Chapter 1 The Meet Up

96 1 0
                                    

Sophie's POV



"Sophie!!!" Sigaw sa akin ni Aira, ang best-friend kong loka-loka pero super ganda at bait naman. :)





"Oh bakit? Akala ko nakauwi ka na?" Sabi ko sa kanya habang hinihintay syang makalapit sa akin.





"Hindi pa. Hinihintay ko pa yung driver ko. Tara sabay na tayo!" She said while panting. Ang layo ata ng tinakbo ng babaeng ito.

I nodded in return.



"Hoy friend guess what? There's a new transferee here in our school from an exclusive university in New York! And take note he's so handsome and yummy daw!" Sabi niya na nangingislap pa ang mga mata.



"Hay nako Aira, ayan ka na naman sa mga gwapo. Nakakailan ka na ba? Lagi ka naman iniiwan. Lolokohin ka lang ng mga ganyan." I said without looking her reaction.



"Ouch, grabe ka naman Sophie! Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa tatay mo dahil iniwan kayo ni Tita Lisa pero hindi naman lahat ng lalaki katulad niya." Yeah she knows everything in my life. My father left us 10 years ago and now he's with his f*cking mistress! Kaya hindi niyo ko masisisi kung bakit galit ako sa mga lalaki. At ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya kahit kailan.



"I'm just reminding you. I don't want to see you crying and get hurt 'coz you're my friend." Si Aira lang ang tanging napagsasabihan ko ng mga problema at hinanakit ko so I'm really grateful to have a friend like her.



"Awwhh, you're so kind talaga friend! I'm so happy to have you." Sabi niya sabay yakap sa akin.



"At dahil dyan ilibre mo ko ngayon." I said with a big smile on my face.



"Sure dear. Let's go shopping!" Their family is one of the richest family here in Manila. Anak siya ng isang sikat na businessman at fashion designer kaya hindi kataka-takang spoiled brat siya. Pero hindi ko naman siya kinaibigan dahil mayaman siya. I like her to be my friend because she's so bubbly, kind, at magkasundo kami sa lahat ng bagay. And I love her not just a friend but also like a sister.



Dumating na ang sundo niya at nagpahatid na kami sa driver sa mall para magshopping.

***

"Aira punta lang ako sa restroom ha." Kanina pa kami paikot-ikot sa mall at marami na rin kaming nabili-Ay siya pala lahat ang bumili sabi ko nga kanina LIBRE ^_^



"Sige bilisan mo ha marami pa kong ipapasukat sayo. There's a lot of designer clothes here!" Sabi niya habang namimili ng mga damit. Hilig talaga ni Aira na gawin akong barbie doll dahil sa dami ng pinapasuot na damit.



Halos lahat yata ng damit ko sa closet galing sa kanya eh. Syempre bawal tumanggi sa grasya kaya GO LANG NG GO! Hindi naman kasi ako bili ng bili kapag hindi naman kailangan mas priority ko ang makaipon para sa amin ni mama tsaka working student pa ako kaya dapat tipid tipid din pag may time! HEHE ^_^



Ganun siguro talaga ang mayayaman, hindi malaman kung saan gagastusin ang pera kaya pinamimigay na lang. Pero hindi ko naman inaabuso ang kabaitan ng kaibigan ko. Hobby niya lang talaga na bigyan ako ng kung anu-ano.



Papunta na ko ng restroom ng biglang may bumundol sa akin na isang bulto ng katawan.



"What the- Where are you looking at?!" I heard someone shouted on me.

Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa akin. At sa tingin ko lalaki yun dahil matigas.. Yung katawan syempre!



I was dumbfounded when I lifted my head up to look at his face. He's like a Roman God that was descended from heaven. Kamukha siya ni Apollo dahil sa kanyang kagwapuhan at kakisigan!



"Why are you staring at me? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Well miss, I can't blame you." He smirked.



Ano daww???? Natauhan ako sa pagkatulala at tumayo na mula sa pagkakaupo dahil wala naman atang balak na tulungan ako ng mayabang na lalaking ito!

"Hoy kung sino ka man, ikaw pa itong nagagalit eh ikaw nga ang hindi tumitingin sa dinadaanan!" I raised my voice at him.



"Woaww. Wait a minute, I know I'm handsome but don't get mad at me." Sabi niya sabay taas pa ng dalawang kamay na para bang sumusuko sa mga pulis.



"Hindi ka na nga gentleman, ang yabang mo pa! Makaalis na nga dito at baka tangayin pa ko dahil sa lakas ng hangin." I said sarcastically.



I heard him chuckled before I walked away.



"What took you so long?" Sabi ni Aira na halatang nainip sa paghihintay sa akin.



"May nakabunggo kasi akong lalaki kanina. Hindi na nga ako tinulungang tumayo, saksakan pa ng kayabangan!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Kanina pa kasi ako nagtitimpi dahil sa kapreskuhan ng lalaking yun!



"Bakit ano bang sabi sayo?" Sabi ni Aira habang patuloy pa rin sa pagpili ng mga damit.



"Bakit daw ako tumititig sa kanya, ngayon lang daw ba ko nakakita ng gwapo." Naiinis kong sabi.



"Really? Baka naman gwapo talaga! Ano bang itsura? Papable ba?" Aira said. Halatang naging interesado, hay nako basta talaga gwapo ang pinag-uusapan.



"Mukhang bisugo!" I lied. He's breathtakingly handsome! Hindi ko na lang sinabi sa kanya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Siguro ayoko lang na siya pa ang magkandarapa sa mga lalaki.



"Ows? Eh bakit sabi niya tinititigan mo daw sya? Ikaw ha Sophie nawala ka lang saglit lumandi ka na ah HAHA." She laughed at me.

"Of course not! Napalakas kasi pagkakabangga ko sa kanya kaya napatingin ako." I said as if I'm denying the truth.



"As you say so." Halatang hindi pa rin kumbinsido sa sinabi ko.



"It's true. Maitim sya na bural ang mata tapos pango pa ang ilong." Sabi ko.



"Okay okay. Bakit denial queen ka? Kalma lang." She laughed at me again.



"Ewan ko sayo. Umuwi na nga tayo may pasok pa pala ko sa coffee shop mamaya baka ma-late pa ako." Sabi ko sabay hatak sa kamay niya. Napayuko na lang ako habang papalabas kami ng mall para itago ang pamumula sa mukha ko.

Bewitched by your Enticing BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon