Kabanata 1
Pinasok
"Hija, this will be hard for you. My son is a hard-headed. Baka ilang araw lang umalis ka kaagad dito." marahang boses na sabi ni Mrs. Shekky Costiño.
Manghang-mangha ako habang nakatitig sa kanya. She was indeed beautiful. Ang liit ng mukha at sobra akong na-a-amaze sa kanyang mga mata. She looks so sophisticated. Bumuntonghininga ako. Nandito ako ngayon sa mansyon nila. Ngayong araw ako pinapunta dito dahil magsisimula na ako sa pagta-trabaho.
According to Mrs. Costiño, ang trabaho ko lang ay alagaan ang anak nilang si Clive. Hindi naman nagpapatulong si Clive sa pagba-banyo. Sa pagpapalit lang daw ng damit. Pero may araw na ayaw niyang magpapasok sa kanyang kwarto.
It was fine for me. At least, hindi ako mahihirapan sa trabaho ko dito. Besides, I need to give my other time to my study. May pasok pa kami bago ang graduation. In this way, matutulungan ko si Auntie sa mga bayarin namin. Malaki ang sweldo at magbibigay 'yon ng kaginhawaan sa amin.
"Magtya-tiyaga po ako, Ma'am." magalang kong sagot.
She smiled. Mula sa isang kwarto, lumabas ang isang lalaki na sobrang seryoso ang mukha ngunit sobrang gwapo rin. Lumapit ito kay Mrs. Costiño at niyakap ang baywang nito. Siya ang asawa ni Ma'am Shekky. Si Mr. Cavios Costiño. Grabe, harap-harapan ko na silang nakikita at nakakausap. Dati hanggang TV ko lang sila nakikita. This is amazing!
"Is she the new hire personal maid of our son?" si Mr. Costiño.
Tumango ng marahan si ma'am Shekky.
"Yup. She is Narissa. She will live here to attain our son. By the way hija, I already prepared your room. Malapit lang ang room mo sa kwarto ni Clive." sagot ni ma'am Shekky.
Napaiwas ako ng makita si sir Cavios na hinalikan sa pisnge si ma'am Shekky. Grabe, sa harap ko pa talaga!
"Basta ang bilin ko sayo, hija. Don't forget."
I sighed and nodded. Alam kong challenging itong pinasok kong trabaho. At alam kong magagalit si Auntie kapag malaman niyang nagta-trabaho ako. Pero ilalaban ko 'to! Gusto kong makatulong sa kanya. Gusto kong mawala ang problema ni Auntie sa mga bayarin.
Pinagmasdan ko ang kwarto na hinanda sa akin. Maluwag ang kwarto. May sariling kama. May malaking cabinet at sobra akong nawiwindang ngayon. Bakit itong kwarto ang binigay sa akin ni ma'am Shekky? Sobrang laki naman nito at parang imposible na ganito ang binibigay na room sa isang personal maid lang. Pero ito naman talaga ang sinasabi ng mga tao sa kanila. Mabait ang mga Costiño. Hindi nila tinitignan ang isang tao na mababa. In my case, binigyan nila ako ng maayos na matutulugan.
Ngayon sobra tuloy akong namamangha sa kanila. This is so different. Kaya pagbubutihan ko ang pagsisilbi kay sir Clive. Kahit medyo naiilang ako kasi crush ko siya, gagawin ko ang best sa pagta-trabaho. Kaunting damit lang ang dala ko. Nag-iwan ako ng sulat kay Auntie. Para hindi siya mag-alala sa akin.
Nilagay ko ang mga damit sa malaki at maluwag na cabinet. Hindi ako sure kung ano ang tawag dito. Pero kaunting space lang naman ang nakain ng mga damit ko. Napatingin ako sa maliit na speaker sa gilid ng pinto, may tumunog doon.
"In my room." malamig na boses ang nagsalita sa maliit na speaker.
