‼️ TRAILER ‼️

5.4K 45 12
                                    

"Pagod ka ba?" ang tanong na kumawala sa aking labi bago ko pa ito mapigilan.

Sa kabila ng paghihirap ng paghinga at ang nakikitang pilit niyang lumaban nagawa parin niya ang isang mahinang ngiti. "Sabihin mo sa akin na sumuko na," mahinang bulong niya, na halos hindi ko marinig pero umabot parin sa pandinig ko, "gagawin ko..."

Bawat salita ay parang bubog na tumatagos sa puso ko. Ang imahe ng kanyang pakikipaglaban, hinihingal sa bawat paghinga, ay nakaukit sa aking isipan magpakailanman.

"Tama na," bulong ko bilang tugon, iniipon ang bawat lakas na taglay ko. "Pwede ka nang magpahinga, ginawa mo ang lahat para lumaban. I think it's your time to rest..."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya, isang desperadong pakiusap ang lumabas sa garagal kong boses. "Pero promise me, Wife," basag ang boses ko ng sabihin 'yon "kung mabubuhay ka muli sa panahong hindi pa tayo nagkikita, ipangako mo sa akin na hindi mo na ako muling makikilala. Hindi mo na mararanasan ang sakit na ito..."

Isang mahinang ubo ang kumawala sa kanyang mga labi. "H-o-n..." tawag niya, ang boses niya ay nahihirapan sa agos ng pagod. "Hindi ko maipapangako..." isang luha ang tumulo sa mata niya, "... babalikan pa rin kita..."

Iyon ang mga huling salita niya. Isang panginginig ang bumalot sa kanyang katawan, at ang kanyang kamay ay nanlambot sa kamay ko. Ang kanyang mga mata, na puno ng panghabambuhay na pag-ibig at isang hindi sinasabing pangako, ay pumikit. Ang monitor ay nagpakawala ng isang mahaba at patag na beep, ang masakit na tunog na umaalingawngaw sa hungkag na nag-ugat sa loob ko.

"Time of death,"

"12:00 AM."

Hindi ko  naintindihan ang sinabi ng doctor na blanko ang utak ko. Parang lahat sa paligid ko ay nawala maliban sa babae na hawak ko ngayon. Punong-puno siya ng buhay kanina, ngunit ngayon wala na, gaya ng mga paputok na nag-uumpisa labas. Naramdam ko ang labis na hindi patas na buhay sa mundo.

Rinig na rinig sa labas ang bawat pagputok ng fireworks, katahimikan ang bumalot sa buong silid at ang monitor na tumutunog kanina ay nag straight na wala na.

Wala na ang babaing iningatan ko ng ilang taon.

New Year's Eve now brings a wave of crushing grief, a constant reminder of the moment I lost her at midnight, this night.


Read more on Dreame.....

V

ISIT MY DREAME ACCOUNT

ISIT MY DREAME ACCOUNT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Ruthless Drug LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon