TOR 06

6 0 0
                                    

Napakamot ako sa ulo dahil sobrang epal ni Quen. Dapat talaga hindi ko na lang siya in-accept e! Pampagulo talaga siya hindi ko man siya friend sa Facebook o friend ko man. Wala talagang takas! Pati sa personal epal!

Hindi ko alam ba't ang init talaga ng dugo ko sa kaniya. Ay, basta! 'Di ko alam!

"Who's that? Do you know him ba? Kanina pa tingin nang tingin, ha? Based on his uniform, hindi siya nag-aaral dito," pagpansin ni Leigh sa bubwit na tao sa paligid namin. "Pero medyo familiar siya."

Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas na silang magkakabarkada na nandito sa school namin. Ano bang nagustuhan nila rito at dito pa talaga sila tumatambay? Hindi pa ba sila kuntento sa aircon sa school nila at gusto nilang pagpawisan na parang iniihaw ka na!?

Parang tanga talaga mga mayayaman minsan. Kung maranasan lang nila maging mahirap, sigurado ako ayaw nila ng palagi na lang ganito sa araw-araw.

"Oo nga. Kanina ko pa rin napapansin," segunda ni A.M.

Sumulyap muli ako sa gawi nina Quen at talagang nakatingin pa rito! Sa akin!

Sinamaan ko nga ng tingin. Huh! Makuha ka sa tingin ko, bubwit ka!

"Kilala mo, Tres?"

Nagkibit-balikat na lamang ako at kinagatan 'yong sandwich na binili ko sa canteen kanina.

"Do'n na tayo sa room kumain. Daming... bangaw dito, e. Bangaw talaga. Malalaki," reklamo ko sa dalawa at nauna na tumayo.

Sumunod naman ang dalawa sa akin. Pagkarating naman sa room ay pinagpatuloy namin ang kinakain namin. Buti na lang nga at malapit na matapos ang klase namin. Tamad na tamad na talaga ako! Buti nga kahit papa'no ay may mga exempted pa rin kami sa mga quizzes kahit 'di kami nanalo no'n na Champion. Masaya pa rin naman ang faculty para sa amin. Ewan ko ba kung pinaplastik lang kami kasi ako hindi naman ako masaya no'n.

"Lapit na SHS week! Excited na ako sa mga booths!" nakangiting banggit ni Leigh sa amin.

"Ako rin, medyo..." mahinang sambit ni A.M.

"At ikaw, Tres? Until now hindi ka pa rin excited sa mga events na ganito?"

Umismid ako. "'Di ko trip 'yan, e. Maglalabas pa ng pera imbis na ako magkakapera."

Pinag-cross naman ni Leigh ang kaniyang mga braso.

"Huy! I will libre naman you! 'Wag mo isipin 'yon."

Umiling-iling ako. "'Yan pa. Ayaw ko lagi mo 'ko nililibre, Leigh."

"Why? 'Di naman ako naniningil 'no! 'Di ako gano'n! I give and hindi ako nagsusumbat!"

"Alam ko. Ayaw ko lang na gano'n. Pagtung-tong ko rin naman ng legal age ko ay maghahanap na agad ako ng part-time para naman 'pag gusto n'yo gumimik ni A.M. hindi n'yo na 'ko laging sagot."

"I'm fine with it though," si A.M.

Umiling-iling ulit ako at 'di na lang umimik dahil baka humaba pa ang pag-usapan at 'di magpapatalo 'yang dalawa sa ganiyang bagay. Basta makasama lang ako, talagang gagawa sila ng paraan.

Natapos na ang klase namin ngayong araw at magkakasama ulit kaming tatlo. Nasa may gate lang kami at hinihintay ang sundo ni A.M. at Leigh. Lagi pa ring nag-iinsist 'yong dalawa na ako ang unang ihatid sa may terminal ng tricycle o 'di kaya ay ihatid ako sa amin mismo pero ayaw ko. Sa iba pati ang daan nila at makakaabala pa ako.

"Nabalitaan ko sa SSG President na magkakaroon daw ng theater something na drama at acting sa SHS week. Gusto mo sumali, Leigh?" pagtatanong nito.

"Ah!" Napahawak kami sa dibdib namin sa pagsigaw ni Leigh!

Tears Of Rhythm (Performer #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon