Prologue

5.6K 65 0
                                    

"Anastasia Faye Martinez!"

Inirapan ko si Celine nang tawagin niya ang buo kong pangalan. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa pagsama sa birthday celebration niya mamaya.

"Ayoko, magre-review pa ako." binuhat ko ang shoulder bag ko na medyo may kalumaan na at naglakad palabas sa room. Hindi parin tumigil si Celine at sinundan pa ako.

"Huwag na Faye matalino ka naman na, ako nga na bobo chill lang WHAHHAHAHA" napangiwi ako ng sabayan niya ng hampas ang tawa niya.

"Kailangan may kasamang hampas?" tinaasan ko siya ng kilay. Kung hindi ko lang 'to bestfriend nahambalos ko na 'to ng dos por dos.

"Ehh kasi naman, sumama ka na Faye," ngumuso siya na may kasama pang pagpadyak.

"Kahit tumalon ka pa sa 3rd floor hindi ako pwede, may long long quiz tayo kay mr. Ferrer diba? alam mong hindi ako pwedeng bumagsak Celine."

"Mapapatawad pa kita tuwing inaaya kita sa galaan tapos hindi ka sumasama kasi nag-aaral ka ng mabuti, pero ngayong birthday ko pls pagbigyan mo naman ako," may halong pagtatampo ang boses niya.

"hays sige na nga, pero sasama lang ako hindi iinom kasi magre-review pa ako pagkatapos." 

"Ha? anong hindi iinom edi anong gagawin natin don sa bar magtitinginan?"

Inirapan ko siya. Hindi naman sa ayaw ko uminom, ang inaalala ko ay yung long quiz at  kung saan ako kukuha ng ipagbabayad sa alak at isa pa mabilis akong malasing.

"Don't worry bestie hindi ka babagsak dahil matalino ka naman and it's my treat naman eh sagot ko lahat ng drinks because its my birthdayyyy at I'll make sure na maihahatid kita sa apartment mo bago matapos ang gabi" tila ba nabasa niya ang iniisip ko.

Tumango na lang ako nang wala ng masabi. Kahit naman anong rason ko sakaniya ay gagawa at gagawa siya ng paraan ma pa sama lang ako.

I am a graduating college student. Scholar lang ako kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ko sa pag-aaral ko, baka bumagsak at bawiin. I work as a part time waiter dito sa cafe malapit sa school para sa allowance ko at iba pang bayaran sa school na hindi bahagi ng scholarship.

Si Celine naman ay kaibigan ko mula 1st year ng college. Hindi tulad ko, siya ay may kaya sa buhay, yayamanin in short. Siya ang una kong naging kaibigan noong bago pa lang ako dito sa maynila kaya kahit na ayaw ko sana pumunta sa birthday niya ay kailangan dahil baka magtampo ang gaga.

"Yehey, susunduin kita sa apartment mo. Hihiramin ko ang car ni Kuya Carl."

"Carl? Nandito si gago?" hindi makapaniwalang tanong ko. Si Carl ay parang kuya ko na rin kaya ganon ang tawag ko sa kaniya. Kapatid ang turingan naming tatlo si Celine, Carl, at ako siyempre sino pa ba.

"Grabe ka naman makagago bestie that's my kuya you know. Pero you're right that 'gago' is back here in the Philippines."

"Kala ko ba sa States siya mags-stay for good?"

"Yeah pero I heard na nag lq sila ni ate      Sandra tapos umuwi si ate Sandra dito sa pinas and then sinundan ni siya ni kuya Carl here"

"WHAHHAHHAHAHA patay na patay talaga si gago kay ate Sandra" humagalpak na ako sa tawa dahil sa kwento niya. Si ate Sandra ang gf ni kuya Carl, ang bait bait niya at ang ganda ganda pa, sana all peyborit ni god, char.

