HEARTBREAK#6: SCHOOL NEWSPAPER

20 2 0
  • Dedicated kay Sharinah Louise Pacuma
                                    

SEIRA's POV:

[WAREIGHN ACADEMY]

"uwaaaa!! Mga bessy! Nasa school newspaper kaa!!" si Yssa. Maaga kasi ako pumasok. Ayaw ko ma-late.

"huh?" nasa what ako?

"tsk! Ikaw talaga. Nasa school newspaper ka na di mo pa alam. Puro ka aral. Kung di ka lang marunong mag-ayos, pagkakamalan kitang nerd eh." si Joshua. Tsk. Sinermonan pa ko. -3-

"pero bhes, pano na yan? Sikat na sikat ka na. Nasa school newspaper ka pa." - Yssa

"huh?! Patingin nga.." inagaw ko yung school newspaper na nasa kamay ni Yssa.

Dalawa ang nasa headline.

"The Sei-Ries Love Team." yung isa at yung isa.

"Campus Playboy get dumped by a nerd?"

mukhang interesting yung pangalawa, pero syempre pinroblema ko muna yung akin.

"The Sei-Ries Love Team. Too good to be true, huh? Aries Osorio, the Boy Heartbreaker and Seira Menandro, the Girl Heartbreaker. Is in a "secret" relationship? Well, both sides don't want to give their own comments but there are some students that Aries Osorio says that she has his girl (except from her fan girls). And that day, many people noticed that He and Seira Menandro, is both wearing the same t-shirts with different colors. Isn't that just coincedence or they really going out? Blah.. Blah.. Blah.." binasa ko ng the way na maririnig naming tatlo ni Yssa at Joshua.

What the heck is this? Dahil lang sa isang t-shirt? What is this mess?

May bigla kong naalala, oo nga. Yung time na muntik na kong ma-late. Nakita kong parehas na parehas yung suot namin, magkaiba nga lang ng kulay pero parehas na parehas talaga.

"eh bakit ba kasi hindi ka magbigay ng comment?" tanong ni Joshua.

"kasi nga, ayaw ko nang palakihin yung intriga. Ayaw ko na ngang pansinin eh. Hindi ko naman alam na aabot pa sa school newspaper tong issue na toh." pagsagot ko naman.

"pano na yan? Anong balak mo bhess? Nako! Mabuti pa, punta na tayong newspaper club at magbigay ka na ng comment mo. Tara! Dali!" akmang hihilahin na ko ni Yssa kaso pinigilan ko siya.

"wait!.." napatingin naman silang dalawa sakin.

"oh bakit?" tanong ni Joshua.

"kelangan ko munang kausapin si Aries tungkol dito."

"HUH?!" they asked in chorus.

"ganito kasi yon.. Pano pag nagcomment ako sa side ko tapos nagcomment din siya sa side niya. Oh! Pano pag di kami magkaparehas ng comment? Edi trouble na agad yon! Kelangan muna namin pag-usapan kung pano makakalabas sa gusot na toh!" pag-eexplain ko.

"alam mo Yssa, may point si Seira." pag-agree ni Joshua.

"oo nga noh? Talino talaga ni Seira bhessy!" - Yssa.

"o siya sige, una na kami ni Yssa. Maya-maya may klase na." sabi ni Joshua.

"basta bhessy, text mo kami o kaya tawagan mo kami pag nakausap mo na yung Aries na yon! Ok?" - Yssa.

"ok! Pasok na rin ako." - ako.

"go bhessy! Aja!" - Yssa.

"hwaiting!" sagot ko naman sabay nagtawanan kaming dalawa.

"oy, oy. Yssa! Lika na nga! Kung anu-ano pa tinuturo mo kay Seira." - Joshua. Si Yssa kasi nagturo sakin ng mga aja at hwaiting na yan. Ganon daw kasi yung mga napapanuod niya sa mga koreanovela.

HEARTBREAKERS (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon