"Ms. Martinez, I'm sorry but you're fired."
Kahit na inaasahan ko na ito ay nakakabigla parin. Nararamdaman ko ang mga awang tingin ng mga kapwa ko empleyado na naging ka close ko na rin dito.
"That's all for today, you may all go back to work. Miss Martinez please stay here for awhile, we need to talk."
"Yes Ma'am."
Lahat sila ay nagsi-alisan samantalang ako ay nakayuko at tahimik lang. Nakakahiya naman kay ma'am Cecile kung makikita niya ako na umiiyak kaya grabe ang pagpipigil ko.
"Based on your resumé, you are a working student. Am I right?" panimula ni ma'am Celine nang dalawa na lang kami ang matira sa office.
Tumango ako, "Tama po Ma'am Celine. Kaya parang awa niyo na po sobra ang pangangailangan ko ng trabaho na ito. Please po Ma'am gagawin po ang lahat kahit na doblehin niyo pa po ang trabaho."
"Im really sorry miss Martinez. I have no choice, but to fire you. Don't worry I will still give you your salary for this month," pinal na sabi niya na parang kahit anong sabihin ko ay hindi na mababago ang desisyon niya na tanggalin ako.
"Ma'am Cecile, p-pwede po bang m-magtanong?"
Tangina nanginig ang boses ko halata na na naiiyak.
"Sure, what it is?"
"B-bakit ako lang po a-ang n-natanggal?"
Tangina Faye put yourself together, wag kang maging iyakin.
"Why, do you want me to fire your friends along with you?"
"Hindi po sa ganoon. Gusto ko lang po malaman kung ano ang rason niyo sa pagtatanggal sakin. Sabi niyo po wala kayong choice, alam ko naman po na hindi ito dahil sa sobra na kami sa katunayan nga po ay kulang pa kaming nagtratrabaho dito."
"Kapag hindi kita tinanggal malulugi or worse babagsak ang shop na ito, " binuksan niya ang drawer sa table niya at may kinuha na puting sobre.
"Here is your salary," inabot niya sakin ang puting sobre at no choice ko naman itong kinuha, "I will no longer answer to your questions miss Martinez, you may go."
Paglabas ko ay agad akong sinalubong ni Karen, "Okay ka lang ba? anong sinabi ni ma'am Cecile sayo? Bakit ka daw tinanggal?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wala daw siyang choice."
Huwag kang iiyak Faye. Conceal your emotions. Huwag kang maging mahina.
"Bakit daw walang choice?"
"Hindi ko alam."
"Paano ka na Faye? saan ka kukuha ng extra allowance mo?"
"Yun nga ang problema ko Karen. May alam ka bang naghi-hire ng working student?"
"Wala Faye, pero try ko magtanong tanong sa mga kakilala ko na working student din."
"Thank you. Sige na aalis na ako, malapit na first period namin."
"Tatawagan na lang kita Faye. Mami-miss kita," niyakap niya ako. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko nang maramdaman ang yakap niya.
Tahimik akong pumasok sa room. Binati ako ng iba kong kaklase pero ngiti na lang ang kaya kong ibalik sa kanila.
Dahil wala ako sa mood ay hindi na ako nakapag focus sa discussion buti na lang hindi kami nag quiz. Kung sakali na nag quiz kami sigurado ako na wala akong mai-isasagot kahit isa.
"Are you with us, Ms. Martinez! " bigla akong natauhan mula sa pagkaka-lutang nang marinig ko ang sigaw mula kay Mr. Herrera, professor namin sa Philippine Politics.
YOU ARE READING
His Obsessive Ways
Romance"Be my wife." "Nababaliw ka na ba? it's just a one night stand! "So? does it matter?" "You're crazy. Baliw ka na." "I'm perfectly sane, baby."