-Irene-
Almost one week na ang nakakaraan simula nung mangyari yung pagpapagalit sa akin ni Bryles at simula din noon malimit na akong naglalalabas ng klasroom para makaiwas kay Bryles lalo na't pinagbantaan nya ako na kung makikita nya ako ulit patay ako.
"Huy Miles mukhang malalim ang iniisip mo dyan ah," sabi sa akin ni Tibo. Akalain mong sya yung unang kukuda eh karaniwan naman nakikisingit lang sya sa usapan namin.
"Ah wala toh," tipid ko na lang na sagot sa kanya. Nandito na naman kasi kami ngayon sa canteen at sinigurado kong doon kami uupo sa malayo sa Special Table na yun. Ako kasi kanina ang unang umupo dito para naman di na sila umapila.
"Drama nyo. Forget what happend last week pwedeng mag move on. Isa pa one week ka na kayang ganyan, di ka ba nagsasawa?," sabi naman ni Natnat na medyo ikinainit naman ng dugo ko sa kanya. Seriously?! Move on?! Eh sila nga yung dahilan kung bakit iniisip ko pa rin yung last week.
"Move on ka dyan. Ikaw ang may kasalanan nito," sabi ko naman sa kanya dahil yun ang totoo at mukhang medyo nainis din sya sa sinabi ko. May karapatan ba syang mainis medyo nalilito kasi ako dahil ako dapat ang umaasta ng ganun eh.
"Ok fine," tipid na sabi lang ni Natnat. Dahil parang natauhan na din sya ng kasalanan nya talaga ang lahat ng nangyari nung nakaraang week. Pero bakit ba kasi kaylangan pa naming pag-usapan yun.
"Tigilan nyo na nga yan mga bakla kayo," sabi naman ni Baks. Lakas lang makasingit ano yun Tibo lang ang peg?
"Nakakahiya naman sayo ah!," sigaw namin ni Natnat ng sabay pero sa mahinang boses lang dahil baka maging center of attraction na naman kami. Ayoko na talaga.
"Ay grabe ah nagsabay pa kayo. Kailan nyo yan prinaktis bili amin," sabi na naman ni Baks. Na para bang naiinis na sa pagsasabay lang namin ni Natnat. Para yung lang eh naiinis kaagad.
"Edi Wow," sabay na naman naming sabi ni Natnat. Lupit ah hindi pa namin yan prinaktis eh paano kaya kung pinagpraktisan pa namin yun. Kaya naman mas lalong nainis si Baks.
"Oo na. Sige na kayo na ang sabay. Kayo na talaga," sabi na naman ni Baks. "Kayo ba wala kayong balak na dalawa na sabayan ako para naman hindi ako napapahiya dito sa dalawang bakla na to," dagdag pa nya doon sa dalawang lalaki. I mean isang lalake, isang linalake.
"Wala," sabay naman na sabi ni Tibo at ni Cris. Kawawa naman si Baks walang kasabay na magsalita. Gusto ko na tuloy tumawa.
"Ok fine kayo na talaga," sabi na lang nya at nanahimik na sya. Nawala na sya sa mood kaya siguro nanahimik na lang sya.
"Wala ka nang sasabihin?," sabay sabay naming apat na tanong sa kanya. Kaya naman nagtawanan kami. Akalain mo yun nagkasabay-sabay pa kami sa pagsasalita. Tawa lang kami ng tawa dahil sa mga pinag gagagawa namin.
"Look who's here? The losers," sabi nung babae na dumaan kaya naman tiningala ko sya. Hindi naman ako nagkamali dahil inaasahan ko na na yung nagsalita na yun ay ang one and only queen bee sa university namin. Kaya naman napahinto kami sa pagtawa.
Si Janine Perez. Maganda. Captain ng Cheerleaders. Matangkad din. Long legged. Pang model ang katawan. Maputi. Walang kinatatakutan. Arogante. Mayabang. Mataray. Maarte. Walang talent. Almost perfect na din sana sya kaso walang talent, bumawi lang talaga sa ganda. Tsaka sya lang naman ang nag-iisang No. One Fangirl ni Bryles.
"And look they are having a stupid happiness," sabi na naman nya habang yung dalawa nyang buntot na kaibigan na kambal. Sina Janelle Bautista at Janella Bautista. Parehas na parehas sila ng ugali. Parang namana nila lahat kay Janine pwera lang sa pagiging walang talent ng queen bee. Sila kasing dalawa magaling kumanta. Mala anghel yung mga boses nila kung mapapakiggan mo.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing Bryles Gomez (Mr. Bad Boy)
Teen FictionNapakahirap maging isang babaeng pinagpipilitan ang sarili nya na magustuhan ng isang lalake. Kung ganun paano pa kaya si Irene Miller na napag-utusan na gustuhin sya ni Bryles Gomez na ang lalake namang pinakagwapong nag-eexist sa buong mundo. Kay...