Panimula

5.6K 109 9
                                        

Panimula

Maluha-luha kong tinignan si Auntie Eliza, sunod-sunod na bills ang dumating sa bahay dahil sa panibagong buwan. Awang-awa ako kay Auntie dahil siya lang ang naghahanap buhay para sa amin. Wala manlang akong magawa para sa bahay. Alam kong pagod na siya sa pagta-trabaho kaya ngayon, umiiyak nalang dahil sa mga bayarin.

"Auntie, alam kong hindi ka papayag pero gusto ko sanang magtrabaho na rin. Gusto kitang tulungan sa mga bayarin dito." mahina kong sabi kay Auntie Eliza.

She shook her head. Pinahid niya ang luha sa mata bago ngumiti ng pagod sa akin.

"Hindi na, Narissa. Tapusin mo ang pag-aaral sa senior high. Isang taon nalang at magtatapos ka na." aniya sabay ngiti.

Alam kong ganyan palagi ang isasagot sa akin ni Auntie pero gusto ko talaga siyang tulungan sa mga bayarin dito. Hindi kasya ang perang nakukuha niya sa pagta-trabaho ang mga bayarin sa bahay. Bill sa tubig, bill sa kuryente, bill sa bahay, grocery at pagkain pa namin, plus, allowance ko. Paano niya napagkakasya ang kakarampot na sweldo sa amin dito?

Kaya buo na ang desisyon ko, maghahanap ako ng trabaho. Kahit katulong ay papasukin ko. Kailangan kong matulungan si Auntie kundi baka mawalan kami ng kuryente, tubig at bahay kapag hindi ako makahanap ng pagkukuhaan ng pera.

Hinarap ko ang mga kaibigan dito sa paaralan. Public school lang naman ito pero ang mga istudyante ay feeling mga mayayaman.

"May trabaho ba kayong alam? Yung hindi masyadong mahirap?" tanong ko kay Kelly.

Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Don't tell me, magwo-work ka na? My gosh, Rissa!" aniya sa maarteng boses.

Napahinga ako at umiling-iling. Malamang magwo-work na ako dahil tutulong ako kay Auntie sa mga gastusin sa bahay.

"Ano bang trabaho ang gusto mo, Nars?" si Kendra.

I sighed again.

"Kahit ano, kahit katulong papasukin ko." sagot ko.

She nodded.

"Si Mama ay recruiter ng mga housemaid. Baka may alam siyang mapapasukan mo. Pero wait, paano ang study mo?" si Kendra sa nag-aalalang boses.

Malungkot akong tumingin sa kanila. Dalawa silang best friend ko. Si Kelly ang maarte at kikay, si Kendra ang seryoso at may patutunguhan. Ngayon ay maghahanap ako ng trabaho para matulungan si Auntie. Siguro babalik ako sa pag-aaral kapag makapag-ipon na ako ng pera kung makapasok sa trabaho.

Dalawang buwan nalang naman at matatapos na ang klase namin. Hindi muna ako mag-aaral ng college.

"Tatapusin ko lang ang senior high tapos mag-iipon muna ako kapag makapag-trabaho tsaka babalik sa pag-aaral kapag okay na ang lahat." sagot ko sa kanya.

"Walang yumayaman na nagwo-work, Rissa." si Kelly habang naglalagay ng mascara sa kanyang pilik-mata.

I sighed. Hindi naman ako magpapayaman sa pagta-trabaho. Ang gusto ko lang ay matulungan si Auntie sa mga bayarin namin. Hindi ko hinahangad na maging mayaman. Pero kung magkakaroon ako ng boyfriend o asawa na mayaman, why not?

Hindi na ako magpapaligoy pa, kung may magkakagusto lang sa akin na mayamang lalaki, I will grab the opportunity immediately! Let's be practical! Pero kailangan maghanap muna ako ng trabaho ngayon.

"Tawagan ko si Mama para sayo." si Kendra.

