"Kanina ka pa, Kallie. Sabing 'wag ka nga aalis sa puwesto na 'yan." Napakamot ng batok si Julius.
Kanina niya pa kasi ni-remind si Kallie tungkol sa pwestuhan niya. Hindi ata makatanda itong isa. Ang init-init pa naman dito sa gym namin tapos paulit-ulit kami dahil sa isang 'to.
"Ganito. Dito ka na lang sa pwesto ni Tres. Kulit kasi ng lahi mo. Lipat ka do'n sa likod," wika niya kay Kallie.
"Pero gusto ko sa unahan," may pag nguso pa si Kallie na sarap higitin.
"Oo tapos panay mali ka e 'di mapahiya tayo roon sa ibang school," sarkastikong balik ni Julius na wala ng ibang magawa si Kallie kung 'di sumunod.
"Ano?" tanong niya sa akin nang makarating siya sa pwesto ko.
Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil ayaw ko makipagtalo sa mga taong katulad niya ngayong araw na 'to.
Nakailang ulit kami ng practice ngayong araw. Mayroong na lamang kaming natitirang tatlong araw pa para makapag-ensayo kasama ang Maincore. Kaya naman todo tapos namin ang parte ng sayaw namin sa araw na ito. Samantalang bukas at sa ibang araw ay kasama naman ang Maincore para mabuo 'yong sayaw.
"Goods na," papuri ni Julius nang matapos ang isang pasada. "More control na lang. Bukas do'n tayo sa SAH. Pinaalala rin ni Quen sa'kin."
Tumango na lang din ako kahit 'di niya ako nakikita. Umiinom na kasi ako ng tubig sa gilid. Umupo muna ako sa gilid para mamahinga dahil nakakapagod din naman ang practice.
Draining din kapag wala kang pera. Ewan ko ba na sa inaaraw-araw ay wala talaga akong pera. Hinihintay ko na lang talaga na maging legal age na 'ko para 'di hassle sa paghahanap ng trabaho.
"Sabay ka sa'min mag-lunch?" aya sa'kin ni Pia.
Umiling ako.
"Sure ka?" Tinanguan ko naman.
"Sige. See you tomorrow, Tres!" paalam sa'kin nito.
Nagpaalam din sa akin si Julius na kasama ni Pia at tinanguan ko naman. Ang iba rin ay nagpaalam na para makaalis. Ilan sa kanila ay uuwi na habang ang iba ay babalik ata sa kani-kanilang classroom. Baka may iba pa ring pinagkakaabalahan.
Malapit na kasi ang SHS week namin. Nakahiram na ako kay Leigh ng dress pero next week niya na raw dadalhin at busy siya sa drama club ngayon.
Bumalik ako sa classroom ko dahil tuturuan daw kami ni Monica sa mga ise-serve namin pati gagawin. Nandoon din halos ng servers sa iba't ibang araw ng SHS week.
"Server ka na rin?" tanong ko kay A.M.
Katabi ko kasi siya ngayon. Ang natira na lang halos sa room ay ang mga may importanteng parte sa SHS week. Ang iba naman ay sumali sa ibang club at doon busy.
"Hinigit na 'ko ni Monica no'ng wala akong ginagawa kanina. 'Di naman ako mag-serve. Ano lang, gagawin ko lang 'yong mga i-serve," paliwanag ni A.M.
"Ah, gano'n."
Napatingin na kami sa mga nasa unahan na nagpapaliwanag ng gagawin namin sa SHS week. Dapat daw din na laging nakangiti. Talagang tinuro pa 'ko kanina ni Monica na dapat ngumiti talaga. Inismiran ko nga. Ang isang 'yon! Ano akala niya sa'kin 'di marunong ngumiti? Sus. Madali na 'yan. Napepeke nga credentials ng politiko sa Pilipinas, e. Ngiti ko pa kaya?
"Puntahan ba natin si Leigh?" tanong ni A.M. sa akin dito sa hallway.
Katatapos lang namin mag-meeting para sa mini cafe na gagawin namin. Pa-hapon na rin at pauwi na kami pero napagdesisyunan namin na bisitahin na rin muna saglit si Leigh.
BINABASA MO ANG
Tears Of Rhythm (Performer #1)
RomanceDance. That one thing that she knows she is capable of. One thing that helps her to make money. Thrinity Bautista is a remarkable dancer in her school but because of her attitude, many people dislike her. She hates people who aren't serious about da...