TOR 07

2 0 0
                                    

Ini-add nila ako sa groupchat kasama sina Quen at Maincore. Hindi rin naman ako nag-cha-chat.

"Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Julius. Wait ka daw nila later," ani Leigh.

Galing kasi siyang labas ngayong lunch. Nagmeeting sila for drama club ngayong darating na shs week. Halos wala ring mga klase at puro pa-activity na lang ang mga teachers namin. Sana 'di na lang pala ako pumasok ngayon pero sayang din naman attendance at minsan nakakaangat pa 'yon ng grades.

"Guys! Mag-start na kayo gumawa ng mga materials na ikakabit natin sa shs week, ha!" payo ng representative ng klase namin.

Ang napag-usapan kasi nila at naaprubahan na ng principal ay ang aming mini cafe. Mga mura at affordable sa mga estudyante ang mga ibebenta naming tinapay pati na rin beverage. Sa loob ng isang week na 'yon paiba-iba ng toka. Nakatoka ako sa unang araw. Unang araw pa talaga. Wala naman akong magawa dahil majority nila. Sa'kin talaga pinasa ang pinakamalakas na benta para mapagod.

"Tres!" tawag sa akin ni Monica, representative namin. "Mag-dress ka sa unang araw dito sa booth, ha? Halos lahat ng taga-serve at taga-gawa ay mga naka-dress tapos pag-aambagan naman 'yong mga apron na gagamitin ng lahat."

Dress? Wala ata akong dress?

"Pa'no 'pag wala?" tanong ko.

"Ha? Anong wala?" takang balik nito.

"Dress. Wala akong dress," sagot ko.

'Kala ko 'di niya pa rin ma-ge-gets. "Ay... gano'n ba? Oo nga pala. More on pants and shirt ka. Teka, wait." Iniwan niya ako saglit sa kinatatayuan ko at lumapit sa iba naming kaklase.

"May extra dress ba kayo? Pahiram sana natin kay Tres," wika niya.

"Omg! Ako! Me! I have! Baliw ka, Tres! Sa'kin mo na i-diretso ang ganyan," banggit ni Leigh na nagpresenta na pahiramin ako.

"'Yan! Thank you! Solved na problem mo, Tres!" nakangiti ring balita sa'kin ni Monica.

Tinanguan ko ito. Umalis din naman agad siya at kinausap ang iba naming kaklase.

"Mag-dress ka for SHS week?" tila nakislap ang mata ni Leigh sa impormasyon na 'yon.

"'Yon sabi," tugon ko.

Nagtatatalon pa nang bahagya si Leigh sa harapan ko habang niyuyugyog ako nang kaunti. "I'm so excited, grabe!"

"OA naman nito," puna ko na ikinatawa niya.

"Papahiramin kita ng sexy dress ko!" kinindatan pa ako ng isang 'to.

"Gago, tigilan mo 'ko," irap ko.

Humalakhak siya. "Don't be picky! Basta, maganda 'yon!"

"Ewan ko sa'yo, bahala ka nga d'yan."

Kinindatan muli niya ako.

Pagdating ng hapon ay nauna na ako umalis kay A.M. Si Leigh naman ay may praktis pa kasama ang mga miyembro ng drama club. Ngayon, papunta ako sa quad para tagpuin ang ibang members ng The Grands. Sabay-sabay na raw kasi papunta sa Saint Anne Hill. Sa gym kasi nila kami magpa-praktis ng pang-opening salvo nila sa kanilang Foundation.

"Si Tres! Dumating ka!" bati ni Pia sa akin.

Nginitian niya ako na ikinatango ko naman.

"Tagal mo. Ikaw pa hinintay. VIP ka?" si Kallie.

"Sana nauna ka na," balik ko.

Inirapan niya lang ako. Arte.

"Sino ba kasing nagsabing hintayin ako?" tanong ko sa kanila.

Tears Of Rhythm (Performer #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon