CHAPTER 14

27 8 0
                                    

Nanggalaiti ako mula sa sinabi ni Rain at maging sa inasta ng kanyang kaibigan. Para bang wala akong mapaglulugaran sa sarili ko. At sa halip na magpahinga na ay itinutok ko ang sarili sa mga dapat ko pang gawin. Aminado ako sa gusto kong balak na alamin kung sino nga ba ang taong nagngangalang Ross. Hindi ko alam kung normal pa nga ba ako at pursigidong alamin ang tungkol sa isang taong hindi ko minsan nakita o nakilala man lamang.


Mula sa aking kinauupuan, sinimulan ko na agad ang paghahanap sa search box tungkol sa isang lalaki. Umangat ako sa sandaling tingin para pagmasdan ang pagpatak ng orasan.


Same name, different surnames. End of results.
Wala akong ibang naiisip kundi ang magbakasakali. What if that man faked his name? What if he doesn't have any real accounts? Is he a criminal? Or maybe a product of my stupidity.


What if.


Sa mga naiisip ko, wala akong balak na kausapin ang sinuman sa S.G. maging ang aking asawa tungkol sa pinanggagawa ko. Dahil sa totoo lang ay nahihirapan akong magdesisyon kung kanino nga ba ako magtitiwala. Sa nakikita ko ay pinagkakaisahan din lamang nila ako.


"Ano pa ba ang ginagawa mo?" Pansin ko na lamang ang pagpasok ni Rain sa aming silid. Nagtama pa ang aming mga tingin dahilan para ako'y mapahinto sa aking ginagawa.



"Hindi pa ako inaantok."


"Gabi na at kailangan mo na magpahinga."



"I'm just fixing my lesson and doing some research."


Bahagya siyang lumapit sa aking kinauupuan at dinampot ang iilang papel na nasa aking mesa. Mahinahon niyang ineksamina ang bawat pahina. Alam kong may hinala siya sa akin tungkol sa aking ginagawa, ngunit hindi ko kailangang matakot. Suminghap siya at ibinalik ng maayos ang mga papel.


"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya na ipinagtaka ko ng kaunti.


"Hindi nakakapagod ang pagtuturo. It's my passion, and it's my job."


"That's not what I mean."


"So what is this all about?"


"About your agenda." Ngumiti ako na tila ba wala lang. At komportable naman ako sa aking mga ginagawa.


"Family, business, and career," sagot ko at tumayo na rin. "And in addition, our individual circles."


"Ashleigh, hindi tayo pareho ng iniisip. At this point, iba ang gusto kong sabihin, maging ang gusto kong mangyari."


"So what's your point?"


"We need to see Dr. Smith."


Biglang nagdilim ang aking paningin mula sa kanyang sinabi.


"We. Together."


"Really?"


"So nasaan na ang magaganda mong ngiti? Nawala na ba?"


"Iba ka rin talaga mag-isip, Rain. At wala kang ipinagkaiba sa mga kaibigan mo."


"I'm seriously dead about seeing Dr. Smith."


"What for?"


"For yourself. For good."


"Iniisip mo ba na baliw ako?"


"Hindi ba?"


"Talaga ba?"


"I'm your husband, and I'm willing to help you with anything."


Secret Series #4 Dandelions (On-Hold)Where stories live. Discover now