-Irene-
The day has come Monday na at nandito na ako ngayon sa klasroom namin. Hinihintay ko na lang si Cris na pumasok at maibigay sa akin yung letter na ginawa nya para kay Natnat.
Tingin ko naman pinaghandaan nya talaga yung letter na yun dahil dalawang araw nya yun sinulat. Kaylangan din naman kasi nya ng sapat na oras para isulat yung letter na yun at syempre galing din yun sa puso nya.
Hindi ko nga rin sure kung uubra ba yun dahil kung magbibigay lang sya ng letter at hindi pa alam ni Natnat kung kanino ba yun galing hindi ba parang hindi pa rin naman nasabi ni Cris yung nararamdaman nya eh.
Ano kaya kung kumbinsihin ko na lang si Cris na magtapat ng personal. Masaktan man ako pero alam ko namang sa una lang yun eh kasi nakikita ko namang masaya yung taong gusto ko. Kahit na pagpapakamartyr pa yun.
Malay ko naman na isang araw pala bigla na lang akong makatagpo ng isang lalaking papalit kay Cris dito sa puso ko. Tsaka malay mo hindi man makahanap maka move on na lang kahit hindi man naging kami.
"Huy Miles eto na oh!," sigaw sa akin ni Cris habang inaabot yung papel na sulat nya para kay Natnat. Grabe nakakagulat sya. Kailangan pa bang sigawan nya ako eh nasa tabi ko lang naman sya?
Tinignan ko ang mukha nya at mukhang excited na excited na sya na makuha ni Natnat yung sulat na ginawa nya. Kitang kita ko rin ang saya sa mga mata pa lang nya. Sana maging ganyan pa rin sya kahit na hindi man tanggapin ni Natnat yung sulat.
Kinuha ko sa mga kamay nya yung papel at pagkakuha ko pa lang nun para bang may kirot akong naramdaman pero para lamang yung kagat ng langgam at agad ding nawala.
"Pinagbutihan mo naman ba tong sulat na toh?," medyo pabiro kong tanong sa kanya dahil mukhang kinakabahan din sya. "Ano ba naman chillax Cris," sabi ko pa sa kanya dahil nakikita kong nagbubutil-butil na yung mga pawis nya.
"Ah...Kasi...Oo pinagbutihan ko yan...kaya pagbutihin mo rin ang pag-aabot sa kanya ah," sabi naman ni Cris ng pautal-utal dahil sa kaba nya. Di kaya pwedeng kumalma muna sya? Sulat lang toh eh paano pa kaya kung personal na plano ko pa naman sana yun.
"Ok sabi mo eh pero pwede ba kalma muna wala pa naman sya eh. Gusto mo bang magcafe muna?," sabi ko na lang sa kanya at baka sakaling kapag nagcafe kami mabawasan yung kaba nya.
"Ah...Sige," tipid nya na lang na sagot.
Naglakad na kami papunta sa labas ng Xianon University dahil nasa tapat lang nung University namin yung vendo machine ng cafe. Wala naman kasing coffee shop malapit dito kaya sa vendo machine na lang.
"So ako naman ang manglilibre since ako naman yung nag-aya and by the way eto na pala yun panyo mo muntik ko na makalimutan," sabi ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko sa bulsa ko yung panyo nya tsaka ko inabot sa kanya.
"Ah...Sige...Eto na rin pala yung panyo mo," sabi na naman nya ng pautal-utal tsaka nya kinuha yung panyo nya at inabot naman nya yung sa akin.
"Eto oh hintayin na lang kita dito ah," sabi ko naman sabay bigay ng pera na panghulog doon sa vendo machine tsaka sya pumunta doon.
"Hey guys!," nagulat naman ako sa kung sino yung sumigaw. Si Baks lang pala, aga yata nya compare sa mga oras ng karaniwan nyang pagpasok sa school.
"O aga mo naman yata may sakit ka ba?," pabiro kong bati sa kanya kaya naman inirapan nya ako. Maaga ngang pumasok, mukhang may toyo naman sya. Hindi ko na talaga sya maintindihan.
"Manahimik ka na dyan bakla and you wont believe kung ano ang nasa gossip page ng Xianon University," sabi naman nya. Ewan ko pero bigla akong kinabahan sa kung ano mang nandun sa gossip page.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)
Teen FictionNapakahirap maging isang babaeng pinagpipilitan ang sarili nya na magustuhan ng isang lalake. Kung ganun paano pa kaya si Irene Miller na napag-utusan na gustuhin sya ni Bryles Gomez na ang lalake namang pinakagwapong nag-eexist sa buong mundo. Kay...