Chapter 8

9 3 0
                                    

-Flashback-

Hi Gramma, hi ammi, hi bro goodmorning” masayang sabi ng batang nasa edad five years old
na kakagising lang at kusot kusot pa ang mata

Uupo na sana ito sa hapag kainan nilang mahaba ay iniatras ng kuya niya ang upuan para sumemplang ang puwet ng bata sa sahig.

Dahilan para ikaiyak nito.

“Stop it Drusil just eat and don't ever bully your sister” pinagsabihan ng magulang ang mga bata.

Tumahan naman ang bata nang marinig na tumunog ang telepono at dali dali itong pumunta doon.

“my adi is calling, my adi is calling” masayang umakyat ang bata sa bangko para tumayo roon at sagutin ang tawag. Bigla naman tumayo ang lahat dahilan para maalarma na baka mahulog ito.

“Get down Ylon!” utos ng matanda pero hindi pa ito bumaba habang hawak ang telepono “You're really so hard headed girl like father like daughter” umiyak naman ang bata dahil sa pagpalo sa puwet nito. Nahulog siya sa upuan na kung saan siya nakatayo dahil sa malakas na puwersa pagpalo sa puwet nito kaya napasubsob siya sa carpet nila.

Pasalamat at may carpet dahil kung hindi ay duguan na ang ilong nito.

“Mama! Saglit lang ho bata pa si Ylon” sigaw ng ammi nya. “Ammi” lumapit naman agad ang bata at niyakap niya ang ami nya ng mahigpit.

Habang si Drusil ay nag walked out at hindi mapigilan ng ina na sundan si Drusil at bitawan si Ylon.

Buong buhay ng batang ito ay nakikihati lang siya sa mga pagmamahal na binibigay sa kanya.

Kailanman ay hindi niya naramdaman piliin at paboran siya ng pamilyang iyon.

Habang nag uusap ang mag bianan ay naglalaro ang five years old na bata sa labas at hindi niya akalain na nakabukas ang pinto kaya biglang gumulong paroon ang laruan niya na malambot na bola.

“Ma bakit hindi niyo na lang ipa DNA for the sake of your both peace of mind! Hindi iyong hahayaan niyong pahirapan ang bata at malito kung sino ba talaga ang tunay niyang ituturi na pamilya.” hindi man niya masyadong maunawaan pero naramdaman niya na nag aaway sila. Kaya isasara na sana ng bata ang pinto para hindi na sana makinig.

“Hindi natin kadugo ang batang iyan, sinabi na sa akin ni Gavo ano ba Henrietta naniniwala ako sa anak ko” nagulat naman ang isang babaeng nakatalikod at napaatras ito.

“Kung gayon bakit niyo pa siya pinapatuloy si Ylon? I know you always have a reason before you to decide, mama”

“Ang akala ko ay makakatulong sa atin si Ylon sa mas pag angat ng ratings sa company natin dahil sa pagkupkop at pagtulong natin sa nakakaawang naghihirap na pamilya nila. But that only shows that I'm stupid enough to not manage well our company. Wala siyang kinalaman kaya ibabalik na lang natin siya sa dati niyang pamilya sa lalong madaling panahon bago pa siya magkaroon ng malay sa mga katotohanan. Hindi ko na rin nakakayanan pa ang tigas ng ulo ng batang iyan”
Hindi man masiyadong maunawaan ng bata pero kinuha niya ang bola at umiiyak na lumabas.

She heard the name 'Ylon' and she only knows the Ylon they know is her and the child they're referring to is no other than her.

Hindi niya naunawaan ang lahat pero tumatak sa kanyang isipan ang mga sinasabi at pakiramdam na ayaw sa kaniya ng mga taong kaniyang pinakikisamahan. Pero hinayaan niyang magtagal pa siya doon umaasang baka kinabukasan ay magugustuhan rin siya ngunit habang patagal nang patagal ay mas lalong palala ng palala ang trato sa kaniya.

Lalo na at iniwan na rin siya ng ammi niyang tinuturing na ina. Umalis ito at naiwan sa lola niya.

Kaya mas lalong hindi naging komportable sila sa presensya nila. Nakakalungkot lamang na para kay Ylon na isang batang akala nila walang kamalay malay ay naranasan na ang stress sa edad niya.

If We Get MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon