Chapter 4 Secret Love

43 0 0
                                    

Sophie's POV



"Hey Sophie.. anong oras ba ang uwi mo?" Tanong sa akin ni Paul, ang isa ko pang bestfriend bukod kay Aira.





"Eto malapit na, tatapusin ko lang itong pagwawalis. Bakit ba hindi ka pa umuuwi? Magsasara na kami." Sagot ko habang naglilinis.





Ako kasi ang nautusan na magsara ng coffee shop bilang parusa ng manager namin dahil na-late ako ng pasok kanina. Hay dapat pala hindi na ko nagpalibre kay Aira na-late tuloy ako.





"Hinintay talaga kita para sabay na tayong umuwi." He flashed a radiant smile on his face.





"Wow ang bait naman ng kaibigan ko. Wala akong pera pambayad eh." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.





"Ano ka ba Sophie, walang bayad nuh. Syempre naman.. basta ikaw." He said and playfully winked at me.



Paul is a handsome guy. Pang boy-next-door ang peg. Habulin din ng mga chicks pero wala siyang pinapatos sa mga ito, ewan ko ba kung bakit. Kapag naman tinatanong ko siya, ang sinasabi niya hindi lang daw niya type ang mga ganoong babae.



Kung hindi ko lang siya kaibigan iisipin kong may gusto siya sa akin. Wow ha assumera lang Sophie? sabi ng utak ko.



Eh kasi naman.. Paul is really a kind person. He's sweet and caring friend. Kapag nga may mga nang aaway sa akin pinagtatanggol niya ko at kapag nasa labas pa ko ng dis-oras ng gabi, kapag nag-oover time ako sa work.. nag aalala siya agad.



Tinatawagan niya ako o kaya ihahatid niya pauwi kagaya ngayon. Siguro ganun lang talaga siya sa mga kaibigan niya. Over protective.



Ni minsan hindi ko naisip na magiging katulad siya ng ama ko na manloloko. Siguradong maswerte ang babaeng magugustuhan at mamahalin ng kaibigan ko.



Nakalabas na kami ng coffee shop at nalock ko na din ang pinto ng magulat ako sa nakita ng aking mga mata...



"Wow! Asensado ka na talaga Paul. Ang gara ng kotse mo. Nakakahiya namang sumakay baka madumihan ko lang." Natatawang sabi ko sa kanya. Bago na naman ang kotse ng loko! Mayaman din ang pamilya nila Paul kaya sunod sa luho pero hindi ko naman siya nakitang gastos ng gastos.



Marunong siyang magpahalaga sa pera kaya natutuwa talaga ako kay Paul kasi kahit mayaman siya, nagtitipid pa rin siya. Ako lang naman ang hindi yayamanin sa magkakaibigan. HAHA



"Mom bought this car for me as a gift for being a dean's lister." He said. Oha! ang bait na nga, gwapo, mayaman at matalino pa! Paul is really a good catch.

Sumakay na kami sa mamahalin niyang kotse at pinasibad para ihatid ako sa aming bahay.



"Ah nga pala Paul may itatanong sana ako sayo.. If you don't mind." I asked him.



"Yeah sure. What's that?" He said without looking at me because he's driving. His eyes are focused on the road.



"Uhm.. bakit hindi ka pa rin nagkakaroon ng girlfriend? I mean.. there's a lot of girls out there that wants you to be their boyfriend and you're a good catch. Na sayo na ang lahat." Nahihiyang tanong ko.



Sana pala hindi ko na lang tinanong baka sabihin usisera akong masyado sa personal niyang buhay. But I can't help it, I'm just curious.





"Yep. A lot of girls.. but none of them catches my heart. Wala pa sa akin ang lahat dahil di ko pa nakukuha ang taong mahal ko." He said seriously as he gazed at me. I saw an emotion in his eyes but I can't name it.



He looked at me intently as if he's telling me something but he can't say it in words.





May naramdaman akong kaba sa dibdib ko. Ako kaya yung taong mahal niya? But it's impossible dahil magkaibigan kami. Magkaibigan lang kami.





Ayoko namang itanong sa kanya baka mapahiya pa ko dahil sa maling akala.



"And I'll do everything to make her mine." He gave me a meaningful stare.



"Anu ka ba Paul.. mabait ka, gwapo, mayaman at matalino.Wala ng ibang dahilan para hindi ka gustuhin ng taong mahal mo." I said and extend my arms to hold his hand to assure him that what I said was all true.



"Sana nga Sophie.. sana nga." He said smiling. Hay bakit ba ang hilig ngumiti ng lalaking ito?Ang hilig ata magpacute pero cute naman talaga.





I smiled at him in return.





Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.



"Paul salamat sa paghatid ha. Pasensya na sa abala." Buti na lang may kaibigan akong de-kotse nalilibre tuloy sa pamasahe. HAHA





Pero hindi ko naman sila inaabusong dalawa ni Aira. Sadyang mababait lang ang mga kaibigan ko :)



"You're always welcome." A warm smile curled on his lips.



"Tara pasok ka na muna.. dito ka na kumain paniguradong nagluto ng masarap si mama." Matagal ng kilala ni mama si Paul dahil nga madalas niya akong ihatid pauwi. Kilala niya ang mga kaibigan ko pati na rin si Aira.



"Hindi na gabi na rin magpahinga ka na. Sayang naman pala.. bawi ako next time, ikamusta mo na lang ako kay Tita Lisa. Goodnight Sophie." Paul said.



"Sige ingat ka. Goodnight." Sabi ko at kumaway sa kanya hanggang sa tuluyan ng makalayo ang sinasakyang kotse.





As I got inside our house I almost jumped when I heard someone's voice.





"Si Paul ba iyong naghatid sa iyo?" Nakakagulat talaga itong si mama. Lalo pa at naka white mask pa sya. Nagpapabeauty pa ang lola nyo! Kaya nagmumukhang bata lagi eh.



"Opo ma.. inaya ko siyang dito na maghapunan kaso huwag na daw dahil gabi na. Next time na lang daw." Sabi ko habang hinahanda na ang hapag. Nakaramdam na din ako ng gutom.



"Alam mo anak tingin ko may gusto sayo ang batang iyon. Pero para sa akin ayos lang na maging nobyo mo sya dahil mabait naman si Paul at gwapo pa!" Tumatawang sabi ni mama. Hay na ko ipush daw ba ko sa kaibigan ko.



"Ma.. We're just friends. Wala akong panahon sa mga lalaki. Study first."Tinulungan na rin ako ni mama na maghanda ng hapunan.



"Mabuti yan anak, aral muna. Books before boys because boys bring babies." Bumunghalit ng tawa si mama dahil sa sinabi niya.



Napangiti ako. Masaya ako kasi nagagawa na ni mama na maging masaya pagkatapos ng nangyari sa kanila ni papa dati. Bata siyang nagbuntis sa akin noon kaya lagi niya akong pinaaalalahanan tungkol sa mga lalaki.





Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan ng gabing iyon.

Bewitched by your Enticing BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon