Nandito ako sa condo ngayon ni Celine. Katatapos ko lang ikwento sa kaniya ang buong details kung ano ang sitwasyon na pinasukan ko at hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala. Hindi ko alam kung kinikilig ba siya o concern.
Levi even insist na sasamahan niya ako magpaliwanag kay Celine kung bakit biglaan ang paglipat ko ng condo pero buti na lang nagkaroon ng emergency sa kumpanya niya kaya ang ending hinatid niya na lang ako tapos susunduin mamaya.
I mean, hindi ako masaya na nagka-emergency sa kumpanya niya pero feeling ko kapag sinamahan niya pa ako dito sa condo ay ikamatay na ni Celine. Cause of death: exaggeration.
"What the freak, bestie! Your so swerte, I'm so jealous sayo," may padabog pang nalalaman si Celine.
"Anong kaselos-selos don eh hindi ko naman ginusto ito. Kung hindi lang talaga naging kritikal ang kalagayan ni mama," sinubukan kong itago ang panghihinayang sa boses ko.
"Sabagay. Ikaw kasi eh, sana nag ask ka muna ng help sakin."
"Sige nga, kung uutang ako sayo ng kalahating milyon ngayon may ipapa-utang ka ba?" sarkastiko kong tanong.
"Hehe."
"Hehe, ka diyan."
"Of course, I don't have ganyan ka big na money but I can ask mom and dad naman," alam ko pero naikwento sa akin ni Celine na medyo nalugi ang company nila last month at bumabawi pa lang ngayon kaya hindi na ako nag abala.
"Nevermind. Kasal na ako ano pang magagawa ko."
"You didn't even bother calling me in your wedding. Gosh, I'm so jealous talaga inunahan mo pa ako magpakasal," nagtatampong ani niya. Kung alam mo lang Celine kung anong klaseng kasal iyon baka hindi ka na mainggit.
Marami pa kaming pinagkwentuhan habang tinutulungan niya ako mag-impake. Buti na lng kaunti lang ang gamit ko.
Nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ay agad ko itong kinuha.
1 unread messages from Levi
From Levi:
I'm here at the parking lot. Are you done, baby?
I replied.
To Levi:
Tapos na.
(Levi is calling)
Nang masulyapan ni Celine kung sino ang tumatawag ay halos magsisisigaw na siya sa kilig, sininyasan ko siyang wag maingay bago ko sagutin ang tawag kaya tumango tango naman siya habang takip ang bibig.
"Hello."
"Do you need help in carrying your things, baby?"
"Hindi na. Kaunti lang naman ang gamit ko."
"Are you sure?"
"Yes."
"Okay. I'll wait you here."
"Sige."
"Bye, baby. I love you."
"O-okay. Bye."
Pagkatapos non ay binaba ko agad ang tawag. Si Celine naman ay pagulong-gulong na sa kama.
"Oh my gosh, Fayeeeeee. Don't be cold to your husband," pangsesermon niya. "Bye, baby. I love you." panggagaya niya pa kaya kinikilig nanaman ulit.
"You should have said, I love you back," hindi talaga siya makamove-on nakalimutan niya ata na aalis na ako.
"Why would I? I don't love him," sabi ko, which is true naman.
YOU ARE READING
His Obsessive Ways
Romance"Be my wife." "Nababaliw ka na ba? it's just a one night stand! "So? does it matter?" "You're crazy. Baliw ka na." "I'm perfectly sane, baby."