"Nandito na ang sundo ko, bestie. Bye see you later, 'wag mo kalimutan yung usapan natin baka makalimutan mo," kung makapagsalita siya ay parang binabalaan niya ako imbes na pinapaanlalahan.

"Opo, nanay" pang-aasar ko na ikinangiwi niya.

Nagsuot na lamang ako ng skinny jeans na highwaist at long sleeves na fitted na black. Im not a fan of revealing clothes pero I'm not a hater it's just my own preference. Tiyaka nagsuot na rin ako ng 3 inches black heels para naman madagdagan height ko dahil nakakahiya mang sabihin pero ako ay 5 flat lang.

Edi sana all matangkad.

Bumaba na ako sa maliit kong apartment  para doon na sa baba maghintay. Safe naman sa labas kahit madilim na dahil may ilaw naman at cctv.

Wala pang limang minutong paghihintay ay naaninag ko na ang ilaw ng sasakyan ng kuya ni Celine na hiniram niya kay Kuya Carl.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at kitang-kita ko ang pag ngiwi ni Celine.

"Sana sinabi mo na wala kang pang night out na damit para pinahiraman kita bestie."

"Pinagsasasabi mo jan? eh pang night out naman to ah?"

"Oo nga no conservative ka nga pala bestie pero bar ang pupuntahan natin bestie hindi simbahan,"

"Conservative my ass. Hindi ako conservative ayaw ko lang magsuot ng revealing clothes hindi ako comfortable and fyi alam kong sa bar tayo pupunta."

Umiling na lang si Celine at nagsinulang mag drive.

Ngayon tinignan ko naman kung anong suot niya. She's wearing a see through sleeveless and a short skirt. As her friend sanay na akong nakikita na ganito siya manamit, very opposite ng pananamit ko. And there's nothing wrong with that. We have our own different preferences in wearing clothes.

"By the way bestie, I have my other friends there that I invited they are very nice and friendly please don't be shy to them," ngumuso siya alam niya kasing hindi ako magaling maki-socialize kaya nga siya lang ang naging kaibigan ko.

"I'll try pero baka laitin ako ng mga yon ah" pagbibiro ko na mukhang hindi niya na gets na joke ko lang yon.

"What do you mean? Kung lalaitin ka nila edi they are not my friends anymore. Faye, if they try to embarrass you, tell me okay?"

Muntik na ako matawa sa ka oa-han niya. Tumango na lang ako at pilit na pinagseryoso ang expresyon sa mukha dahil totoo lang, deep inside mamatay na ako sa kakatawa. Kasi naman eh nag jojoke lang ako tapos sineryoso niya yung joke ko.

Pagkarating namin sa bar ay nandoon na ang mga kaibigan niya. They are very nice actually, hindi ko man lang naramdaman na ma out of place.

Hours passed and we are all wasted. Hindi ko man lang namalayan na naparami na ang inom ko dahil sa sobrang katuwaan.

My world is spinning. I saw Celine and her other friends at the dance floor going wild while her other friends are in the table still drinking

Tangina, ang init ng katawan ko. Lasing na ata ako.

Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa restroom. Nag-iinit ang katawan ko sa sobrang kalasingan

Habang naglalakad ako paputang restroom ay biglang nag-iba ang tempo ng music kaya mas lalong naging wild ang mga tao dito sa bar.

Sa kasamaang palad, may nakabagga sakin sa sobrang pagsasayaw at dahil lasing na ako wala akong tamang balanse.

Bago ko pa maramdaman ang pagbagsak ko sa semento. May naramdaman akong matigas na braso sa aking bewang, holding me tight. Tinignan ko kung sino man ang sumalo sakin.

He's freaking super duper hot.

"Are you okay—"

Without even thinking, out of my mind. I kissed this hot stranger and I don't even know what happened at the rest of the night. I just felt his body close to mine...

____________________________________

Please vote, comment, and share for faster updates.

His Obsessive WaysWhere stories live. Discover now