Hello guys! :) musta kayo? Hello jan sa mga schoolmates ko! Na sumusuporta. :) Pati sa friends ko. :D Dedicated ito kay Ms @lulu_britannia
—&
SUZY'S POV
"Ano ba yan! Bilisan niyo nga maglinis jan! Ang bagal bagal eh!" Sabi ko sa dalawang kasama ko. Hmp!
At ayoko nga maglinis. Bwisit na Nam yan! Porke may kapit eh. Psh. Inis!
"Eh kung tumulong ka kaya dito sa amin princess Suzy?!" Sarcastic na sabi ni Aly sa akin.
Duh?! Ako papaglinisin niyo ng inidoro? Like EWWW.
"Oo nga Suzy. Ikaw naman pasimuno na lagyan ng dugo yung locker ng karibal mong Izy kay Papa Brance." Masungit na sabi ni Frez sa akin.
Hmp!
"Ayoko nga kasi! Kadiri kaya!" Sabi ko.
"So sa tingin mo hindi kami nandidiri?" Si Frez na naman. Hay naku.
"Eh nasaan na ba kasi si Kath?!" Tanong ni Aly.
Oo nga nasan na ba yung bruhang yun?
"Hoy ikaw Frez!! Hanapin mo nga muna si Kath. Ako muna maglilin — "
"Ahhhhhhhhhh!"
Tumakbo kaming tatlo palabas ng comfort room sa first floor.
Ang daming studyante ang nagtatakbuhan papunta sa field at sa 2nd floor.
"Girl, anong nangyayari?" Aly
"Aba girl?! Magkakasama tayo sa loob, at magkakasama din tayo lumabas.!!" Iritang sagot ko sa kanya. Kaimbyerna ba naman kasi! Hmp.
"Hay nakakaBwiset naman kayong dalawa! Tara na nga at lumapit nalang tayo!" Sabat naman ni Frez.
Inirapan ko nalang siya. Kaynez. Grr.
So ayun na nga. Naglakad na kmi.
Lakad takbo pala.
Nakakatense. Medyo malayo yung field. Hinihingal na ako.
"Oh? Bakit kayo huminto Aly at Frez?" Tanong ko sa kanila.
"Tanga! Bakit mo pa kasi dala yang pang bomba ng inidoro?!"
Ay shit.
"Eh pake mo ba? Bagong style to' noh!"
Sabay hagis ko dun sa hawak ko.
Gezz. Nakakahiya.
Wa poys!
"S-suzy"
Napatingin ako sa dalawang nasa unahan ko. Si Aly at Frez.
Nandito na pala kami sa gitna.
Umentra ako sa gitna ng dalawa. Ano na namang kalokoha to?
"Oh my God. !!" Sabi ko sabay sa pagbagsak ko sa damuhan.
—*
3rd person's POV
Bumagsak si Suzy sa damuhan nang makita ang dapat niyang makita.
Dalawang 2nd year students ang wala nng buhay at walang kamay. At kasama doon ang isang 3rd year student na si Kath.
Hindi makahinga si Suzy sa kanyang nakita.
"Brance! Eli! Matt! Patulong naman. Nawalan ng malay si Suzy. Dalhin natin siya sa clinic.! Bilisan niyo dali.!" Tarantang sabi ni Aly sa tatlong lalaki.
Binuhat ni Eli si Suzy at deretsyong pumunta sa clinic.
"Aray ko!" Sambit ni Frez.
"Oy Frez,! Mag-ingat ka nga. Dali. Halika na. Tumayo kana jan." Nag-aalalang sabi ni Aly.
Nawalan ng balanse si Frez dahil sa sobrang emosyon. Hindi niya matanggap ang pagkawala ng kanilang kaibigan.
—*
FREZ' POV
BAKIT? BAKIT?! BAKIT NANGYARI ITO?.
Una ayaw kami palabasin sa Campus na ito.
Pangalawa, walang koneksyon ang mga telepono. Kahit internet ay wala!
Pangatlo! Ang mga cellphone nmin ay pinakuha ng putang inang Mikaela na yan!
Hindi na normal ito! Sino naman ang hayon na gagawa nun sa mga studyante?! Malamang si Mikaela yon.
Si Kath. Anong nangyari sa Beast Friend ko. Kahit Beast ang ugali nun minsan, mahal ko parin yun.
Lagot sa akin yang Mikaela na yan. Pag ako nakagawa ng paraan para makatakas.
Dederetso ako sa mga pulis!
Gusto ko siyang sugudin, pero hindi pwede. Madami siyang bantay.
Pinataasan nila ang pader na nakapalibot sa amin. Nilagyan ng bubog sa tuktok.
Nilagyan ng CCTV camera. Pero si Mikaela lang ang makakakita.
Pinasara nila ang school pero kaming studyante ay nandito padin.
Paano mga nanay at tatay namin?. Pwede naman sila magreklamo na wala pa yung anak nila ha? Ano kayang ginawa ni Mikaela?!
Grabe sobrang lala na nito.
Paano ko ba ito sosolusyunan.
Kailangan ko makausap ang mga studyante! Hindi dapat kami magpakaduwag. Gagawa kami ng plano laban kay Mikaela.
"Oy Frez,! Mag-ingat ka nga. Dali. Halika na. Tumayo kana jan." Sabi ni Aly sa akin, halatang maghaalala siya.
Tumayo na ako at naglakad ulit sa hallway.
Napahinto kami sa paglalakad, bigla nalang kasing may grupo ng mga studyante ang dumaan buhat ang bangkay ng janitor at tindera namin sa canteen. Wala ding kamay.
Bakit ba? Ano ba nangyayari?
"Panginoon. Bakit niyo po ba kami hinayaan?" Bulong ko.
Hindi na namin pinansin ang nangyayari sa paligid namin ngayon. Basta kailangan namin madala sa clinic si Suzy.
"Fvck!" Sabi ni Matt. Napatingin ako sa unahan namin.
Oh Lord.
Si Nurse Lina. Nakaupo sa sofa, naghihingalo. Walang mga kamay.
Hindi na siya makapagsalita. At alam na naming hindi na niya kakayanin pa.
Wala na yung kaputol na kamay niya.
Oo nga? Nasaan ba iyon?
Ano namang gagawin nila sa kamay.? Sa mga kamay?
Naawa ako kay Nurse Lina. Ang bait niya pa naman.
Lagi niya kami pinapatulog kapag gusto naming magCutting classes, tapos pipirmahan niya yung excuse letter namin.
Ano ba talaga?! Bakit ba taga nangyayari ito sa amin?
"N-nakita ko nalang s-si Nurse Lina na nakaupo jan. W-wala na s-siyang mga k-kam-may.. .. . P-paggising ko d-dito g-ganyan n-na s-siya!! W-wala po a-akong ginagawa. " may nakita anong studyante sa sulok. Umiiyak. Duguan.
Isang 2nd year student.
—&
Hello guys! :) Happy 90 reads. Ayie. Ang saya ko naman.
Nage-enjoy ba kayo sa Campus? :)
Don't forget to vote and to leave your comments! ^O^ wait for next update! ;*
@SecretComposer
BINABASA MO ANG
Death Campus
Mystery / Thriller"ENROLLMENT IS NOW GOING ON" Mahinang pagbasa niya sa isang tarpauline. Nasa byahe siya ngayon dahil lilipat na naman siya ng school. Naghahanap pa sila ng kanyang lilipatan. *Skkkkcthhhch* "Ouch.! Daddy! Dahan dahan nga sa pagmamaneho! Tanda tanda...