Chapter 6

13 1 0
                                    

KYLIE'S POV 



Nagulat ako sa pangyayari. Si Jeremy? Malumanay magsalita? At higit sa lahat, magoopen up siya sa 'kin?! Okay. Sige, nagbago na ata ang rotation ng earth. Grabe.



"Talaga? Sasabihin mo?" sabi ko sa kanya. Nanlaki pa nga yung mata ko sa sobrang gulat ko sa sinabi niya.


Tumingin siya sa 'kin at ngumiti, tapos yumuko at tumingin ulit sa 'kin. "SA TINGIN MO BA SASABIHIN KO SA'YO?! WAG KANG FEELING CLOSE! Tss." tapos tumayo siya at saka nagpunta sa kung saan mang lugar siya nararapat. 



Ako naman ——► O___O



Nagulat na lang ako sa inakto niya. Ang lakas pa ng boses! Walangyang yun. Bakit ba kasi ambilis ko maniwala?! Ang isang katulad niyang antipatiko, mayabang at lahat na, ay walang pag-asang magbago. Wala talaga. Kaya ngayon palang, sinasabi ko na. Hinding-hinding-hindi kami magiging magkaibigan nung lokong yun. =_= Itaga mo pa sa muka niya. -__-



"EDI WAG! BAHALA KA SA BUHAY MO! NAPAKAYABANG! CHE!" sigaw ko sa kanya tapos nanonood na lang ako ng TV. Baka sakaling mawala yung pagkabadtrip ko sa kanya. Leshe siya. Kalbuhin ko siya eh! Nako!



"Ate Kylieeeeeee!!" narinig ko parang may batang sumigaw mula sa likod ko. Napangiti naman ako kasi alam ko na kung sino yun. ^_^


"Courtney!" Waa. Buti na lang dumating siya. At least may kalaro na ko ngayon at hindi lang yung Jeremy na yun ang kasama ko dito. Tch. Buisit siya. -__-



Magkayakap lang kami ni Courtney nung bigla kong napansin si Mr. Crisford na andun pala sa likod na namin. Napatayo ako bigla tapos pinatay ko yung TV. Baka sabihin feel na feel ko manuod ng TV sa bahay nila. Haha.



"Mr. Crisford... Hello po... Hehe..." nahihiya naman ako at napakamot na lang ako sa ulo ko. Feel na feel ko kasing manuod sa LCD TV nila. Ang laki kasi. Wahaha.


"It's okay Kylie. You can use anything in these house. And oh, by the way, I have something for you.." tapos lumapit ako sa kanya at inabot ang sobrang daming paper bag sa 'kin. Wow! Ang dami! Napangiti naman ako bigla.



"Si Courtney ang pumili niyan. You know, in her very young age, she has a great fashion sense. I hope you liked it." sabi ulit sa 'kin ni Mr. Crisford. Tiningnan ko naman si Courtney na nanonood na ng cartoons sa Cartoon Network. Napacute na bata! Gusto ko tuloy pisilin yung ilong. >.<



"Courtney! Tara na sa room mo. Change ka na ng damit." sabi ko. Kaya naman, pinatay na niya yung TV at tumalon mula sa pagkakaupo niya sa sofa tapos lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa kamay.


"Let's go ate Kylie!" pumunta na kami sa room niya habang naghohop pa siya while I'm holding her hand. Grabe, super cute!

He's a LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon