Kabanata 9
Baka
Wala akong dala na kahit ano. Isang damit at short lang ang nalagay ko sa bag. Maging ang wallet at cellphone ay naiwan sa mansyon. Nagmamadali akong makaalis sa mansyon kaya nakalimutan ko ang mahalagang mga bagay. Mabuti nalang at mabait ang matandang katabi ko sa bus kaya siya ang nagbigay ng pamasahe at pera sa akin ngayon.
I was barefoot while walking around the city. Nandito na ako sa Manila. Medyo nakakapagod pero ramdam ko na ang kalayaan ngayon. Napapatingin sa akin ang mga tao, akala yata isa akong pulubi. I let them think about what they want to think about me. After all, we're all strangers.
Naisip ko si Auntie. Siguradong siya ang babalikan ni Clive. Sa ginawa kong pag-alis ngayon, si Auntie ang masasagasaan ko. I just hope Clive won't hurt my Auntie. Hindi ko kayang makita na masaktan ang kaisa-isang tao na mahalaga sa akin.
Limang daan ang binigay na pera sa akin ng matanda kanina. Aniya gamitin ko daw sa biyahe at pangkain ko. Buong puso naman akong nagpasalamat sa kanya. Bumili ako ng tsinelas sa Quiapo kasi mura lang. Napatingin pa ako sa Quiapo Church habang iniisip ang mga gagawin sa buhay ko.
O, Diyos! Hindi na nga ako nakapagtapos ng pag-aaral, ganito pa ang buhay ko. I want to finish my study and have a peaceful life. Hindi ko alam kung mangyayari pa ba 'yon sa akin. Inisip kong muli ang ginawa. Clive didn't hurt me. I'm just afraid of my feelings. Sa nangyari sa amin, I can feel his love. Ako lang ang may gustong umalis kasi wala akong maibibigay sa kanya.
It has been a traditional thinking of every Pilipino that when you fall in love with a rich man and you have nothing, you'll feel insecure and scared. Scared of judgement. Scared of people surrounded by that person. Scared of being in love but not the same living.
Hindi ko gustong magmahal. Lalo pa't sa mayaman. Hindi ko gustong mahulog. Hindi ko pinangarap na magmahal kasi natatakot ako. Clive, at least, was the first man I let to have of every first I have. I got no parents around. My Auntie provided everything to me when I was with her. I lived alone. I survived.
Pero ngayon, habang hinihimas ko ang tiyan, I never felt like living alone. Ngumiti ako habang haplos-haplos ang umbok sa tiyan. I am five months pregnant with a baby boy and baby girl. Yes, I had a twin! Sa edad kong ito, nagdadalang-tao na ako. I'm scared, but I'm happy also.
I promise in front of God, I will take care of my son. I promised him that no matter what happens, I'd still choose to live with my baby. Kasi ngayon, may kasama na ako. Ngayon, mamahalin ako ng anak ko. We will live wonderfully. Walang koneksyon sa kanyang ama. Walang bahid ng pagiging Costiño. Magsusumikap akong ibigay ang lahat sa anak ko.
"Rissa, stop working na. Dapat ay nagpapahinga ka na dahil sa pagbubuntis mo." batid ang sensero sa boses ni Aling Mirna.
Siya ang tumulong sa akin dito sa Manila. She owned a small restaurant, iyong simpleng kainan lang para sa mga manggagawang Pinoy. I lived with her. She let me live with her since she's living alone in her little bungalow house. Malaki ang pasasalamat ko kay Aling Mirna dahil sa pagkupkop sa akin. I must say, kapag manganak ako, babawi ako sa lahat ng tulong niya.
"Pasara naman na ang karinderya, Ma." sagot ko sa kanya.
She let me call her Mama. She's old but still thriving to live. Wala siyang anak at matandang dalaga. During my first month in her house, she was strict and quiet. Pero habang tumatagal, naging close kami sa isa't-isa. Lahat ng mga kailangan ko sa pagbubuntis, she provides. Kahit ang mga damit ng anak ko, binili niya. I'm really happy that I met this old lady.
