Rameera's POV
Naka angel sit ako pinapanood dito sa tabi ng pool ang lalaking punong puno ng kahanginan. Nagkukwentuhan kami dahil binalita lang naman nya sa akin na nakita nya ulit ang ate ko sa bahay ng kaibigan nila. Ang sabi ko hindi ko na sya mabibigyan kung patuloy nyang gagawin yon.
"Heyy don't tell me titigil ka sa pagtutor sa akin" napalangoy sya papunta sa kinauupuan ko at pinatong ang nakacross arm nya sa semento.
Nandito kami sa pool ng aming university kung nagtataka kayo bakit ako nakapasok dito ay dahil sa isa rin akong nakatanggap ng scholarship.
"Unggoy ka marami pa akong kailangan bayarang utang" nakangiti kong sabi kaya naman ay pinilit nyang abutin ang noo ko hanggat maaari para lang pitikin kaya ayon basa na rin ang noo ko.
"ayaw mo lang akong iwan e ang dami dami naman pede mo tutoran dyan" napataas ang kilay ko dahil don. "Ay weh sino kaya yung may pa 'don't-tell-me-titigil-ka-sa-pagtutor- ANO BA!" hindi natapos ang sinasabi ko dahil binasa nya ang mukha ko
"Alam mo Ylon kahit ako naiinis na rin sa ate mong yan puro paganda hindi naman ako dinidiskartehan para san pa ang ganda nya kung hindi sya papayag na paiyakin ko sya?" binatukan ko naman si Iro sa nasabi nya ayon tawang tawa ang gàgó
"sana okay ka lang" napailing iling ako at hindu makapaniwala sa kahamugan nya .
"joke lang sayong sayo lang ako era" dahil don sa nasabi nya ay nilubog ko ulo nya saglit sa swimming pool.
"ang makita ang makapal mong pagmumukha ay araw araw na pagsubok" bigla naman syang ngumisi at pinagwisik wisikan ako kaya napatayo agad ako "Ano ba iro magpakalunod ka dyan mag isa wag mo na ako isama" saad ko at nagdabog palabas dahil sa nabasa na ang buhok ko hirap pa naman patuyuin ang haba haba at kapal pa neto kaya nga inipit ko dahil nakakasagabal sya tapos babasain nya hays.
"Gabon! Lamigin! Nanny Goat!" rinig kong umalingawngaw ang sigaw at tawa ni Lairo bago ako makalabas sa Pool area.
Napangiti naman ako dahil sa ikli ng pag uusap namin nakalimutan ko yung mga iniisip ko.
Simula nang nagkakilala kami ni Iro medyo gumaan na rin yung paligid ko. Nakilala ko sya noong sport festival kahit hindi ako manlalaro ay nanood ako dahil din sa mga kaklase ko. Tapos bigla na lang sya tumabi sakin at panay ang imik naawa naman ako baka matuluyan siyang masiraan ng ulo kaya kinausap ko na rin.
Habang naglalakad may nasagi ako at sa tingin ko nabubuan siya ng kaunting kape. Nagsorry naman ako agad inismiran nya lang ako.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nilagay na lang ang kamay ko sa bulsa ko.
Hindi ko akalain na dito sa Sautum University ko lang pala mahahanap ang normal kong buhay estudyante.
Way back 2017-2019
****
"Nakita niyo si Shaira?" I asked but they just stared at my face. "Ahh sorry nakaistorbo ata ako" sinara ko na ang pinto ng room namin na kung saan wala si Shaira ang kaibigan ko na sinabing sya na daw bahala magdala ng homework na academic paper namin tinapos namin magdamag.Nakita ko naman si Shaira sa Canteen kumakain mag-isa kaya tumatalon talon akong lumapit.
"Hi Shaira, sorry nalate ako" pagpahingi ko ng paumanhin at umupo sa harap nya ngumiti naman sya ng matipid.
"Shems Rameera napaka aga pa kaya" sabi nya at humahagikgik pa. Nakita ko hindi pa sya tapos kumain ay tumayo na agad sya.
Si Shaira lagi kasama ko sa kulitan, pangtitrip, paghang out sa labas at higit sa lahat sabay kami lagi manggawa ng assignment sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
If We Get Married
RomanceShe's a Lady but her family look her as if she's lack of wisdom and experience that's why they are more strict to her as other parents and have a high standards for her. She don't need love but peace. She don't need attention but freedom. She don...