MOVE ON? Kanya-kanya ang pag-intindi ng mga tao sa salitang 'yan. Karamihan sa kanila, sinasabi na talagang mahirap. Oo, mahirap, pero kung gusto mo naman talagang makalimot, magiging madali lang 'yan.
First of all, MOVE ON means PAGLIMOT.
1. Paglimot sa mga ala-ala at pinagsamahan. Hindi gaanon kadaling basta na lamang kalimutan ang mga bagay na minsan ng nagpasaya sa 'yo sa mga panahon na tila ba nag-iisa ka na lang. Dumating 'yung time na siya na lang ang kasama mo, pero dumating rin 'yung time na kailangan ka na niyang iwang mag-isa. Oo sa una mahirap dahil nasanay ka na na nandiyan siya, but why not try to live without him/her? Malay mo, mas masaya pala. Lahat ng ala-ala na nagpasaya sa 'yo ay gamitin mong motivation para mas mabilis kang makapag-move on. Isipin mo na lang na mas mabuti na lang na hanggang magkaibigan na lang kayo para walang maganap na hiwalayan o anuman. Mas masakit kasi kapag may relasyon, kaya 'yung iba mas pinipili na lang kung saan sila mas magtatagal - PAGKAKAIBIGAN. Malay niyo, isang araw, muli kayong magkita at kung para talaga kayo sa isa't isa, kayo pa rin hanggang sa huli. Minsan kasi may mga bagay lang na kailangan nating maintindihan at maunawaan para hindi na tayo masaktan.
2. Paglimot sa mga pangako. Kapag nasa relasyon kayo, lalabas diyan 'yung Pangako, ikaw lang habangbuhay; Hindi na tayo maghihiwalay; Hindi kita ipagpapalit; Ikaw na ang huli. Psh. Pesteng pangako. Hindi ako naniniwala diyan. Mas maganda kung may output, kung talagang napatunayan, hindi 'yung puro salita lang. May mga tao kasing diyan lang magaling. Papangakuan ka para 'wag kang mawala, pero iiwan ka na rin kapag nagsawa. Kalimutan mo na ang mga pangakong hindi naman niya napangatawanan, para ang loob at pag-iisip mo ay mas gumaan.
3. Paglimot sa tao. Ito ang pinakamahirap na parte ng pagmmove on, lalo na kung ang taong nais mong kalimutan ay isang taong hindi mo pa kayang bitawan. Paano ka makakalimot, kung hindi mo siya palalayain? Isipin mo rin naman ang sarili mong kapakanan, hindi 'yung ang iniisip mo lang ay mahalin ka niya, tapos okay ka na. Minsan ayos lang na may iba siya basta bumalik siya, pero ano ka? DAKILANG TANGA? Buksan mo ang 'yong mga mata. Ang daming tao sa mundo, tapos halos magpakamatay ka dahil lang isang walang kwentang taong nang-iwan sa 'yo? Aba teka. Ako oo, naranasan ko na more than 20 times kong tinanggap 'yung last relationship ko, pero ngayon? Tinatawanan ko na lang, kasi natuto ako na siya ay pakawalan. Minsan kasi kaya hindi tayo nakakalimot ay tayo rin ang may kasalanan. Minsan hindi pa tayo 100% motivated na makalimot at madalas naman ay umaasa tayo na PWEDE PA. Iniwan ka na nga, aasa ka pang PWEDE PA?
Isa lang naman talaga ang main way para makapagmove on ka eh. MAHALIN MO ANG SARILI MO. Kasi kung mahal mo ang sarili mo, hindi mo hahayaan na saktan ka ng isang tao, lalo na kung ilang beses ka na niyang sinaktan, pero pilit mo pa rin siyang hinahawakan. Kung mahal mo ang sarili mo, iisip ka ng paraan para hindi ka na mahirapan. Kung mahal mo ang sarili mo, mas ittreasure mo 'yung sarili mo kaysa sa mga walang kwentang tao. Kung mahal mo ang sarili mo, makakaya mo ring makalimot.
Kung may galit ka sa kanya, patawarin mo na siya. Minsan kaya hindi rin tayo makalimot ay dahil may galit pa tayo sa isang tao. Lahat naman tayo nagkakamali. Isipin mo na lang na hindi siya magkakamali, kung hindi mo siya binigyan ng pagkakataon at tiwala na gumawa ng kahit na ano.
Kung ipinagpalit ka niya, tanggapin mo na lang at palayain mo siya. Wag ka ng maging kontrabida. Hindi pwedeng aagawin mo ulit siya para lang maging masaya ka. Ipinagpalit ka na nga niya kaya ibig sabihin noon ayaw na niya sa 'yo. Dahil kung ikaw pa rin, hindi siya sa iba titingin. Isipin mo na lang na masyado kang BRANDED at naintimidate lang siya. Isipin mo na lang na may iba pa sa mundo na hindi ka ipagpapalit sa iba. Hangga't hindi mo natatanggap na may mahal na siyang iba, pangako, hindi ka magiging masaya.
Kung pinaglaruan ka lang niya, aba eh mas dapat mapabilis ang pagmmove on mo. Dapat mas motivated ka kasi alam mong pinaglaruan ka lang niya. Hindi ka bagay na maaaring gamitin lang ng iba o matapos gamitin ay itatapon na lang ng basta. Hayaan mo sila, ipakita mo sa kanila kung anong sinayang nila. Maging mas mabuting tao ka at ipamukha mo na malaking kawalan ka.
***
Maraming paraan para magmove on. Basta isipin mo lang na kailangan mong matuto at na hindi mo na siya kailangan sa buhay mo. :)))))
VOTE, COMMENT, BE A FAN.
Kung may problema kayo, message lang and I'll post the advice here.
THANKS! <3