Chapter 26

24 1 1
                                    

Note: Hi~ thank you sa mga nakapansin ng story ko kung meron man. Hihi. Sana po nagustuhan niyo. Ayun lang, paramdam lang ako, epal lang. Ayun, enjoy reading po!

***

KYLIE'S POV

Hinatak ako ni Jeremy mula sa pagkakaupo ko sa stool sa kusina. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin. Lumakad lang kami papunta sa likod ng mansion nila.

"Hoy saan ba talaga tayo pupunta?" Siguro pangsampung tanong ko na sa kanya.

"Tsk. Basta sumunod ka nalang!" Sabi niya ng sampung beses na din.

Parang adik lang eh. Ano yun basta-basta nalang niya akong hahatakin papunta sa kung saan niya gustong pumunta? Aba aba!

"Teka nga!" Ginamit ko lahat ng lakas ko para mapatigil siya. Nasa labas na kami ng mansion nila at ang dilim dilim pa dito!

"Tsk. Bakit ba kasi?!" Medyo inis na niyang sabi sa akin.

Tsk, "Saan mo ba ko balak dalin?! Madaling araw na tapos nandito tayo sa likod ng mansion mo na napakadilim!" Sabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kung saan niya ako dadalin eh! Nakakainis! Bakit ba siya nagagalit?! Tss!

Narinig ko siyang napa-sigh, "Kylie, don't you trust me? Sa tingin mo ba ipapahamak kita?" Seryoso at mahinahong sabi niya.

Natahimik ako. Hay, may tiwala naman ako sa kanya eh. Gusto ko lang naman malaman kung saan kami pupunta. Masama ba yun?

"Tsk." Tapos may pinindot siya at biglang lumiwanag.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nanggaling ang liwanag. Napanganga nalang ako sa ganda ng lugar. Isang green house, may green house sa likod ng mansion niya.

"Let's go." Sabi niya then he held my hand.

Ang lakas maka-christmas ng lugar na ito. Puro ilaw, sobrang ganda. Binuksan niya ang pinto ng green house at naamoy ko ang mga bulaklak na nakatanim dun.

"Wow, super ganda." Sabi ko na manghang-mangha.

"This is a surprise for you, Kylie. Alam kong hindi ka pa nakakatanggap ng kahit na anong bulaklak galing sa akin. Kaya, here, ginawan nalang kita ng green house. Halos lahat ng flowers nandito. Hindi ko kasi alam ang favorite mo kaya nilagay ko nalang lahat." Sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya, "Ang OA mo talaga! Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng ganito. Kahit nga isang pirasong rose lang na tinitinda sa tabi ng simbahan ang ibigay mo, ayos lang eh." Sabi ko sa kanya.

Natawa siya, "You know me, Kylie. Gusto ko ng OA dahil mayaman naman ako. Isa pa, hindi naman 'to masyadong mahal no." Sabi niya.

"Baliw ka. Kayabangan mo na naman. Eh bakit mo naman naisipang gawin to? Yung totoo." Sabi ko sa kanya.

Biglang sumeryoso ang mood nung sumeryoso ang mukha niya, "You are special to me, Kylie. Binigyan mo ako ng chance na ligawan ka at patunayan na seryoso ako sa'yo. Sorry sa pagiging jerk ko before. Sorry sa hindi pagcontact sayo for a month. Hindi ko naman yun sinadya eh." Nagpause siya at huminga ng malalim.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan, "Risky tong gagawin ko but I'm willing to take it. Kylie, will you be my girlfriend?" Sabi niya.

Sht sht sht sht sht sht. OMG OMG OMG. Nangyayari na! Anong gagawin ko?! Shet ano ba dapat kong gawin?! Nagpapanic ako!!!!

"Pero kung hindi ka pa naman ready-"

"Sssshhh!! Wag ka maingay!" Sabi ko sa kanya.

Nagulat siya sa ginawa ko pero tumahimik siya. At nagisip ako sandali... Aish! Bahala na nga! Kaya mo yan Kylie Hernandez!!

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon