Chapter 23

16 0 0
                                    

KYLIE'S POV

Nakarating kami sa mansion pero hindi ko siya pinapansin. Tinatawag niya ako pero dere-derecho lang ako sa paglalakad hanggang sa  makarating ako kwarto ko. Binato ko ang bag ko sa sahig dahil nabbwisit ako at saka ako umupo dun sa kama ko.

"Ngayon na nga lang kami nagkita tapos ganun pa yung sinabi niya? Aba naman! Inakusahan pa akong may bago na? Kapal ha!" inis na inis kong sabi.

*tok tok*

At talagang kakatok pa siya ha!! Hay nako bahala ka jan. Mangawit ka sa kakakatok!

*tok tok*

Blah blah blah. Tulog ako. Zzzzzzzz, -_______-

*tok tok*

Ay ayaw pa talagang tumigil?? 

*tok tok*

Naiirita na talaga ako!! Kaya naman tumayo na ako at binuksan ang pinto. "Ano ba-" nacut ang sigaw ko nung makita ko kung sino ang kumatok.

"Ate Era, ikaw pala." sabi ko at pinapasok ko siya. Napakamot nalang ako ng ulo.

Napangiti siya, "Okay lang po ba kayo?" tanong niya.

Tumango ako, "Okay lang ako ate. Nabbwisit lang talaga ako. Muntik na tuloy kitang masigawan kanina." sabi ko sa kanya.

"Sige Ms. Kylie, igagawa ko kayo ng pampaligo niya. Pampakalma para di kayo mastress." sabi niya.

"Sige ate, salamat. Buti nalang talaga nandito ka." sabi ko.

Ngumiti siya at pumasok sa banyo, matapos ang 15 minutes ay pinapunta na niya ako sa banyo.

"Ms. Kylie, ready na po." sabi niya.

Pagpasok ko ay feeling ko nasa spa ako. Dahil in fifteen minutes na-iready niya ang lahat ng 'to. Isang water bath na may rose petals at may mga candles pa sa paligid ng bathtub. At may nakakarelax pang amoy.

"Ang bango naman ate, ano ba yung mabango na yun?" tanong ko.

"Lavander oil po yun," sabay turo niya dun sa maliit na parang vase habang may lumalabas na vapor, "Nakakarelax po kasi  yan. Nakakakalma. Sure akong mababawasan ang stress niyo." masayang sabi niya.

"Salamat ate ha. Sige ligo na ako." sabi ko.

Tapos lumabas na siya. Siguro mga thirty minutes akong nag-stay dun. Hanggang sa mawala ang amoy. Pagkatapos ay lumabas na din ako. Naka-ready na ang pantulog ko. Dinalhan ako ni ate Era ng dinner ko dahil daw sinabi niya kay Mr. Crisford na hindi maganda ang pakiramdam ko.

Thankful naman ako dun kasi hindi ko makikita ang taong nagpa-stress sa akin. Hmp!

Pagkatapos kong kumain ay gumawa na ako ng assignment ko. Ginamit ko ang laptop na binigay sa akin ni Mr. Crisford at saka nag-research. 11 pm na ako natapos at antok na antok na ako. Inayos ko na ang gamit ko para makatulog na. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang nagtext. Unknown number pa nga eh, sabi lang niya ay 'Hi, Kylie.' Hindi ko na sana siya balak replyan kaya lang may pangalan ko kasi.

Tinanong ko kung sino yun, at pagkatapos lang ng mga one minute ay nagreply na siya kaya binasa ko.

"Si PJ  Jabson 'to. Hiningi ko ang number mo sa  friend mo na si Lyle.  Sorry di na ko nakapagpaalam."  sabi niya sa text.

Nagreply ako, "Wala na akong magagawa, nakuha  mo na eh." sabi ko  pa. Bakit ganito? Feeling ko ang awkward =___=

*toot toot*

Bilis magreply ah. =____=

From: PJ Jabson

Are you mad?

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon