Chapter 2

18 1 1
                                    

ANNE'S POV



"MAMA!! SI ATE KYLIE PO!! KINIDNAP NG MEN IN BLACK! MAMAAAAAA!!" sigaw ko kasi nagpapanic na talaga ako! Kinidnap ang ate ko! Baka ipakain siya sa alien ng mga yun! Y__Y


"ANO BA? SIGAW KA NG SIGAW JAN? ANONG SINASABI MONG KINIDNAP ANG ATE MO?!" sigaw din ng mama ko. Kala mo mga taga-bundok kami e no. Sigawan to the max. =_=


"Kasi.. Kasi.." hingal na hingal kong sabi kay Mama dahil napagod ako sa pagsigaw sa kanya kanina.


"KASI?! ANO?!" galit na si Mama!


"Kasi kanina paglabas namin, may dalawang limousine dun tapos may nagbitbit kay ate na dalawang men in black tapos ipinasok siya sa loob ng kotse! Mama! Ang ate! Kinidnap!!" sabi ko na halos mangiyak-ngiyak na sa takot. Y__Y


"T-teka. T-totoo ba yang sinasabi mo Anne?! Wag mo kong niloloko!"


"Hindi joke to. Joke to! Syempre naman totoo no! Magsasabi ba naman ako ng ganung kaseryosong bagay?! Mama! Sumbong na tayo sa pulis! Tara na!"


"Oh sige sige. Tara na't magreport na tayo s—-"




*TOK TOK*

*TOK TOK*




"Oh teka, may tao. Marky buksan mo nga yung pinto.." 




Nagpunta si Marky at binuksan yung pinto habang ako umiiyak na sa takot kasi kinidnap ang ate ko! Uwaa. Ate, wag ka munang mamamatay! Labanan mo ang mga alien!!




"Mamaaa! Ateee!" nakita ko si Marky na nagtatakbo papunta sa 'min at takot na takot.


"Ano nangyari? Sino yung kumatok?" sabi ko kay Marky.


"Ate.. Yung men in black! Anjan sa labas!" Huwaaat?! Baka imamassacre na kami dito?! Wag pooo!!




Lakas loob na pumunta si Mama sa pinto at hinarap ang men in black. Mag-isa lang siya na andun sa pinto namin.




"Kayo ba ang kumidnap sa anak ko?! Asan siya?! Ibalik niyo siya sa 'min!" sigaw ng Mama ko. Wa epek naman sa men in black na lalaking to kasi wala man lang nagbago sa expression ng muka niya. =__=


"Relax lang po kayo ma'am. Hindi po namin siya kinidnap. We just borrowed your daughter Kylie. Our Master wants to talk to her. We will bring her back after the master talked to her." Tapos lumayas na yung Men in Black sa harap namin at sumakay dun sa isang limo at saka pinaandar ito. Kami naman, hindi makapaniwala sa mga narinig namin.

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon