01

15 1 0
                                    

Kay' Ganda
Iniulat ni Yamato Risama

At sa pag lapit mo sa inyong salamin na nakaharap sa iyong kama
Nakita ang isang kababaehan na sobrang marikit
sa taglay mong kagandahan ako'y narahuyo na
sa bawat galaw mo'y talagang ako'y napapasabi ng "ika'y nakakaakit"

Bawat ngiti mo'y ako'y tuluyang nabibighani
Mga balintataw mong kay laki at kay gaganda
At sa pagsasama natin ako'y napapangiti
Naibigkas ko muli sa sarili ko na, ibang klase kang likha

Kahit na ako'y nag mumuni-muni
Ang iyong magaslaw na buhok ay aking tanging napapansin
Di naman halatang ika'y ang aking tinatangi
Mga yakap at halik mo'y aking hahabilin

Glimpse Of HerWhere stories live. Discover now