-Irene-
Nandito kami ngayon sa klasroom habang nagdidiscuss si Ms. Ramos ng topic nya sa Math kung saan ako bobo. Aminin ko man o hindi pero bobo kasi talaga ako sa math, kahit na anong klase pa yan. Geometry, Trigonometry, Basic at iba pa.
"This is the...," yun na lang yung narinig ko sa dinidiscuss ni Ms. Ramos at lumutang na ang utak ko sa alapaap.
Iniisip ko kasi kung ano kaya ang naging reaksyon ni Natnat sa sulat na ipinabigay sa akin ni Cris. Paano naman kasi sa bahay na daw nya babasahin yung sulat pero totoo lang ni hindi ko nga alam kung ano yung nilalaman ng sulat na yun eh.
-FLASHBACK-
"Uy guys tignan nyo may sulat para sa akin oh. Iipit ko na lang muna toh sa libro ko at sa bahay ko na lang babasahin pero saglit lang muna ah maglolocker lang ako," paalam ni Natnat sa amin ni Baks paano naman kasi nakauwi na si Tibo at si Cris kaya kami na lang dalawa ni Baks ang naiwan na kasama si Natnat.
"Hindi na sasamahan ka na namin," sabi ko naman at agad akong kinalabit ni Baks kaya tinignan ko sya at nilakihan nya lang ako ng mata na para bang ayaw ng sumama kay Natnat sa paglolocker.
"Ano ka ba kung hindi tayo sasama maraming pwedeng mangyari," bulong ko naman kay Baks kaya naman mukhang nacurios si Natnat. Tinaas nya yung isang kilay nya na para bang nalilito.
"Ahm...ano yung pinag-uusapan nyo?," inosente nyang tanong sa amin ni Baks habang nakataas pa rin yung isang kilay at medyo nakakunot yung noo. Medyo natawa naman ako sa mukha nya pero mahinang tawa lang.
"Pinag-uusapan lang namin kung ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag nabasa mo yung love letter at narealize ko na kung paano ka kikiligin," sabi ko sabay tawa ulit.
"Alam mo ang bad mo rin kung minsan noh Miles," sabi naman nya na para bang ini imagine nya na rin kung ako nga ba ang magiging reaksyon nya kapag nabasa nya yung love letter.
"Tama na nga kayong dalawa diba maglolocker ka pa Natnat?," pambabasag naman ni Baks ng pagtatalo namin ni Natnat. Pero simpleng pagtatalo lang nman yun dahil pabiro lang naman ang lahat.
"Oo na nga bakla eto na. Tara na nga," sabi naman ni Natnat kay Baks na medyo hindi paa kumportable na maglocker dahil sa hindi pa kami tapos magtalo. Ganito kasi talaga kami eh.
Pumunta na kami sa lugar kung nasan ang locker ni Natnat at doon inilagay nya ang lahat ng libro nya at swerte dahil nahulog yung letter para na din hindi nya makalimutan na basahin yun.
-END OF FLASHBACK-
"Ms. Miller!," sigaw sa akin ni Ma'am habang nakatayo sa harap ko kaya naman natauhan na ako. Wala rin naman kasi talaga akong balak na makinig sa mga tinuturo nya dahil tanggap ko na na kahit anong gawin ko hindi ko rin yun maiintindihan.
"Ano po yun Ma'am," bigla ko naman sabi at tsaka ako napatayo kaya ngayon magkaharap na kami face to face ni Ms. Ramos. Bigla naman akong kinabahan dahil mukhang tatanungin nya ako ng problem.
"Do you even listen to my discussion?!," pasigaw na tanong sa akin ni Ma'am kaya naman mas kinabahan ako. Pero sana naman wag nya akong pasagutin ng problem mas ok pa sa akin na mapunta sa detension.
"Ahmm...," sabi ko na lang pero hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil wala naman talaga akong maidadagdag pa. Ano ba naman kasi yung pumasok sa isip ko at hindi ako nakinig.
"I see, hindi ka nga nakikinig sa discussion at kung hindi ka nakikinig isa lang ang ibig sabihin nyan...You can answer the problem that I will give you realated about our topic," sabi na naman ni Ma'am at ngayon sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko pati yung puso ko nangangatog dahil sa sinabi ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)
Teen FictionNapakahirap maging isang babaeng pinagpipilitan ang sarili nya na magustuhan ng isang lalake. Kung ganun paano pa kaya si Irene Miller na napag-utusan na gustuhin sya ni Bryles Gomez na ang lalake namang pinakagwapong nag-eexist sa buong mundo. Kay...