Trigger Warning: Strong Language
--
"Tangina! Nakailang ulit na tayo d'yan. 'Di n'yo pa rin matandaan? Magtatatlong araw na tayo sa routine na 'yan. Jusko, 'di n'yo masaulo!?"
"Chill lang, Tres," pagpapakalma sa akin ni Pia.
"Parang tanga, e. Ilang araw na lang ang competition. Tutunga-tunganga pa? Maglampungan na lang kayo and quit the troupe! Hindi dapat ini-exempted ang mga gaya ninyo rito!" singhal ko.
Tumayo si Kalie sa pagkakaupo at halatang gigil na rin sa akin.
"Eh, bida-bida ka kasi! Alam mo, dati ka pa, e! Napaka-bossy mo. Akala mo ikaw palagi ang tama. Sa'yo na ang dance moves mo! Akala mo naman napakaganda!"
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa damit niya.
"Talagang tama ako! Ano bang ambag mo rito kung 'di ang magpaganda at magpaghinhin para d'yan kay Dons? Ulol! Kahit magsama pa kayong umalis, wala akong pake!"
"Tama na 'yan!" sigaw ni Julius, leader ng dance troupe namin. "Manahimik na kayong dalawa! Kung ayaw n'yong magseryoso para matapos ang buong choreography na 'to, umalis na kayo. Masiyado kayong nagdadala ng gulo rito."
"'Yang si Tres ang kausapin mo! Siya 'tong bida-bida. Akala mo leader!" bulyaw ng babae.
"May naiitulong ako! Ikaw? Wala! Tangina. Anong ambag mo? Ni ganda wala ka!" rebutt ko sa isang 'to.
"Fuck you!" sigaw ni Kalie at akmang sasabunutan ako pero napigilan ni Dons.
"Mas tangina mo ka!" nakalapit ako at tinulak ko bahagya ang dibdib niya kaya napaatras siya. "Oh, ano? Ano!? Tangina mo," mahina pero gigil na gigil na sambit ko sa harap ng mukha niya.
"Tumigil na kayo!" saway sa amin ni Julius. "Tres, umalis ka na d'yan! Paglayuin n'yo nga 'yang dalawa!" utos pa nito.
Inirapan ko nang matindi si Kalie bago tumalikod at naglakad palayo sa gym.
Ang babaeng 'yon, sinusubok ang pasensya ko! Walang ambag, pangit at haliparot! Wala namang talent sa pagsasayaw, nagpupumilit pa! Kumukulo ang dugo ko tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Kainis!
Next week na ang laban namin pero heto si Kalie nakikipaglandian kay Dons imbis na magsaulo ng mga nakakalimutan niyang step sa sayaw. Napakatanga at iresponsable. Kung hindi siya seryoso sa pagsasayaw, sana hindi siya sumali rito.
"Bagong sali tapos ganiyan attitude," bulong ko nang makalayo ako.
"Kalma lang, Tres," pagpapahinahon sa akin ni Pia. "Kalmahan mo lang kasi at marami na namang masasabi sa'yo ang ibang tao."
"Wala akong pake sa kanila," sabi ko na lang.
Nakakairita talaga 'yang mga ganyang tao. Sumali ako rito dahil seryoso ako sa pagsasayaw at para na rin manalo. Kaya binibigay ko ang lahat ko tuwing praktis namin. Nagbibigay din ako ng ideya ko sa mga moves na puwedeng gawin at idagdag. Sana hindi na lang sila sumali kung may iba pa pala silang gustong gawin bukod sa magsayaw.
Bumalik na lang ako papunta sa classroom namin dahil mamaya ay tutunog na ang bell. Nagbibigay lamang kasi kami ng kaunting oras para sa praktis tuwing tanghali.
"Ang pawis mo, Tres. May pulbo ako sa bag. Teka, kunin ko," sabi ni Leigh sa akin.
"'Wag na," sagot ko.
Hindi nakinig sa akin si Leigh kaya naman nilabas pa rin niya ang pulbo sa bag niya.
"Ito na. Kuhanin mo na. Ang oily na ng mukha mo," komento nito.
BINABASA MO ANG
Tears Of Rhythm (Performer #1)
RomanceDance. That one thing that she knows she is capable of. One thing that helps her to make money. Thrinity Bautista is a remarkable dancer in her school but because of her attitude, many people dislike her. She hates people who aren't serious about da...