KABANATA 1

3.8K 52 1
                                    

Daniella Sullivan P.O.V

"Naka uwi kana pala, nag handa ako ng dinner mo, pasensiya na kung lumamig na ng kaunti pero pwedi ko naman initin ulit." Malumanay kong saad at mahihimigan ang pagod sa mga tinig ko ng sambitin iyun sa kanya pag pasok palang niya sa loob ng bahay.

"I already ate." Malamig niyang saad at hindi man lang ako tinapunan ng tingin, deritso siyang nag lakad paakyat sa taas kasabay ng pag talikod niya sakin ay kasabay din ng pag bagsak ng dalawang balikat ko bago napa yuko at napa buntung hininga. Ano pa nga ba ang aasahan ko pag dating sa kanya.

Limang taon na kaming kasal pero pakiramdam ko hindi niya ako asawa, sa nag daan na limang taon parang hangin lang ako sa kanya. Naging mabuti akong asawa kahit kailan hindi ako gumawa ng ikakagalit niya pero may araw din na sinasaktan niya ako pag hindi niya nagustuhan ang ginagawa ko, minsan bigla na lang niya akong sasampalin ng walang dahilan.

Nag lakad ako papunta sa kusina upang ligpitin ang mga niluto ko para sa kanya dahil alam kong kahit mag luto pa ako oras-oras ay hindi man lang niya gagalawin.

Pagkatapos kong ligpitin ang lahat ng hinanda ko sa lamesa at umalis na ako sa kusina at pumunta sa sarili kong kwarto dito sa kanyang mansion. Nang tumapat ako sa hagdan ay agad akong napa hinto, nakalimutan kong matagal na palang sa maid's quarter ako namamalagi. Umiling na lang ako bago nag lakad papunta sa gilid ng pasilyo hanggang sa maabut ko ang kwarto kung saan ako natutulog ng limang taon.

Pag pasok ko palang ay wala akong sinayang na oras at humiga sa maliit at medyo matigas na kama bago ipikit ang aking mga mata dahil sa pagod ay hindi kuna napigilang ipikit ang aking mga mata.

NAGISING ako dahil sa malakas na katok na nanggagaling sa pintuan ng kwarto ko, agad akong tumayo at binuksan ang pintuan, tumambad sakin ang malamig niyang mga mata na nagliliyab sa galit, nanginig na naman ako dahil alam kong sasaktan na naman niya ako.

"Ahhhh b-bitaw....." Mahina kong saad dahil sa bigla niyang pag hawak sa buhok ko ng mahigpit bago niya ako kaladkarin palabas ng kwarto.

"You didn't even prepared a food for my Ariana!" Galit niyang sigaw sakin at pabalya niya akong binitawan ng makarating kami sa sala ng mansion. Gustong gusto kong umiyak sa harapan niya pero pinigilan kong tumulo ang luha ko dahil mas nasisiyahan siya pag nakita niya akong lumuluha.

"You are still sleeping even though it is eight in the morning. You're probably still asleep if I haven't come to see you. Keep in mind that in this home, you are not a princess. You whore!" Madiin niyang saad.

"P-patawad, Pagod lang ako masyado kaya hindi ako nagising ng maaga." Pag hingi ko ng patawad sa kanya habang naka yuko sa kanyang harapan at kinuyom ang dalawang kamay ko sa likod ko, masakit masabihan ng malandi lalo na kung ang nag sabi non ay ang lalaking mahal mo at pinatitiisan mo ng matagal.

"Really?! Baka lumandi ka lang sa labas kaya pagod na pagod ka! Nakaka diri ka hindi ko alam kong bakit ikaw pa ang babaing napakasalan ko, kung hindi lang dahil sa punyetang company ng pamilya natin hindi ko makikita sa harapan ko ang pagmumukha mo at hindi ako iiwan ng babaing pinangakuan ko na ihaharap ko sa altar!" Galit na galit niyang turan na nag pa iktad sakin, hindi ko kayang harapin ang kanyang galit na expression kaya nanatili akong naka yuko at umiiyak ng tahimik.

"Nagkakamali ka.... naglinis lang ako ng buong bahay kahapon kaya hindi ako nagising ng maaga ngayon." Pagtatanggol ko ng mahina sa sarili ko.

"You have the audacity to voice your displeasure!" Saad niya at hinawakan ng mahigpit ang buhok ko na naging dahilan para mapatingala ako sa kanya at makita niya ang mga luha kong nag kalat sa buong mukha ko.

"N-no...." Mahina at umiiyak kong saad sa kanya habang iniinda ang sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Look at yourself, you look like a shit in my eyes." Malamig niya saad bago bitawan ang buhok ko at talikuran ako.

The Ruthless Drug LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon