-Irene-
Uwian na sa wakas at feeling ko forever akong nakakulong doon sa klasroom na yun kasama si kamatayan kanina buti na lang talaga at walang forever. Wala pang may kahit anong proof na may forever nga.
"Huy bakit nyo naman ako iniwan kanina?," pagpoprotesta ko at nakita ko yung mga mukha nila na naguguluhan sa protesta ko.
"Anong kanina ang pinagsasabi mo dyan Irene?," tanong naman sa akin ni Tibo. Aba ngayon ko lang ulit narinig na tinawag nya akong Irene. Mga isang taon na rin siguro yun.
"Kanina. Nung naleyt ako dahil iniwan nyo ako at naharang na naman ako ng demonyo," sabi ko sa kanila at mukhang mas lalo pa silang naguluhan sa mga pinagsasabi ko.
"Sino naman yung tinutukoy mong demonyo ha bakla?," tanong naman ni Baks sa akin na curios na curios kung sino ba talaga yung tinutukoy ko. Kaso baka pagtulungan na naman ni ako ni Natnat kung malalaman nila kung sino yung tinutukoy kong demonyo.
" Ah...w-wala...h-hindi nyo naman sya kilala eh," sabi ko na lang kaso mukhang pinaghihinalaan nila ako dahil sa pautal-utal kong sabi. Nakaka inis naman kasi na mas mukhang mabait sa mga mata nila si Bryles eh.
Bitch lang ako hindi ako bad girl kaya dapat hindi nila kinakampihan yung Mr. Bad Boy na yun. Isa pa kaya nga tinawag na bad boy eh masama ang ugali. Mali pala, hindi lang masama...ubod ng sama!
"Ah ok pero ano ba ang pangalan nung demonyong sinasabi mo?," tanong na naman ni Tibo. So ganun walang paki alam sa akin si Natnat at Cris. Tsaka kanina ko pa napapansin na tahimik yata silang dalawa bakit kaya?
"Ahmm...Ah...," sabi ko tapos lumingon lingon muna ako para makahanap ng pangalan na pwedeng sabihin. Nakakita ako ng bag na may name tag na Valerie Moinarez. Ang problema lang kung yun yung sasabihin ko baka naman ipahunting pa nila yung babae, kawawa naman.
"Ano na? Ano ba ang pangalan nya para naman magkaalaman na kung bakit kaylangan ka pa nyang harangin," sabi ulit ni Tibo. Bakit ba sya yata ang concern na concern ngayon?
"Hindi ko kasi alam ang pangalan nya kaya tinawag ko na lang sya na demonyo," sabi ko na lang para maka iwas na sa gulo. Baka naman kasi kung ano pang gawin nila kung magsasabi ako ng pangalan.
Lintek din kasi tong Bryles na toh eh, tuloy kaylangan ko pang maglihim sa mga kaibigan ko dahil sa mga kabliwan na pinagagawa nya sa akin at pati na rin sa mga pinaggagagawa nya sa akin.
"Ah nga pala Miles, bakit kayo magkasabay na pumasok kanina ni Bryles sa klase?," bigla namang tanong ni Natnat pero ni hindi man lang sya sa akin tumingin. Nakatingin lang sya sa sahig.
"Nagktaon lang siguro," sabi ko na lang dahil wala na rin akong ibang palusot na maisip eh. Tsaka mukhang seryoso si Natnat at pag ganyan alam kong nagseselos na sya.
Kaya rin siguro tahimik sya kanina pa. Kaya rin siguro tahimik si Cris, dahil nararamdaman nya yung selos na nararamdaman ni Natnat sa akin at kay Bryles dahilan para magselos din sya.
"Eh bakit parehas kayong hingal na hingal?," tanong na naman nya ulit. Bakit ba kaylangan pa nyang tanungin yung mga ganung bagay? Kumikitid na ang utak nya dahil lang sa Bryles na yun.
"Ako kasi tinakbuhan ko lang yun demonyo kanina pero ewan ko sa kanya kung anong ginawa nya at bakit sya hingat na hingal," sabi ko na lang para naman hindi na sya maghinala pa. Tsaka hindi naman nila kilala yung demonyong tinutukoy ko eh.
"Sabihin mo nga si Bryles ba yung tinutukoy mon demonyo?," tanong na naman nya kaya naman nagulat ako at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na sabihin ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)
Teen FictionNapakahirap maging isang babaeng pinagpipilitan ang sarili nya na magustuhan ng isang lalake. Kung ganun paano pa kaya si Irene Miller na napag-utusan na gustuhin sya ni Bryles Gomez na ang lalake namang pinakagwapong nag-eexist sa buong mundo. Kay...