Tumango-tango ako at ngumiti sa kaibigan ko. Buti pa itong si Kendra, may maitutulong sa akin. Itong si Kelly, palaging pagpapaganda ang inaatupag. Hindi ko alam kung ano ang magiging future niya!

After seconds of waiting, dumating si Kendra. Ngumiti siya sa akin at umupo sa harap ko.

"Positive! May slot na ibibigay sayo si Mama. Do you know Costiño family? Yung mayaman na pamilya sa bansa?" she said excitedly.

Yes, I know that family. Inggit na inggit ako sa pamilyang iyon dahil sa sobrang yaman nila. Ang magpi-pinsan na mga Costiño ay halos nasa kanila na ang lahat. Maganda at gwapo, mayaman at maraming pera. Palagi ko ngang pinagmamasdan ang billboard nila sa mga nadadaanan naming highway kapag meron.

"Oo. Bakit? Naghahanap ba sila ng katulong?"

Kendra nodded.

"Oo. Personal maid daw ng anak ni Cavios Costiño. Yung hindi yata makalakad na lalaki?" she said.

"Ay, Oo kilala ko yan! Naku, sobrang gwapo niyan, Rissa! Si Clover ba 'yon?" sabat ni Kelly.

Napatingin kami sa kanya. She's not done making her make-up.

"Clive, Kelly, hindi Clover." pagtatama ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at umirap. Napahinga kami ni Kendra.

"Whatever! Pero sis, sobrang gwapo nga talaga no'n! Kahit hindi makalakad, siguradong masarap pa rin sa kama 'yon!" she said vulgarily.

"Bibig mo, Kelly." saway ko sa kanya.

Muli siyang umirap at nagpatuloy sa pag-aayos ng kanyang mukha.

"So, ito na nga. Kailangan daw ng personal maid ni Clive Costiño. Ano, go ka?" tanong ni Kendra sa akin.

Bagama't kinakabahan dahil kilala ko si Clive pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng trabaho. Kailangan kong kumita ng pera para matulungan si Auntie sa mga bayarin.

Honestly, I had a crush on him. Sa lahat kasi ng Costiño cousins, siya ang may kakaibang mukha. Oo, gwapo naman si Amadeus, Leyandrius, Lorenzo pero mas lumilitaw ang mukha ni Clive sa kanila. Nung isang araw nga, may nakita akong bagong billboard nila sa may Makati. Silang magpi-pinsan na mga lalaki ang nandoon sa billboard.

Si Clive ang nasa gitna kasi nasa wheelchair siya, si Leyandrius at Lorenzo ay nasa tabi niya at sa likod naman si Amadeus. Sobrang makapangyarihan talaga ang itsura at presensya nila. Kahit ni isa ay hindi ko pa naman nakausap at nakita sa personal.

"Sige, go ako!" tugon ko kay Kendra.

Agad siyang tumango at may tinipa sa kanyang cellphone. Ilang sandali pa'y nagsalita siya.

"Okay na daw, sabi ni Mama. Bukas ang simula mo." she said.

Ha! Bukas agad? Ang bilis naman yata?

"Really?" si Kelly.

"Oo. Urgent daw kasi ito dahil gusto na ni Clive ng personal maid niya. Ano, go ka pa rin?" she asked me.

Pinikit ko ang mga mata. Bukas talaga agad? Hindi pa nga ako nakapag-paalam kay Auntie Eliza tsaka baka hindi rin yon pumayag. Pero ano naman ang magagawa ko? Diba ito naman ang gusto ko? Ang magkaroon ng trabaho kasi gusto kong tulungan si Auntie.

"Go, go, go na yarn!" si Kelly.

I sighed. I nodded weakly. Ngumiti si Kendra at tumango bago nagtipa sa kanyang cellphone. Kinagat ko ang ibabang labi bago tinanggap ang magiging trabaho sa pagiging personal maid ni Clive Costiño. Crush ko pa naman 'yon tapos siya pala itong pagsisilbihan ko. Sana lang hindi ako magkaroon ng problema habang nagta-trabaho sa kanila.

Costiño Series 16: One Hot Night (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon