YSSA's POV:
[WAREIGHN ACADEMY]
"ui Yssa!" umagang-umaga. Sino bang nasigaw? Nilingon ko nga kung sino yon.
"ui Joshua! Aga naten ah?" salubong ko. Si Joshua lang pala. Oo! Si Joshua lang! :">
"maaga pa ba? Kamusta na kaya si Seira? Nakausap niya na kaya yung mokong na Aries?" tanong niya.
Sabay kaming naglalakad papasok sa campus. Remember? Parehas na section kami.
"hayys nako! Bad news! Di daw niya makausap. Lagi daw may kausap!"
"tsk tsk! I got a bad feeling about that guy!"
"huh? Bakit naman?" ano kayang pumasok sa kokote neto?
"basta! Feel ko lang.. Ano na pala yon? Gising na ba yon? Baka ma late yon!"
"text natin?"
"ge. Ge." nilabas naman niya yung phone niya.
"oh game! 1.. 2.. 3!" eto pala ang lagi naming trip ni Joshua. Ang sabay naming itext si Seira. Tapos, si Seira magiging judge kung kanino yung unang nag send! Mwuahaha! Ayos ba? XD
"nako! Dapat talagang matapos na yung issue nung kay Seira at nung mokong na yon!" sabi niya habang binubulsa yung phone niya.
"oo nga! Si Seira pa! Kaya yun ni bhessy!" pinasok ko narin yung phone ko sa bulsa ko.
"tara na. Dali!" nagulat nalang ako nung hinila niya yung kamay hanggang makarating kami sa classroom.
Hayy Joshua.. Kelan mo ba mararamdaman ang tibok ng puso ko para sayo?
SEIRA's POV:
Nasa parking lot palang ako ng Wareighn Academy ng may nagtext.
*RING RING*
Tinignan ko yung screen nung phone ko.
2 NEW MESSAGES
From: Bestfriend Yssa
Goodmorning Bhes! Bangon na baka ma late!
- END
si Yssa pala. Tinignan ko naman yung isa.
From: Bestfriend Joshua
Goodmorning Seira. Huwag magpapalate!
- END
hayy nako! Kilala ko na 'tong dalawang to. Naglalaro nanaman silang dalawa. Sorry Josh, si Yssa naunang magtext. :P
Ni-reply-an ko nalang silang dalawa.
To: Bestfriend Yssa
: Bestfriend Joshua
Thanks mga bestfriend! OA niyo. Isang beses lang na late eh! Good morning nga pala. Ü
- END
Bumaba na ko sa kotse ko. Dapat maka-usap ko si Aries. Para matapos na yung issue samin na wala namang katotohanan!
Pumasok na ko sa room. Kaso, wala pa siya. Tsk! Siguro late nanaman yun? Edi kelangan ko pang hintayin mag recess para maka-usap siya.
*RECESS TIME*
Palapit na ko sa upuan niya.
"ano! A--ouch!" may bumangga sakin. Sayang malapit ko na siyang makausap e!