Jeanne's POV
Tama bang pumayag ako na mag-start kami ulit?! TAMA BA TALAGA?!!!
"AGHHHHHHH!!!!!" Naiinis ako na kinikilig na ewan!! Ano ba Jeanne Amanda Beatrice!!
"Oy hinihintay kana ni Arphie sa labas" Sumilip si Nanay sa kwarto ko.
Anong oras palang ah?!!
Jusko 1:30pm na pala!!
"Jeanne! Bilisan mo! Wag mo paghintayin bisita mo!!" Pasalamat ka Francis,Mahal kita.
"Ito na!" tumayo na ako sa higaan ko at kumuha ng towel. Tumakbo ako papuntang cr para di ako makita ni Francis. Nakakahiya kaya yung suot ko!
---
"Tara na" Natapos na ako maligo.
"No." Napatigil ako sa paglalakad tapos tumingin ako sakanya. Hala. Ang sama ng tingin nya sakin.
"Why? Di na tayo aalis?" Nag crossed arms ako sa harap nya.
"Hindi tayo aalis hanggat ganyan yang suot mo!" Nagulat ako sa reaction nya. Ang cute! HAHAHA.
"Why?" Tumayo sya bigla sa harap ko. Ang lapit ng mukha nyan sa mukha ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Jusko!!!
"Baka makapatay ako sa mall pag may tumitig sa'yo. Kaya please lang,Amanda magpalit kana" Bigla akong napalunok wooooh shet ang inet parang nanuyo lalamunan ko dun
Wala na akong magawa kundi magpalit ng pants at sando. Ano pa nga na? Conservative tong isa eh.
"Okay na?" Nagpalit ako ng jeans at sleveless. Nag pose pa ako. Poker face lang siya. Ughhh!!
"FINE!!" Kinuha ko yung bolero ko at yung bag ko. Lumabas na ako ng kwarto at yun laki ng ngiti nya.
"Nay! alis na po kami!" Nasa kusina kasi sila nanay.
"Ingat!!" hinawakan nya yung kamay ko kaya nagulat ako.
"Just please let me" Hindi ko alam pero napatango ako bigla.
Lumabas na kami ng bahay at may nakaparada na motor sa harap. Kanino to?
"Suot mo to" hinagis nya sakin yung helmet na isa.
Pero binalik ko pabato yung helmet sakanya.
"Gago ka ba ha?! Alam mo namang hindi ako sumasakay sa motor eh!! Wag na nga tayong umalis!!" Nakakabadtrip.
"Amanda." Pinigilan nya ako pero pumiglas ako. Kaso malakas sya kaya hindi ako natibag.
"WHAT?!!" Sigaw ko. Naiinis kasi ako.
"Just please....trust me. Tingin mo ipapahamak kita? Tingin mo kaya ko? Babagalan ko lang ang pagdridrive. Promise!! Gusto mo sa gilid na tayo dumaan." Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"No" Pumiglas ulit ako at success natanggal ko yung kamay nya. Nag crossed-arms lang ako.
"Eh paano kung last day ko na ngayon? Di mo pa ba ako pagbibigyan?" Lalo sumama yung tingin ko sakanya.
"Hindi mo ko makukuha sa ganyan,Francis" Nakita ko na onti onti nagfoform yung ngiti sa face nya. Is he blushing?
"So..you're calling me Francis again?" Whatever.
"Mag bus nalang tayo! Ayoko ng motor!!" umiling iling lang siya.
"Please trust me,Amanda" It's time to conquer my fear. Wooooh

BINABASA MO ANG
Epic Fail Revenge
FanfictionSa sobrang kagustuhang maghiganti,puro kapalpakan ang naganap. Affected pa ba si ex? O ikaw parin ang affected?