As I was saying, she lives alone. Walang asawa. Walang anak. Pero may mga apo sa kanyang mga kapatid. Pinagmasdan ko ang larawan ng isang lalaki sa kanyang bahay. At first, I'm really wondering who's the man in the picture. He's wearing camouflage. May bandera ng watawat ng bansa sa gilid. Hindi ko natanong si Aling Mirna tungkol sa lalaking nasa frame pero kalaunan, sinabi niya naman sa akin.
"Joseph Constantine de Cruz, isang bayani ng bansang ito. He was my greatest love. Boyfriend ko siya highschool palang kami. Hanggang sa pumasok siya sa military, kami pa rin. Malungkot ako at sobra akong natatakot sa kanyang pangarap, hija." Mama Mirna said.
It was my second month living with her. Hindi ako nagtanong kung sino ang lalaki pero nagkwento siya sa akin.
"Pinangako niya sa akin na pagkatapos ng laban niya sa Mindanao, magpapakasal kami. Bubuo ng pamilya at magiging masaya." she stopped.
Her tears started to show. Lumapit ako sa kanya at niyakap ang kanyang braso.
"Naghintay akong uuwi siya. Naghintay akong babalik siya. Naghintay akong pakasalan niya ako. Naghintay ako, hija." aniya habang nanghihina.
Pati ako ay naiiyak na rin. Kaya ayokong magtanong kasi alam kong ganito ang mangyayari. Emotional pa naman akong buntis.
"Pero pagkatapos ng laban nila sa Mindanao, katawan niyang walang buhay ang sinalubong ko sa kanilang bahay. I was devastated. I waited. He promised me." she cried.
Ngayon lang yata nagkwento si Mama Mirna sa buhay pag-ibig niya. I can see the pain from her eyes.
"April of the thirteenth day. Kaya mahalaga sa akin ang araw na yan kasi iyon ang araw na sinabi niyang magpapakasal kami. Iyon rin ang araw na nawala siya sa akin." she sobs.
Pinunasan ko ang kanyang luha. Ayokong umiyak. Ayokong masaktan pero marinig ang kwento ni Mama Mirna, nakakapanglumo ng puso. She's been through a lot.
"Pagkatapos niya, hindi na ako nagmahal. I married him in my dreams. He is always in my dreams." she added.
My heart melted in pain.
"Masarap magmahal hija. My Constantine is a rich man and yet he chose to love me. He served the country. He sacrificed his life for the people of the Philippines. Hindi nakakatakot magmahal. Hindi nakakatakot mahusgahan kasi alam mong mahal ka ng taong mahal mo. Hindi nakakatakot sumugal sa taong mahal ka rin. Alam mo ang nakakatakot, hija?" she asked me.
Now, I'm being touched by her words. I left Clive because I'm scared. I left him because I'm scared of judgement. And yet, Mama Mirna said that it wasn't scary because the man she love, loved her so much.
"A-ano po?" I answered her.
She caressed my face.
"Ang mawala ang taong mahal natin. Kaya kung mahal mo ang ama ng pinagbubuntis, bigyan mo ng pagkakataon na maging ama siya. After all, he deserves to know his twin." she advised.
Ngumiti ako sa alaalang iyon. Ngayong malapit na akong manganak, I can say that leaving him is kind of worth it. Bagama't nababagabag sa sinabi at sa kwento ni Mama Mirna, I choose to run and escape because I'm not ready for him. I'm not ready and yet I'm crying all night thinking of him, how I miss him.
Baka sa susunod na habang buhay, baka pwede? Baka mayaman na rin ako? Baka hindi na ako makaramdam ng takot sa pagmamahal ko sa kanya. Baka pwede na kaming dalawa.
---
©Alexxtott2024

BINABASA MO ANG
Costiño Series 16: One Hot Night (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Clive na hindi siya makakalakad dahil sa injury sa mga binti niya ngunit malaki ang pag-asa niyang mabihag ang babaeng minahal niya sa matagal na panahon. Lingid sa kaalaman ni Narissa na matagal na siyang kilala ni Clive kaya nung nanilbiha...