Hindi ko alam kung para sa akin 'yon pero siguro para sa akin nga. Baka si sir Clive na iyon. Baka kailangan niya na ng serbisyo ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Huminto ako sa harap ng pintuan niya. Kinakabahan ako. Pero kailangan kong pumasok kasi kailangan niya ng tulong ko.
Hinawakan ko ang hawakan sa pintuan tsaka dahan-dahang binuksan ang pinto. Una ko siyang nakita, nakatalikod sa akin habang nakaupo sa electric wheelchair niya. Nakaharap siya sa malaking bintana niya at pinapanood ang napakalawak na kalupaan.
"Hmm, magandang araw po, sir C-clive." nautal pa ako sa kanyang pangalan.
Humarap siya sa akin. Napalunok ako ng makita ang kanyang mukha. Shit! Sobrang gwapo naman nito sa personal! Parang foreigner ang mukha! Napanganga pa ako! Umiling ako upang matanggal ang pagkakamangha sa kanyang mukha.
"So, you are my new personal maid?" he said coldly.
I nodded hesitantly. Kinakabahan na talaga! First time ko siyang nakita sa personal! First time kong nakita kung gaano nakakalaglag ng panga ang kanyang mukha!
"Y-yes po..." I stuttered.
He smirked. Nakakakaba naman nito! Lumapit siya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Huminto siya sa harap ko. Nakaupo pa rin sa kanyang wheelchair. Tumingin siya sa mga mata ko. Nagulat ako ng isarado niya ang pinto at ngumisi sa akin.
"You remember me?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Remember him? Hindi namin kami magkakilala noon. This is my first time seeing him personally. And this is my first time talking to him. Wala akong natatandaan na nagkakilala kami noon.
"H-hindi po, sir." sagot ko.
Ngumuso siya.
"You really didn't remember me?" pag-uulit niya.
Again, I shook my head.
"Hindi po talaga sir."
He sighed. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napanganga ako ng halikan niya 'yon. Agad kong binawi ang kamay sa kanya.
"A-ano pong ginagawa niyo sir?" gulat kong sabi.
He smirked again.
"Welcome here, Narissa." he said meaningfully.
Napakurap-kurap ako. Alam niya ang pangalan ko? Paano nangyari 'yon? Sinabi ba sa kanya ni ma'am Shekky?
"S-salamat po, sir." I answered him.
Tumango siya. Muli niyang pinaandar ang wheelchair papunta sa bintana at tumalikod sa akin.
"Since you are my new personal maid, I want you to stay here in my room. Bring your clothes here. Ayokong magtatawag pa ako bago ka dumating dito. My room has everything." he commands.
What? Lilipat ako dito? Akala ko ba may sarili akong room? Bakit gusto niya akong lumipat sa kwarto niya?
"Sir, may sarili po akong kwarto--"
"I want you here in my room, Narissa!" he stopped me.
Napalunok ako. I want to protest but he is my boss. Lahat ng gusto niya ay kailangan kong gawin or else, papalitan nila ako.
"Bring your clothes here. Arrange them besides my clothes. My bed is huge so you can sleep beside me." he said strictly.
Pwede ba talaga 'yon? Baka pwede ko munang kausapin si ma'am Shekky tungkol sa gusto ni sir Clive. Parang hindi kasi appropriate ang matulog sa kama niya at manatili sa kwarto niya.
"Magpa-paalam po muna ako kay ma'am Shekky--"
"Follow what I want, Narissa. Now, pack your clothes and bring them here."
Laglag lamang ang panga ko dahil sa kagustuhan niya. Wala akong magawa kundi sundin ang utos niya. He is my boss. Kahit hindi kumbinsido sa utos niya, kailangan ko pa ring sundin. Ano ba 'tong pinasok kong trabaho!
---
Copyright © 2023 Alexxtott

BINABASA MO ANG
Costiño Series 16: One Hot Night (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Clive na hindi siya makakalakad dahil sa injury sa mga binti niya ngunit malaki ang pag-asa niyang mabihag ang babaeng minahal niya sa matagal na panahon. Lingid sa kaalaman ni Narissa na matagal na siyang kilala ni Clive kaya nung nanilbiha...