Prologue

337 21 9
                                    

Bago ko simulan ang story na toh. I'll give a reminders...

1. Bawal ang silent readers. Hanggang maari mag-ingay kayo sa comment! Tadtaring nyo ng kung anu-anong mga comment about this story. Libre naman ikatutuwa ko pa nga yun eh kahit negative comments pa yan dahil yun naman talaga ang masasabi nyo eh.

2. Badwords limitation. Hanggang maaari rin please lang no bad words. Kahit ano man ang ireact nyo dyan ok lang basta bawasan lang ang bad words.

3. Read. Comment. Vote. Etong reminder na to kahit naman hindi nyo kompletuhin and it's up to you kung susundin nyo toh. But please sige na oh suportahan nyo tong story. First story ko rin kasi toh eh.

-----

-----

Bryles Brenan Gomez. Kapag narinig mo ang pangalan na yan malamang maisip mo agad na napakagwapo nyang lalaki at hindi naman kayo doon nagkakamali dahil totoo talagang gwapo sya.

Gwapo. Matangkad. Maputi. Matalino. Mayaman. Cool. Magaling sa basketball. Magaling kumanta. Magaling sumayaw. Campus Heartthrob. Campus Crush. Prince of the University. Ang pinakamahalaga ay Mr. Bad Boy. Ilan lang yan sa mga katangian ni Bryles na siguradong magpapainlove sayo. Almost perfect na nga sana sya eh pero mailap sya sa mga babae.

Pero sa akin hindi yun tumatalab hindi ko kasi type yung mga katulad nya. Gusto ko ng nobody lang na katulad ko para naman hindi maging miserable ang buhay ko. Tahimik lang naman kasi ang buhay ko eh.

Meron akong mga kaibigan. Isang beki. Isang Babae. Isang Tomboy. Isang Lalake. Diba weird kung iisipin pero wala akong pakialam dahil sila lang naman talaga ang mga naging totoo ko kaibigan.

Ako nga pala si Irene Miles Miller. Ako naman ang kabaliktaran ni Bryles pero babae ako, magkabaliktad lang kami ng ugali. Ako kasi... Nobody. Nobody. Nobody. And just NOBODY. Thanks to my true friends they make me feel especial. Dahil sa kanila hindi ako nauubusan ng excitement sa buhay ko.

Diba sa sobrang weird parang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na palabas ni Vice Ganda lang silang apat at parang singgit lanng ako pero hindi ganun ang turingan namin sa isa't-isa para na kasi kaming mga magkakapatid. Pero hindi maiiwasan na magkaroon ng mga secret na magkagusto sa mga kaibigan. Tulad ko dahil may gusto sa isa sa kanila.

Nga pala let me intrduce my friends:

First is, Carlo Marcos. The beki, Carlo sa umaga, Carlo sa gabi. Naniniwala sa kasabihang hindi umobra ang beauty nya kay Bryles, outstanding pa rin sya. Oh diba parang beauty contest lang? Ganyan ang gusto nyang pagpapakilala sa kanya lagi. Ang nickname nya ay Baks.

Second is, Angela Velasco. The tomboy, Angela sa umaga, Angelo sa gabi. Diba parehas sila ni Carlo na nag-iiba ang katauhan tuwing gabi. Pero pen name lang naman nila yun hindi sila tulad ng mga iniisip nyo na nagrarampahan pa sa gabi. Ang nickname naman nya ay Tibo.

Third is, Natalie Ferrer. The girl, Natalie sa umaga at Natalie pa rin sa gabi pero ang kanyang nickname ay Natnat. Isa syang napakabait na babae, syempre nobody rin pero maganda naman sya. Actually may gusto sya kay Bryles. Parehas sila ni Baks.

Fourth is, Cristopher Garcia. The boy, Cristopher sa umaga at gabi. Walang ipinagbabago at ang nickname naman nya ay Cris. Sya naman may gusto kay Natnat kaso hindi yun napapansin ni Natnat dahil sa pagpofocus nya kay Bryles. Pero ako gustung-gusto ko sya hindi lang din nya ako napapansin dahil nakatuon ang pansin nya kay Natnat.

Masaya naman kaming lima kahit mga nobody kami sa Xianon University. Atleast hindi nagugulo ang mga buhay namin pero I didn't expect na magiging desido si Cris na masabi kay Natnat na may gusto sya dito.

Yun na rin ang simula ng magulo naming buhay...



Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon