Chapter 3

93 9 7
                                    

-Irene-

Nandito kami ngayon sa isang park ni Cris. Wala kasing pasok ngayon at parang may gusto syang sabihin sa akin, hindi ko lang alam kung ikatutuwa ko ba yung sasabihin nya o ikalulungkot. Pwede ring ikagalit. Ah basta pakikinggan ko sya kahit anong mangyari, kahit na masaktan pa ako.

Umupo lang ako sa swing dahil wala rin naman masyadong tao. Si Cris naman para bang walang magawa kundi sundan ako kaya naman umupo na lang sin sya doon sa isa pang swing sa tabi ko. At mukhang balisa talaga sya. Ano nga kaya yung sasabihin nya?

"Alam mo Irene-," sabi nya ng seryoso pero para bang nag-aalangan pa syang sabihin yun kaya hindi nya tinuloy at alam kong seryoso talaga sya dahil ngayon lang nya ako tinawag sa pangalan kong Irene may lalo tuloy akong kinabahan sa mga sasabihin nya.

"Ano ba yun Cris? Sabihin mo na ang seryoso mo kasi baka matakot ako sayo nyan," sabi ko sa kanya na medyo nagbibiro pa pero alam ko sa sarili ko na pilit lang yung mga tawa na lumalabas sa bibig ko ngayon sa sobrang pagka kabado.

"Ah kasi Irene nahihirapan na talaga ako eh," sabi na naman nya at this time naramdaman ko yung lungkot sa boses nya. Bawat isang salita para bang tumatagos sa puso nya pati na rin sa puso ko. Ang bigat bigat ng dinadala nya sa puso nya.

"Sige lang ibuhos mo na lahat ng sakit nandito naman ako eh hindi kita iiwan," sabi ko sa kanya at tinignan ko sya sa mga mata nya. Kitang kita ko doon ang pagpigil nya sa mga luha nya. Gumigilid na kasi yun at pinipigil nya lang.

"Hindi ko na kasi kaya na makita si Natalie na nagkakandarapa kay Bryles. Sobrang nasasaktan ako," sabi nya at tumulo na talaga ang mga luha nya. Yun pala ang dahilan kung bakit sya balisa kanina pa. Tumayo ako sa harap nya at binigyan ko sya ng panyo tsaka ko tinapik ang balikat nya.

"Ano ba gusto mong gawin ko?," yun na lang ang sinabi ko, wala na kasi akong maisip na sabihin eh kasi pati ako naman nasasaktan sa pagkakandarapa ni Cris kay Natnat eh. Hindi nya lang din mafeel.

"Pwede bang tulungan mo ako na makapagsabi ng nararamdaman ko kay Natalie?," tanong nya sa akin. Bakit ba sa akin pa? Bakit yung katorpehan nya na nadarama kay Natnat ay syang kamanhidan na nadarama nya sa pagkakagusto ko sa kanya?

"Sige payag ako na tulungan ka, pero bakit hindi ka na lang kay Tibo o kaya naman kay Baks nagpatulong?," dagdag na tanong ko pa sa kanya. Paano naman kasi masakit kaya yun. Tutulungan ko na makapagsabi ng nararamdaman yung gusto kong tao sa iba.

"Ah kasi ikaw ang unang pumasok sa isip ko," sabi lang nya. Pwede ba akong magback out sa pagsabi ng oo na tutulungan ko sya. Hindi pa naman pala nya kinukunsulta yung dalawa eh. Di hamak na mas malakas pa ang loob nung dalawa na yun.

"Sige na nga, so ano ng balak mo?," tanong ko na lang sa kanya. Ang sakit pero gagawin ko naman toh para sa taong mahal ko eh. "Tsaka isa pa tumahan ka muna dyan baka isipin ng mga tao dito mahina ka dahil umiiyak ka," dagdag ko pa sa kanya para naman tumahan na sya.

Pinunasan lang nya yung mga luha nya at tsaka tumayo na rin sya doon sa swing at naglakad lakad na lang kami nung pagkatapos nyang makatahan talaga.

"Akin na lang muna pala tong panyo mo ah. Lalabhan ko na lang," sabi nya sa akin habang naglalakad na kami ng paikot ikot lang sa park.

"Hindi na nakakahiya naman sayo eh," sabi ko kasi nakakahiya na sya pa ang maglalaba eh akin naman yung panyo na yun. Tsaka isa pa mukhang hindi sya sanay maglaba lalo na at lalake sya.

"Hindi ako bahala dito papabanguhin ko din toh ng gaano kabango mo ibinigay sa akin," sabi naman nya at nakita ko na yung ngiti nya. Ibig sabihin masaya na sya pero sa ngayon lang paano kaya sya sasaya ng tuluyan?

Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon