Kanina pa ako kinukulit ni Celine na ilibre ko daw siya ng street foods kahit na madami naman ang pera ng babaeng to.
Alam kong hindi siya titigil hanggang di ako pumapayag kaya no choice, "mamayang uwian."
"Yeheyyy. I want the three orange balls na nasa stick tapos gusto ko ulit ma-experience yung tusok-tusok sa hot flat white balls," excited na sabi niya tapos with action pa yung 'tusok-tusok' na sinasabi niya.
"Queck queck at fishball yon," pangtatama ko kahit na ilang beses ko na siyang itinama ganon parin ang tawag niya do'n.
"I know right, I just like to call it that way. Basta ilibre mo ko, walang bawian," paninigurado pa niya.
Hays, walang silbi ang pagiging kuripot kung may buraot kang kaibigan.
Tumahimik ang classroom na parang palengke kanina nang pumasok ang isang prof na may kasamang lalaki na tingin ko ay transferry.
"OMG ang pogiiiii."
"Single pa kaya yan? sana hindi,"
"What if siya na pala talaga ang forever ko,"
"No girl, ako ang soulmate niya,"
"Guys may aamin ako, ako talaga ang nawawala niyang asawa,"
"Feeling, ako talaga yon,"
"Tahimik lang ako pero ako talaga ang gf niya,"
Iilan lamang yan sa mga bulungang naririnig ko siyempre kasali na doon si Celine.
Tiningnan ko ang lalaking kasama ng prof at halos magulat ako ng makitang nakatingin siya sa akin.
I don't know if I'm imagining things pero nakita ko ang pag-ngisi niya bago nag-iwas ng tingin.
"Quiet class. Graduating college na kayo, act like one. Hindi na kayo highschool," striktong sabi ng prof na nagpatahimik sa buong klase. "This is mr. Jackson Ocampo a transferry student, be nice to your new classmate."
"Hello classmates, please be nice to me." he playfully said then he looked at me again pero hindi ito nagtagal kaya hindi ko na binigyan ng meaning.
"Go find your sit mr. Ocampo. Make yourself comfortable," kalmado ng sabi ng prof, hindi na kasing strict ang boses kanina.
Rinig ko ang impit na tili ni Celine nang umupo ito sa likod lang namin. Bale magkatabi kami ni Celine tapos sa likod niya ay si Jackson.
"Hi, pwede ba umupo dito?"
"Sure, Jack. No probs," si Celine ang sumagot kahit na sa akin naman nakatingin si Jackson kaya tumango na lang din ako.
"Class hintayin niyo na lang dismissal niyo may meeting kasi kami for the upcoming foundation next week," agad na nag 'yes ma'am' ang iba at ang iba naman ay excited sa foundation.
"Hi Jack, my name is Celine Alcantara but you can call me love for short. Charizzzz," biro ni Celine nang makaalis ang prof.
Bestfriend ko ba talaga to?
"Nice to meet you Celine. Mag-kaibigan ba kayo?" sabay turo pa sa akin.
"Yeah, she's my bff sorry ganiyan talaga yan katahimik. Hoy beshie introduce yourself naman," sita ni Celine with matching mahiwagang magic hampas nanaman niya.
"Anastasia Faye Martinez. Faye na lang," pagpapakilala ko baka sabihin pa neto na no pansin ako.
"Bakit ayaw mo sa first name mo? Anastasia?" tanong ni Jackson.
"No particular reason. Ayaw ko lang," sagot ko.
Para sa akin ay hindi bagay ang Anastasia na pangalan para sa isang taong tulad ko, masyadong mahiwaga pakinggan.
YOU ARE READING
His Obsessive Ways
Romance"Be my wife." "Nababaliw ka na ba? it's just a one night stand! "So? does it matter?" "You're crazy. Baliw ka na." "I'm perfectly sane, baby."