Chapter 1

2.6K 60 2
                                    

Tangina! Sakit ng ulo ko!

Reklamo ko sa isipan habang nakapikit, hindi pa masyadong gising.

Itataas ko sana ang kumot ko dahil sobrang lamig ngunit biglang nag flashback sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, biglang nawala ang antok ko.

Sana panaginip lang lahat 'yon...

Unti-unti akong dumilat at halos sabunutan ko na ang sarili ko nang makita na wala ako sa apartment ko. Idagdag mo pa ang sobrang sakit na nararamdaman ko sa baba ko.

Ang tanga-tanga mo, Faye! Bobo!

Tinignan ko ang suot ko. White shirt at gray boxers na obvious naman na hindi sa akin.

Sunod kong tinignan ang kwartong kinaroroonan ko, ang theme ng kwarto ay pinaghalong black, grey, at white. Kaya pala sobrang lamig dahil sa aircon, electricfan lang kasi ang gamit ko sa apartment. Simple lang ang mga gamit sa kwarto ngunit makikita mo na mahal ang mga ito, halatang yayamanin ang may-ari.

Seriously Faye 'yan talaga ang iniisip mo sa sitwasyon mo ngayon?

Agad akong bumangon nang biglang magring ang cellphone ko na nasa maliit na table sa tabi ng kama, alam kong akin yon dahil pamilyar ang ringtone.

23 missed calls and 37 unread messages from Celine

(Message 1) Where are you, bestie?

(Message 3) Nasaan ka na babae? Aalis na tayo, hindi kita mahanap here even in the restroom wala ka don, sige ka iiwan kita!

(Message 11) Did you go home na ba?

(Message 19) Im very worried now, please answer my calls, bestie. Baka akala mo iniwan na kita, nandito parin ako. We were looking for you.

(Message 23) What the freak Faye! I checked the CCTV! do you know that guy na hinalikan slash sinamahan mo? where are you now? if you don't call me tomorrow morning, I'll file a missing case!

Agad kong sinagot ang tawag niya baka totohanin ang sinasabi. She's overreacting! I mean alam kong nag-aalala siya pero oa naman nong mag fa-file ng missing case.

"hello—"

"Bakit ngayon ka lang sumagot? are you okay? nasaan ka? do you know that guy? did he hurt you? please answer me muntik na akong mag file ng missing case!"

"Wait isa-isa lang, dami mo namang tanong."

"How can I not? I made a promise na ako ang maghahatid sayo tapos bigla kang mawawala. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko as your friend?"

Okay, she's mad now.

"Im sorry, okay? Ngayon lang ako sumagot dahil sobrang lasing ko kagabi. Hindi ko pa alam kung nasaan ako kasi kagigising ko lang but I am perfectly fine. I know him, he's an old friend."

Of course, I lied. Hindi ko kilala ang lalaking iyon pero ayaw ko ng dagdagan ang pag-aalala ni Celine.

"Ahm... did something happened?"

Hesitant pa siya magtanong.

"Meron, pero it's not a big deal. Ang mahalaga I'm safe and okay. Where are you know? baka nasa police station ka na ha?"

I joked. Para alam niya na okay lang ako pero sa totoo lang hindi.

"Im at school. If you didn't call me, I would have been at police station. No joke."

School? Tangina, oo nga pala may pasok ngayon!

Agad akong tumayo at napaigik pa ng maramdaman ang sakit sa baba. Hindi ako pwedeng umabsent, may additional points ang complete attendance.

His Obsessive WaysWhere stories live. Discover now