Chapter 11

19 1 0
                                    

KYLIE'S POV

Hindi na natuloy yung make up class namin kaya umuwi na lang kami. Badtrip nga ehh. Ang tagal tagal pa man din namin nagantay dun tapos may important meeting pala yung prof. Ang echos niya ah!

Pero may mas echos pa na nangyari. Hanggang ngayon, hindi pa din maalis sa isip ko yung nangyari kanina sa school. Tsk. Nakita pa tuloy niya yung weakness ko. Pero ang akala ko, ibubully niya ako. Akala ko lang pala yun. Nagulat pa ako nung bigla niya akong niyakap at kinomfort!

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa 'kin. Basta nung naisip ko ulit yun ngayon, parang hindi ko maiwasan na... Kiligin?

>_________________<

Waaaaah! Ano ba kasing kailangang ikakilig dun? Tsaka malay ko ba kung pakitang tao lang niya yun di ba? Naku, I'm sure aasarin niya na ako bukas. Sigurado yun! Wala kasi sa vocabulary niya ang pagiging mabait. Waaaa. Nakakainis! Ano na bang nangyayari sa 'kin?!

Nagshower na lang ako at natulog na. Baka kulang lang ako sa tulog kaya kung anu-anong imposible yung naiisip ko. Hayy. Makatulog na nga.

***

"Miss Kylie, gising na po." narinig ko na ang tawag sa 'kin ng mahinhin kong "yaya" daw. Nakakainis. Sinasanay nila ako sa ganitong buhay na puro pasarap! Oh well, hindi naman ako tamad eh. Hindi kaya yung uso sa 'kin! Masipag ako no!

Bumangon ako at kinusot-kusot pa yung mata ko. Antok pa ako eh. *yawn* Pero nakakahiya naman kay ate Era kung hindi ako babangon agad. For sure mas nauna pa siyang magising sa 'kin no.

Kaya naman pumasok na ko sa golden bathroom ko at nagshower... Bakit ba ang sarap ng buhay ko dito eh samantalang ako yung may utang na loob? Pinapaaral na ako, may allowance pa, may yaya pa, may sariling kwarto pa, hatid-sundo pa ng luxury car nila, may bodyguard pa ako at higit sa lahat, nakatira ako sa mansion nila na parang prinsesa.

Oh di ba? Ang weird lang. Kasi binibigay sa 'kin lahat ng luho kahit na hindi ako nagsasabi. Minsan nagtataka talaga ako kay Mr. Crisford kung bakit niya 'to ginagawa eh. Pero hindi naman sa nagrereklamo ako ah, ang swerte ko pa nga eh. Kasi bihira ang anghel sa lupa. And that is Mr. Crisford.

"Ayy. Ano ba naman yan. Aga-aga dami kong iniisip. Tsk." bulong ko sa sarili ko at tinuloy ko na lang yung pagligo ko.

Natapos na din ako agad at nagderecho na ko sa closet room ko. Oo, closet room talaga. Kasi nga di ba, cabinet ko ay isang kwarto. Astig talaga.

As usual, eh nakaready na naman yung isusuot ko. Pero paminsan naman ako namimili, nakakahiya naman kay ate na siya na lahat gumagawa ng para sa akin.

Sinuot ko na yung damit at lumabas. Andun pa si Ate Era na inaayos yung kama ko, kinausap ko siya. "Ate Era, pwede ba magtanong?"

Tumingin siya sa 'kin, "Opo naman Miss Kylie. Ano po ba yun?" magalang na tanong niya.

"Uhmmm.. Kasi po, ahh. Pano ba 'to. Uhm, pwede po bang magbago ang isang tao? I mean, not literally magbago. Yung bang magchange ng attitude or nature? Yung ganun?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang naguguluhan. Aish. Ako din eh, naguguluhan ako sa tanong ko eh.

I sighed, "Nevermind ate Era. Hindi ko din alam kung paano ko itatanong." sabi ko tapos lalabas na sana ako pero nagsalita siya bigla.

"Kahit sino pong tao eh pwedeng magbago, Miss Kylie. Gano man po ka-sama yung pinakita sa'yo ng isang tao, meron pa din naman silang mabuting nagagawa. Hindi mo pa nakikita ngayon, pero pag tumagal at nakilala mo siya, mababago na din ang tingin mo sa kanya. Sana po eh nasagot ko yung gumugulo sa utak niyo, yan po kasi yung pagkakaintindi ko sa tanong niyo kanina eh." sabi niya.

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon