Kabanata 5

3K 79 3
                                    

Kabanata 5

Malay


Kung iisipin kong mabuti ang sinabi ni sir Clive, baka nagpapatawa lang siya? Hindi naman kasi yon totoo tsaka ako talaga? Baka naman gusto niya lang mag-joke? Hindi ko nalang muna iisipin 'yon kasi baka kung saan-saan ako mapunta sa kakaisip sa mga sinabi niya.

Tinignan ko ang labi sa harap ng salamin. Napalunok ako kasi medyo namamaga ang ibabang labi ko. Kanina ko pa 'yon naramdaman nung magising ako pero hindi ko lang pinansin. But now, seeing my lips, I wonder why I got this? Kinagat ba ako ng ipis? Lamok? Parang imposible na kagat ito ng ipis o lamok?

Sinuri ko pa ang labi, hindi naman malaki ang pamamaga pero nakakapagtaka lang. Anong nangyari sa labi ko? Nakagat ko ba habang natutulog kagabi? Naisip ko ang panaginip rin. Hinahalikan ako ni sir Clive habang nasa ibabaw ko siya. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko habang patuloy siyang humahalik sa akin.

I know, it was just a dream. Pero bakit parang totoo? Bakit parang hindi lang 'yon basta panaginip? Napailing ako sa naiisip. Hindi naman 'yon magagawa ni sir sa akin diba? He's a good man! Kahit naman masungit siya, mabait naman 'yon! Mabait si sir Clive! Kaya dapat hindi ko iniisip ang mga ganoong bagay sa kanya.

Naisip ko si Auntie. Kumusta na kaya siya? Siguro naman sapat na yung pera na naibigay ko sa kanya? Para mabayaran ang mga utang namin? Sana nasa maayos na kalagayan si Auntie. I miss her.

"Narissa, nandyan ka lang pala! Kanina ka pa hinahanap ni Senyorito!" nagulat ako sa bungad ni Mayora.

Agad akong lumabas ng banyo at pinuntahan si sir na nasa sala at nanonood ng TV. Napatingin siya sa akin, busangot ang mukha. Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob? Hindi ko manlang nakita na ngumiti si sir Clive.

"Yes po, sir?" I smiled.

Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga.

"Where have you been?" malamig niyang tanong.

I swallowed hard.

"Sa banyo lang sir. Bakit po? May kailangan kayo sir Clive?" tanong ko, trying to calm him down.

"Magsasabi ka kung aalis ka. I've been wondering where you are! Stay here." aniya na nakanguso.

Tumango ako at hilaw na ngumiti kay sir. Wala naman siyang kailangan sa akin pero bakit kailangan kong mag-stay dito? Clingy bang maging boyfriend si sir Clive? Siguro ko, Oo?

"Ngumiti ka naman sir. Alam mo gwapo ka kapag nakangiti kaya ngiti na." I said to change his mood.

Mas lalo siyang bumusangot.

"Bakit ako ngingiti?" he said boredly.

I sighed. Ang daming rason para ngumiti. Sa ganda ng mundo, we have all the reasons to smile.

"Appreciate everything you have. Wala namang bayad ngumiti sir. Tsaka masarap sa pakiramdam kapag ngumingiti kaya sige na, ngiti na sir." pangungulit ko.

Umiling siya at umiwas ng tingin sa akin. Ang sungit talaga!

"May kulang pa kaya hindi ako makangiti gaya ng gusto mo." aniya sa mababang boses.

Kumunot ang noo ko. May kulang pa? Ano naman kaya ang kulang sa kanya? Dahil ba sa hindi siya makalakad? Iyon ba ang rason kung bakit hindi niya kayang ngumiti?

"Ano naman ang kulang sir? Naku, kung iniisip niyo po na dahil sa hindi kayo makalakad 'yon ang kulang? Sigurado naman akong mamahalin kayo ng babaeng mamahalin niyo kahit pa ganyan ang kalagayan niyo sir--"

"Tanggap mo ako kahit baldado ako?" putol niya sa akin.

"Huh? Ako?" naguguluhan kong sagot.

"Oo, ikaw. Tanggap mo ba ako?" aniya sa rumarahang boses.

Bakit naman ako? Pero sige, boss ko naman siya kaya syempre tanggap ko siya.

"Oo naman sir! Tanggap naman po kita." mahina kong sambit.

He then smiled. For the first time, nakita ko kung gaano siya kagwapo kapag ngumingiti. Pati tuloy ako natigilan at pinagmasdan siya.

"That's how you make me smile, baby." he said softly.

Napakurap ako at ngumisi ng hilaw kahit hindi naman naintindihan ang sinabi ni sir dahil sobra akong na-a-amaze sa kanyang ngiti.

"Would you take me as your husband then?" he asked me again.

Kumunot ang noo ko. Hindi na pumapasok sa isip ang tinatanong ni sir Clive. Tumango ako kahit hindi ko naman naintindihan.

"Yes naman po." sagot ko.

Muli siyang ngumiti kaya bumilis ang pintig ng puso ko. May kakaiba talaga sa kanyang ngiti. Something very different from him. Nakakapanibago lang pero ang sarap pagmasdan kapag nakangiti siya.

"Then we'll get married after my treatment." he whispered.

Honestly, blangko ang utak ko kaya ang tanging nagagawa ko ay tumango at sumang-ayon sa kanyang sinasabi. Lumapit siya sa akin na hindi ko namamalayan. Nagising lang ang diwa ng maramdaman ang basang labi na sumasakop sa bibig ko.

Natuod ako at nanlaki ang mata ng makitang hinahalikan ako ni sir Clive. Agad ko siyang natulak kaya humiwalay ang labi namin sa isa't-isa. Napakurap-kurap ako at umiwas ng tingin sa kanya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako.

Napalunok ako at lumayo sa kanya ng kaunti. Bakit niya ako hinalikan? Bakit niya ginawa sa akin 'yon? He is my boss! Hindi dapat namin 'yon ginagawa! He shouldn't kiss me! Mali ang halik na 'yon!

"K-kailangan ko pong mag-ayos sa kwarto niyo, s-sir." nauutal kong sabi.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Tumango siya at hinayaan ako.

"You can rest in our room." he said softly.

Napabuntong hininga ako at tumayo na upang umalis sa kanyang harapan. Agad akong pumasok sa kanyang kwarto. My heart is beating so fast while thinking about the kiss we shared earlier. Hindi ko mahanap ang rason kung bakit niya ako hinalikan ng ganoon?

Is he trying me? Hindi ba siya makahanap ng babae na gagawin 'yon sa kanya kaya ginagawa niya yon sa akin? I'm not his toy! I'm not his girlfriend! I am just his merely personal maid! Kaya bawal ang ginawa niya sa akin!

Habang nakaupo sa kama, may naamoy akong kakaiba sa kwarto. Mabango naman siya pero unti-unti akong nakakaramdam ng panghihina sa katawan. Tumayo ako at lalabas sana ngunit naka-lock na ang pinto kaya hindi ako makalabas. Muli akong bumalik sa kama dahil nararamdaman ko na ang pagtumba ng katawan. Muli kong minulat ang mata at nakita si sir Clive na nakangisi bago ako mawalan ng malay.






---
©Alexxtott2024

Costiño Series 16: One Hot Night (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon