Chapter 7

41 1 0
                                    

Jeanne's POV


Ang saya ng fiesta. Namiss ko to. Dati kasi nung hindi pa kami nagbrebreak ni Arphie,lagi kami nakikifiesta sa mga kapit bahay namin. Pero ngayon hindi na. 20 years old na ako,22 na siya. Nakakahiya naman kung mangangapit-bahay pa kami. Hahaha. Ayun,nangulo sila Mico dito sa bahay. Close kasi ng family namin yung family nila. Nandito din sila tita Rea.

"May karaoke contest mamaya sa plaza. Magtatawag sila ng kakanta from the crowd." Sabi ni tita Rea. Kumain kami ng salad ngayon. Medyo iniiwasan ko pa rin si Arphie. Awkward eh.

"Talaga ma? Amanda,punta tayo" Nalapalingon ako sakanya.

"Ahh....ehh"

"Oo pupunta kayong plaza. Jeanne,magbihis kana" hinila ako ni mommy sa upuan at dinala sa kwarto

"Mommy! Ayoko. Dito nalang ako sa bahay!!" Kainis kasi.

"Chance mo na to Jeanne. Umayos ka nga. Magpalit kana" Iniwan nya ako sa kwarto. Ano pa ba magagawa ko? Nagpalit ako ng shorts na white at loose shirt.

"Tara na?" Nagulat ako ng bigla siya sumulpot sa harap ko pagkalabas ko ng kwarto. Tumango ako at lumabas na kami ng bahay.

"Lovers! Sabay na kami!! Bawal daw kayo maglakad dalawa sa dilim!" Siraulo talaga tong si Mico.

"Bilisan niyo!" Sigaw ni Arphie.

"Madilim" EH ANG DILIM DILIM NAMAN KASI TALAGA!

"Come here" bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Kunwari pumipiglas pa ako.

"Yu-yung kamay ko" Tinaasan nya lang ako ng kilay

"Sige bahala ka pag kinuha ka ng white lady jan mamaya sa puno ng mangga ah." pinalo ko yung braso niya.

"STOP!" Tumawa lang siya.

"Hoy paki bilis naman!!" Sigaw niya kila Mico na naghahanap pa ng sapatos

"Pre kinain ata ni Princess yung sapatos ko!" Reklamo ni Mico. Hahahaha.

"You wish. Anong gagawin ko sa sapatos mo?!" Ayan nanaman silang dalawa. HAHAHAHA.

"Hala Princess! Bat' mo nilunok sapatos ko? Walang hiya!" hahahahaha!

"Asshole!!" Pumasok na sa loob si Princess. Badtrip yun. Hahaha.

"Ayun!" Nakita na niya rin sa wakas.

"Opps. Mga insan,ito na nga ba sinasabi ko eh" tumingin silang tatlo sa kamay namin.

"Wag kayong epal. Tara na." Naglakad na kami. Ang dilim talaga. Sumisiksik nalang ako sa braso ni Arphie.

"Tangina tol,totoo ba yung kwento ni aling maya? Yung jan daw sa puno ng mangga?" kwento ni Alfred.

"Alfred,stop!!" Sita ko sakanya. Bigla namang tumawa si Mico

"Duwag pa rin si Jeanne oh. Hahahahaha" inirapan ko sya at tumingin sa daan. Jusko dadaanan namin yung puno ng mangga na napakalaki.

"Kaya mo tumakbo?" Bulong sakin ni Arphie.

"Oo. Bakit?" Halatang nagpipigil siya ng tawa eh.

"Tatakbuhan natin si Mico. Basta wag kang bibitaw." hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko. Is this real?

"Tan,Fred! Kanina lang pag-labas namin ni Amanda,may naaninag nako sa puno na yan eh. Babae" Isa pa to. Kinurot ko yung braso nya

Epic Fail RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon