Jeanne's POV
"Lumabas kana nga ng bahay Jeanne! Mabubulok kana dito eh" Pang-aasar sakin ni Bernz.
"Paki mo ba? Ikaw ba mabubulok?" Pagmamaldita ko. Hinambaan niya lang ako ng suntok. Sus parang kaya niya.
"Pano' nireject ang offer ni Mr. Francis Arphie Del Fierro na maging friends sila ulit. Nagsisisi kana ba?" Kinuha ko yung kape ko at umalis sa harap niya. Im not fucking regretting anything!
3 days na ako di lumalabas ng bahay. Ayoko! Putangina kahihiyan pa rin yung nangyari.
"Jeanne,punta tayong bayan. Samahan mo ko" Ano ba naman 'tong si nanay. Ayoko nga lumabas ng bahay eh.
"Ayoko nay" inubos ko na yung kape ko. Hays salamaaaat. Buo na araw ko.
"Jeanne Amanda!!" Isa pa tong si mommy eh.
"Fine. Magpapalit lang ako" Tumayo ako at pumanik sa kwarto ko. Nagpalit ako ng shorts at blouse na itim. Kainis.
"Jeanne! Bilisan mo." Nagsuklay lang ako at lumabas na ng kwarto.
"Ito na po" Dumiretso ako sa labas ng bahay. Sakto dumaan sila Alfred.
"Uy Jeanne! Akala ko bumalik ka na ng Manila" lumapit siya sakin.
"Hindi pa. Hanggang katapusan ako dito" Parang kuminang yung mata nila.
"Buti naman. Oh mauuna na ako ha. Kita nalang sa plaza mamaya." kumaway siya sakin bago sya umalis.
"Sakay na Jeanne" Pumara sa harap ko yung tricycle ni uncle doding.
"Tricycle lang tayo?" Tanong ko.
"Ano gusto mo tren? Tara na" hinila ako ni nanay papasok sa tricycle. Ugh hassle.
----
"Libot muna tayong Town Center." Dito kami sa tapat ng mall. Maliit na mall. Buti nalang at maayos ayos yung itsura ko.
"Sabi ni mommy mo bumili ka daw ng slippers ni Princess. Babalikan nalang kita. Mamimili lang ako" Inabot nya sakin yung P1000.00
"Nay! Baka maligaw ako!! Nay!!" Wala. Parang bingi si nanay.
Jusko saan ako maghahanap ng slippers ng baboy kong kapatid.
"Nag-iisa kana pala sa mall ngayon,Amanda" ang lupet nga naman ng tadhana oh. Lumingon ako at nakita ko si Arphie. Bigla nalang bumilis tibok ng puso ko.
"Pakialam mo? Why are you here?" Ang bobo ng tanong ko.
"Nagpapalamig. Init sa bahay eh. Ikaw? Bat' mag-isa ka lang sa mall? Diba di mo kaya mag-isa gumala? Baka umiyak ka nanaman ah. Hahahahaha" inirapan ko siya at umalis na ako sa harapan niya. Nanadya na talaga to eh.
"Samahan na kita. Ano ba bibilhin mo?" Sumabay siya maglakad sa gilid ko.
"I can hande myself. Go away" Binilisan ko yung lakad ko. Akala ko nakasunod pa siya sakin pero pag lingon ko wala na siya. Ughhhhhhh ano ba naman Jeanne!!
"Miss,saan dito yung department store?" Tanong ko sa babaeng nakaupo.
"Mukha ba akong tindera?" Woah
"Im not asking for the items,im asking for a place. Bobo ka? Nag-aaral ka ba? Nonsense kang kausap" tinalikuran ko siya pero bigla niya hinila buhok ko kaya sinampal ko siya agad
"Dont you dare touch me,bitch!!" nakakagigil.
"Woah woah woah! Tama na Amanda. Let's go. Ate pasensya na. Warfreak talaga to." hinila niya ako palayo sa harap ng babae at pumiglas naman agad ako. Tangina nun.

BINABASA MO ANG
Epic Fail Revenge
FanfictionSa sobrang kagustuhang maghiganti,puro kapalpakan ang naganap. Affected pa ba si ex? O ikaw parin ang affected?