Sophie's POV
As I woke up in the morning I got up on my bed and take a quick shower.
I looked myself in the mirror and brushed my hair. I put a little bit of lipstick and some face powder. Ganito lang ako gumayak.. simple lang.
Hindi kasi ako sanay na naglalagay ng make up sa mukha ko feeling ko ibang tao ako kapag ganoon. Kahit na minsan pinagtitripan ako ng magaling kong kaibigan na si Aira. She wants to dress me up, fix my hair, and put a make up on my face.
Lagi niyang sinasabi na I look like a princess so I should act like one. Bukod sa mga damit may mga make up din siyang ibinibigay sa akin. Pero hindi ko naman madalas magamit. Nagmamake up lang ako kapag may importante akong pupuntahan.
Tulad ngayon papasok lang naman ako sa school kaya hindi na kailangan mag make up pa. I just want to be me. Simply me.
I wore my uniform and hurriedly ate my breakfast. Gosh I'm so dead! late na ako sa first subject ko.
"Ma eto na po yung kinita ko ngayong buwan sa coffee shop." Ibinigay ko na kay mama ang sweldo ko. Siya lagi ang ipinagtatabi ko dahil baka magastos ko pa sa ibang bagay.
"Maraming salamat anak may pambayad na tayo sa electricity bill at sa tubig natin. Pasensya ka na ha anak ikaw pa itong nagtatrabaho.. dapat ako ang bumubuhay sayo." Sabi niya ng nakangiti pero halatang may lungkot sa boses niya.
"Ano ka ba 'ma okay lang yun. Ang mahalaga maayos ang kalagayan ninyo. Konting tiis na lang makakatapos na po ako sa pag-aaral at kapag nakahanap na ako ng magandang trabaho, hindi na tayo maghihirap pa." Sabi ko.
Simula kasi ng maghiwalay sila mama at papa naging sakitin na siya kaya nagdesisyon ako na patigilin na siya sa pagtitinda at ako na lang ang magtatrabaho. Mas mabuti ng ako ang nahihirapan kaysa sa nanay ko.
"Hay ikaw talagang bata ka. Sige pumasok ka na at baka mahuli ka pa." I kissed her in her cheeks.
"Sige po 'ma pasok na po ako." Sabi ko at nagmamadaling lumabas at pumara ng masasakyan papunta sa eskwelahan.
Pagdating ko sa school ay dali dali akong umakyat sa Architecture Department. Four floors ang building na ito kaya kahit takbuhin ko pa late pa rin ako panigurado.
Lagot ako nito kay Ma'am Catacutan, ang prof namin sa Trigonometry. Hay ang sungit sungit pa naman ng matandang iyon!
Pagpasok ko sa Room 401 kung saan ang classroom ko sa first subject ko ay bigla na lang ako natigilan..
Lahat sila ay tahimik at nakatingin sa harapan. Nang tingnan ko ang tinitingnan nila ay laking gulat ko na lang sa aking nakita.
What the- I saw him again. The guy at the coffee shop.
He's the man of my dreams. I mean the man in my dreams. Oh scratch that- it's nightmare!
Yes I've been dreaming about him for almost 3 nights! And guess what??
We were kissing in my dream. I don't know why and when I woke up.. I was sweating all over my face and my body. Parang tumakbo ako sa isang marathon.
Bwisit talaga ang lalaking iyon! pati ba naman panaginip ko ginugulo niya!
"Aarrrgghhh!" I screamed. Oh, great! Sa isip ko lang sana gustong isigaw iyon pero totoo pala ang naging pagsigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang inis na nararamdaman ko.
Bigla tuloy silang lahat napalingon sa akin pati na rin sina Ma'am Catacutan at ang dream guy... este ang bangungot ko.
I bet this is not a f*cking dream dahil ang bwisit na lalaki ay nakasuot ng school uniform namin.
Wait. Dito siya nag-aaral? Pero bakit ngayon ko lang ata siya nakita?
"Ms. Garcia you're five minutes late. Pasalamat ka nandito si Mr. McCray so I will not give you a punishment. You may take your seat." Nakakatakot talaga si Catacutan! Bagay na bagay ang neymsung!
"Thank you ma'am." I said in a low voice and seated beside Aira.
"Uy friend.. he's the guy I'm telling you. The handsome and yummy." Aira whispered to me.
Ohh siya pala yun. Well, Aira was true. He's totally handsome and yummy Ayysshh hindi pala kasi manyak siya!
"So class.. As I was saying Mr. McCray here was an exchange student from New York. And he will be your classmate for this subject." Nagniningning pa ang mga mata ni Ma'am Catacutan habang ipinapakilala si Mr. Manyak. "You can now introduce yourself."
He proudly smiled before introducing himself. "I'm Earl Austin McCray, 22 yrs. old from Engineering Department. I hope that I'll be friends with you guys. And of course... I love girls." He said grinning while he was looking at me.
Psh. Mga lalaki talaga. Palikero masyado makakarma din kayo!
BINABASA MO ANG
Bewitched by your Enticing Beauty
RomanceHe has been called "the most Greek of all the Gods" He's like a beautiful figure in Greek poetry. In mythology that's probably Apollo but with Sophie Garcia it's no other than Earl Austin McCray. When she first laid her eyes on him, she thought he's...