TOR 05

4 0 0
                                    

Bakit ko pa ba ginugustong magmulat ng mga mata sa umaga?

Sabagay... may mga pangarap pa nga pala ako na gustong gawin kahit isang napakalaking shit ang buhay ko.

"Gunggong! Gago, push n'yo na mid! Kaya 'yan!" bulyaw ng kapatid ko sa aming sala.

Agang-aga, ml ang inaatupag ng kapatid ko.

"Tristan, nagsaing ka na ba?"

Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalaro na parang 'di ako naririnig.

"Tristan, ano?"

"Ate saglit! Maghintay ka kaya. Kita mong naglalaro ako, e," reklamo nito.

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Ang aga pa para mabadtrip na naman, Tres.

Bumaba ako para pumunta sa kusina at magsimulang magsaing.

Tangina.

Ako na lang lagi. Puta, kanino pa ba ako aasa? Tanginang buhay 'to. Maigi sana kung sumusweldo ako kagagawa rito pero hindi naman!

Pagkatapos kong magsaing ay agad ako naligo at nagbihis. Hindi ko alam kung may pupuntahan ba ako o may kailangang gawin sa labas basta ang gusto ko ay makalabas dito. Kumain na rin ako bago umalis.

"Tristan, kumain ka na," paalala ko sa kapatid ko.

"Oo, ate. Maya-maya ako."

Hindi na ako umimik at agad na lumabas na. Sariwang hangin ang dumampi sa balat ko. Buti na lang medyo makapal ang tela ng damit ko, medyo malamig din ngayon.

Tiningnan ko ang wallet ko kung may laman pa. Makakapag-jeep na naman ako papuntang mall.

"Mommy, so pretty! Look, oh!" Napatingin din ako sa direksyon na tinuro ng bata sa gilid ko.

Katabi niya ang nanay niya habang siya, 'yong bata, ay may hawak na chocolate ice cream at pinupunasan siya ng tatay niya dahil kumakalat 'yon sa pisngi niya.

Sakit sa mata.

Iwinaksi ko ang tingin ko sa isang masayang pamilya na hindi ko mararanasan. Punyetang 'yan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Window shopping lang talaga ang kaya ko. Tamang tingin lang dahil 'di ko naman afford na gumastos para sa mga gusto ko lang. Nabawas na nga sa expenses ko 'yong pamasahe ko papunta rito e. 'Di na dapat ako bumili pa ng iba. Tama na rin pangkain sa isang fast food restaurant.

"Wait, is that Tres?" Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ko.

Tumingin ang dako ko sa nagbanggit ng pangalan ko. Ah, si Hazelle pala. Member ng Maincore na unfortunately kaibigan din ni Quen... na ngayon ay nakatingin sa direksyon ko. Magkakasama silang magkakaibigan na halos kilala ko na rin naman gawa ng ka-member ni Quen na nakakalaban namin.

Grabe. Maliit ba talaga ang mundo para makita pa nila 'ko na dito? 'Kala ko dumadayo pa sila sa Maynila para mag-mall.

"Hi, Tres!" bati sa akin no'ng Hazelle kahit na narinig kong binanggit ng isa nilang kaibigan na snob naman daw ako.

Tinanguan ko na lang at umiwas ng tingin. Naglakad na rin ako papunta sa ibang direksyon kasi bakit naman ako maglalakad papunta sa kung nasaan sila? Hassle pa 'pag nagtanong.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nirereplyan 'yong paulit-ulit na message sa akin ni Quen tungkol sa Dance Camp. Una sa lahat talaga, wala akong pera. Plus na siguro na ayaw ko siya makita? Pero ba't naman ayaw ko siya makita? 'Di ko rin alam. Tagal ko na rin siyang kilala by name pero 'di naman talaga kami magkakilala. Awkward lang siguro at tumatak na first impression ko sa kanya no'n kaya laging mainit ang dugo ko.

Tears Of Rhythm (Performer #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon