Chapter 1

196 12 6
                                    

-Irene-

"Baks ano ba naman tinitignan ko si Bryles eh tumabi ka ng konti," sabi ni Natnat kay Baks habang nakaupo kami sa upuan namin na sabi nilang swerte dahil malapit lang kina Bryles yun na tinatawag nilang Special Table. Dito nauupos lagi sina Bryles at ang mga katropa nya. Nandito kasi kami sa canteen ngayon.

"Ano ba Natnat eh inenjoy ko rin yung magandang view eh," sabi naman ni Baks sa kanya. Pinag-aawayan pa nila kung sino ang titingin kay Bryles. Nakakairita lang ah. Halos lagi nga nilang nakikita yang si Bryles eh dahil kapag luch break na kahit sa malayo kung makatitig sila wagas.

Eto namang katabi ko mukhang ewan. Alam ko namang nasasaktan na sya dahil sa mga pinaggagagawa ni Natnat eh. Sa mga tingin pa lang nya kay Natnat kitang kita ko na yung lunkot at sakit na nararamdaman nya. Paano naman kasi ayaw pang sabihin kay Natnat yung nararamdaman nya para dito.

"Hoy Baks, Natnat tigilan nyo na nga yung pagtingin kay Bryles at baka mamaya mahuli pa kayo," sabi ko na lang sa kanilang dalawa baka sakaling tigilan talaga. Naawa na rin kasi ako kay Cris eh. Pero alam ko namang hindi talaga susunod yung mga yun.

Kahit nga yata hindi na sila kumain tuwing lunch ok lang sa kanila eh. Busog na naman din kasi yung mga mata nila sa pagtingin-ay mali pagtitig pala-kay Bryles. Minsan nga hindi na nila inuubos yung mga pagkain nila para lang makatingin kay Bryles eh.

Letse nga puro na lang sila Bryles. Kung ako nga lang masusunod dapat walang special treatments sakanila ng mga katropa nya dahil pare-pareho lang naman kaming mga estudyante rito at magkakasingmahal lang naman ang tuition fee na ibinabayad. Napaka unfair!

"Oy malusaw yan sige kayo wala na kayong makikitang Bryles sa araw-araw," sabi naman ni Tibo. Na sya naman nakapagpatigil doon sa dalawa sa pagtingin kay Bryles. Ganun ba talaga sila katakot na mawala si Bryles kaya tumigil sila nung sinabi ni Tibo na baka malusaw yung lalaking yun? Over ah.

Si Tibo talaga alam na alam yung mga ganun. May nagkakagusto kaya sa kanya? Gwapo rin sya kung titignan pero ayoko naman na maging kami parang kadiri tignan. Sya nga eh lakas kumain, lagi syang umuorder ng napakaraming pagkain tapos nauubos nya yun lahat pero achievement na hindi sya tumataba.

"Ubusin nyo na nga yang mga pagkain nyo dahil maya maya lang magbebell na hindi pa kayo tapos," sabi naman ni Cris. Halata naman sa boses nya na napaka lungkot nya eh. Ewan ko ba pero parang hindi napapansin nitong tatlo na toh. Manhid yata eh.

Pero tama sya dapat ubusin na namin yung mga pagkain namin dahil baka mamaya maabutan kami ng bell. Kaya naman kaming apat nina Natnat agad na kumain at inubos yung pagkain.

Mabilis kaming nakatapos kaya tinignan ko yung relo ko. Meron pa kaming fifteen minutes para maglibang at pumunta sa classrom pero wala pa silang balak na umalis.

"Miles saglit lang muna ah maraming pa namang minutes eh dito muna tayo mga five minutes na lang titignan ko lang ulit si Bryles," sabi sa akin ni Natnat na sya naman mas nagpalungkot pa kay Cris. Pero wala naman akong magagawa dahil pati si Baks ganun din ang magiging request. Alam ko na yun.

Tumango na lang ako dahil nakita kong pabuka na yung bibig ni Baks na susunod na sa pagpapaalam na dito muna kami sa canteen. Nakakarindi lang kung uulit-ulitin nila kaya mas ok na unahan ko na sila.

"Wahhh! Ang gwapo talaga nya!," sigaw na mahina ni Baks na para bang ngayon lang nakita si Bryles. Nakakainis lang dahil araw-araw nya na din yun sinasabi sa tuwing nandito kami sa canteen. Buti na nga lang at hindi yun naririnig ni Bryles.

"Sinabi mo pa Baks he's just so perfect," sabi naman ni Natnat sabay high five nilang dalawa. Deh sila na ang nagkasundo sa pagtitig kay Bryles. Hindi ko lang talaga maiwasan na maawa sa kalagayan ni Cris.

Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon