Chapter 10

31 1 0
                                    

Jeanne's POV





Pakiramdam ko natigil yung ikot ng mundo ko habang sinusugod namin sa ospital si Francis. Pakiramdam ko namanhid buong katawan ko. Please,wag muna....hindi ko pa kaya....



"Jeanne,tawagan mo si Tita Rea. Bilis!" Kinuha ko yung phone ko sa pocket ko at naramadaman kong nginginig ako habang nag-didial. Hindi ko mapigilan hindi umiyak. Kinuha ni Jonathan yung phone ko sa kamay ko dahil nakita niya rin siguro na nanginginig ako.



"H-hindi...k-ko...a-alam...ga-gagawin...k-ko...." Umiyak na ako. Everything became blurry dahil sa luha ko. Niyakap ako ni Jonathan kaya lalo akong naiyak. Why is this happenning? Hindi pa nga kami nagkakabalikan ni Francis eh.



"Shhh. Everything will be alright. Wala kang kasalanan."



Walang ibang laman yung utak ko kundi puro katanungan. Bakit ngayon pa? Bakit si Francis pa? Hindi ko makakaya pag nawala siya.



"Jeanne! Nasan si Francis? Jusko po. Anong nangyari sa anak ko?" Lumingon ako at nakita ko si Tita Rea na umiiyak papunta samin. Kasama niya sila Mico na mukhang takot na takot sa kalagayan ni Francis.



"i-im...so-sorry..p-po..." Nauutal na sabi ko. Wala na ako ibang masabi eh. Parang biglaan yung nangyari.



Nag-eexpect ako na sampalin ako ni Tita Rea pero niyakap niya ako bigla. Ng sobrang higpit...



"Wala kang kasalanan..Okay? Shhhh.." humagulgol ako lalo kaya napayakap na rin ako kay Tita Rea. Ewan ko ba,para akong tinutusok ng 10,000 na karayom sa puso dahil sa sobrang sakit.



"Can we talk,iha?" Hinimas ni Tita Rea yung buhok ko. She's smiling...though kitang-kita ko sa mata niya na sobrang takot na takot siya. Tumango nalang ako at lumabas kami ng hospital. Pumunta kami sa garden.



"Im really sorry for not telling you about his condition. Makulit kasi eh. Ayaw niya ipaalam sa'yo" Ano bang meron at ayaw nila ipaalam sakin? Tangina ang sakit ha.



"Ba-bakit...p-po?" Naluha nanaman ako.



"He loves you so much. Naging selfish na siya. Gusto nya sya lang yung masasaktan,ayaw niya na masaktan ka pag nalaman mo about sa cancer niya. Gusto nya solohin yung sakit,Jeanne" Pinunasan ko yung luha ko gamit yung kamay ko. Hindi ko alam sasabihin ko kaya umiyak nalang ako. Ano pa ba sasabihin ko? Crying is natural response for pain. TANGINA PAIN.

Epic Fail RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon