TOR 09

8 0 0
                                    

Hayop. Naririndi na ang utak ko sa mga lessons lalo na sa math na 'yan. Pagod na pagod na ako umintindi sa problema na 'yan. Problema ko nga 'di ko masolusyunan e.

"I feel like I failed the quiz! Ano sagot n'yo sa number 6?" iritadong tanong sa amin ni Leigh.

"X is equals to 24," sagot ni A.M. sa kaniya.

"May sagot kayo? 'Kala ko bonus. 'Di ko makita sagot e," sabi ko.

"Hala, baliw ka!"

Tinawanan ko na lang kasi sa isang number lang 'yon. Sigurado ba ako sa ibang sagot? Hindi rin.

Pagkatapos namin ng klase ay dumiretso kami sa Derries. Doon muna kami nagpalipas nang kaunting oras bago umuwi. Katulad pa rin ng dati, laging nauunang sunduin 'yong dalawa habang ako ay naglalakad papunta sa terminal.

"Tres!" Isang boses ang nadinig ko sa kabilang kalsada.

Si Hazelle. Kasama ang tatlo niya pang kaibigan. Kasama siya — Quen.

Tinanguan ko lamang ito at umiwas na ng tingin dahil naglalakad nga ako pa-terminal.

"Tres."

Tumigil ako saglit at tumingin sa likod ko. Nando'n na si Quen, nakatayo at tinitingnan ako.

Hindi kami madalas nagpapansinan na kasi syempre 'di ko naman siya gaano nakikita. Magkaiba kami ng school na pinapasukan, iba ang circle of friends namin at magkaiba kami ng status sa buhay.

Hindi ko alam kung nagdamdam ba siya doon sa nangyari dati kasi hindi naman na naungkat... kasi 'di rin naman kami nag-uusap? Wala rin naman akong pakialam sa kung ano man ang tingin niya sa akin pagkatapos ng nangyaring 'yon. Wala lang 'yon sa akin. Ganito talaga ako.

Nakikita ko minsan ang mga shared posts niya sa Facebook at minsan 'yong mga stories niya kasama ang kaibigan niya at minsan... sa gym. Bata niya pa para roon.

"Oh?" bored kong tanong.

"May a-ano... may gagawin ka ba?"

Tumango ako. "Pauwi na 'ko."

"Ah." Napakamot siya sa batok. "Okay."

Kumunot-noo ako. "Okay?"

"Ano... hatid na lang kita pa-sainyo... Ay ano, pa-terminal n'yo," nauutal niyang pagkasabi.

"Bakit? May paa naman ako."

"I know, Tres. It's obvious."

"Alam mo naman pala e. Eh ba't mo pa 'ko hahatid?" takang tanong ko.

"Masama ba maghatid? Eh pa'no kung mawala ka? Pa'no kung makuha ka ng mangunguhang bata? Pano ku—"

"Hep!" Itinapat ko ang palad ko sa mukha niya para manahimik siya. "Bata?"

Tumango ito. "Oo, bata?"

Napailing ako at tumalikod. "Ewan ko sa'yo."

Naglakad na ako sa kaniya at nauuna ako sa kaniya. Ang dami ring sasakyan na dumadaan sa gilid ko. Naglabasan na rin kasi sa ibang paaralan kaya matao na ang kalsada ngayong malapit na ang pagpasok ng gabi. Maya-maya ay halos nasa katabi ko na rin siyang maglakad. Nasiksik ako sa may gilid ng kalsada na halos katabi ko na ang pader samantalang nasa may tabi ko naman siya.

"I just want you to be safe," sabi nito makalipas ng ilang minuto.

Napatigil ako at tumingin sa kaniya. "Anong sabi mo?" mahinahon pero masama na ang tingin sa kaniya.

Natawa siya na parang tanga.

"I want to make sure na makapunta ka sa terminal n'yo," nangingiti nitong ulit na siyang ikinairap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears Of Rhythm (Performer #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon