya, ngumiti ka na lang at 'wag magpahalata na para bang tinititigan mo pala siya.
3. 'Wag kang gumawa ng mga papansin moves. Ang mga halimbawa ng papansin moves ay ang pagbangga sa kanya para mahulog ang books mo para titigan ka niya at mag-ilusyon ka na hahalikan ka niya o na magpapakilala siya. Hintayin mong tadhana ang gumawa ng paraan para magkatagpo ang landas niyong dalawa.
Palagi mong tandaan na hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa isang taong kahit anong gawin mo ay hindi ka talaga magawang pansinin. Tanggapin mo na lang o maghintay ka na lang ng pag-asa. Baka naman mamaya pasimple ka lang din pala niyang tinitingnan o nahihiya siya. Hayaan mong oras at tadhana ang gumawa ng daan para sa inyong dalawa. Basta 'wag kang obvious dahil baka ma-awkward kayong dalawa. Okay? :)
Read my stories ha? Thank you!