Jeanne's POV
"Anong pagkakamali sinasabi mo Amanda?" Shet! Hirap nga naman pag nagmamanhid-manhidan yung isang tao!
"Nevermind,Francis. Gusto ko na umuwi" Kakayanin ko mag-lakad pauwi kahit ganito kadilim. Kesa naman sumabog ako dito sa harap niya.
"Ihahatid na kita" Tumakbo siya papunta sa harap ko "...Hindi mo ba nagustuhan kanta ko? Bakit ka umiiyak?" Jusko bakit ang manhid mo Francis!
"I like your song, GUSTONG GUSTO KO" I said sarcastically.
"Oh bakit ka umiiyak?" Hinawakan niya pa yung magkabila kong braso.
"Just please...STOP. Kaya ko umuwi mag-isa" Pumiglas ako sa hawak niya at
naglakad na papuntang eskinita.
"Teka lang naman Amanda! Ang gulo mo naman eh" Humarang siya sa daan ko. Pinunasan ko yung luha ko. Sinubukan ko tignan siya pero putangina lahat ng sakit bumalik
"Ako pa magulo Francis? Wow. Ayos" Napakamot siya ng ulo niya. tangina ka bat' ka pa kasi bumalik.
"Uuwi na ako" Nilagpasan ko siya at nagpatuloy maglakad
Nung kinanta niya yung kanta kanina,pakiramdam ko aping-api ako eh. Bigla bumalik lahat ng sakit.
"AMANDA ANO BA! Bakit ka umiiyak? Anong ginawa kong kasalanan?" Sabi niya habang nakatalikod ako sakanya.
"It's none of your business" Pinunasan ko ulit yung luha ko.
"Nakakatanga alam mo ba yun?" Nilingon ko siya.
"Nakakatanga ba kamo Francis? Anong nakakatanga? Makita akong umiiyak? Hindi ka pa ba nasanay sakin noong 6 na buwan akong umiiyak sa harap mo at nagmamakaawa na bumalik ka? Anong nakakatanga?! Sabihin mo!!" Hindi ko na mapigilan yung bibig ko. Nakita ko yung itsura nya na medyo naiinis na.
"Oh bakit mo binabalik yung nakaraan natin,ha? For pete's sake that was over 3 years ago Amanda! Move on ka naman. Akala ko ba naka-move on kana?" Buti nalang walang tao sa paligid kaya wala nakakarinig samin.

BINABASA MO ANG
Epic Fail Revenge
FanfictionSa sobrang kagustuhang maghiganti,puro kapalpakan ang naganap. Affected pa ba si ex? O ikaw parin ang affected?