"Ang galing natin!" papuri ng mga kasamahan ko sa sayaw namin kanina.
"Grabe! Sobrang kabado na nga ako kanina. Muntik na ako nagkamali!"
"Huy, ako rin! Matutumba sana ako sa ikot ko, e, buti ay may nasa unahan ako no'n!"
Ang dami nilang komento sa ginawa namin kanina samantalang dinig na dinig ko ang matinding hiyawan ng mga tao sa loob ng convention ngayon.
Narito na kami sa labas dahil iikot kami sa convention para mailabas 'yong mga props namin at saka performers mismo. Pagkatapos naman namin makapagbihis at maitabi mga props ay p'wede na ulit kaming bumalik at manuod sa convention.
"Tres! Marunong ka magtanggal ng contact lense?" tanong sa akin ni Cindy.
"Hindi," sagot ko at lumabas na ng room na tinulugan namin.
Pagkalabas ko pa lang doon ay napansin ko na si Leigh kasama si A.M.
"Tres!" sigaw ni Leigh habang kinakaway ang kamay.
"Uy," bati ko nang makalapit ako.
Niyakap naman ako ni Leigh at hinigit din nito si A.M.
"We're proud of you! Galing n'yo. Ang galing galing mo talaga!" papuri nito.
Tumango si A.M. "True. Ang galing n'yo!"
"Salamat."
"Manuod pa tayo sa iba?" tanong ni A.M.
"Uy, ta ta!" pagsang-ayon ni Leigh.
Naglakad kami palabas sa building ng tinulugan namin dito at tumungo sa may convention.
May inabot-abot pa sa amin ni A.M. si Leigh. Kainin daw namin habang naglalakad kami. Mga ilang minuto rin kaming naglalakad pabalik ng convention dahil galing kami roon sa school na pinag-stay-an namin.
Napansin ko ang ilang miyembro ng Maincore na lumalabas sa likod ng convention. Tapos na ata sila.
Kitang-kita ko ang mga ngiti sa labi lalo na sa mata nila. Mukhang maayos nilang naitawid ang performance nila.
"Guys! I am so proud of us! Ang galing n'yo!" Dinig kong papuri ng isa nilang kasamahan.
Nang tingnan ko, nagkatitigan kami nung nagsalita. Si Quen. Ginawadan niya ako nang isang malaking ngiti... na tinitigan ko naman?
Agad akong umiwas ng tingin at ipinokus ang sarili sa kung ano man ang sinasabi ni Leigh na hindi ko naman na naiintindihan.
"Gets n'yo ba?" nakakunot ang noo ni Leigh na tanong niya sa aming dalawa ni A.M.
Nagkatinginan kami ni A.M. na parang wala rin siya sa wisyo.
"Hindi," sabi ko.
Napakamot naman sa leeg si Leigh.
"Hay! Let just watch na nga lang the other groups! 'Di pa naman tapos. Tara na?" aya nito muli na ikinatango namin.
Marami-rami pa ang hindi nakaka-pagperform dahil mahaba pa rin ang pila sa may gilid ng convention. Ang mga sobrang lalayo pa nga talaga na lugar ay nag-oovernight mismo at nagtatayo ng tent dito sa labas ng convention. Buti na rin talaga at hindi naman gaano umuulan kapag ganitong panahon. Nakakaawa rin.
Bakas sa pag-alala ang naging tunog ng loob ng convention dahil sa may ilang mga miyembro ng grupong nagsasayaw ngayon ang natapilok o 'di kayang natutumba.
Magaling sila, 'di lang maiiwasan ang ganyang eksena sa ganitong kompetisyon. Pero wala, e. Mas magaling pa rin kami.
"Huy, bumalik sina Quen!"
BINABASA MO ANG
Tears Of Rhythm (Performer #1)
RomanceDance. That one thing that she knows she is capable of. One thing that helps her to make money. Thrinity Bautista is a remarkable dancer in her school but because of her attitude, many people dislike her. She hates people who aren't serious about da...