Chapter 5

1.8K 62 10
                                    

Kahit na may isa pa sana akong klase ay dumeretso na ako palabas ng campus at agarang pumara ng taxi. Siguro kung normal na araw lang ito ay magje-jeep lang ako para tipid o di kaya ay maglalakad ngunit hindi.

Malakas ang memorization ko kaya kahit na isang beses ko lang binasa ang business card na ibinigay ni Levi ay nai-memorize ko agad ito.

Nang makita ko kung gaano kataas at kalawak ang building na paniguradong pagmamamay-ari niya ay doon lang talaga nag sink in sa akin kung gaano siya ka yaman.

Papasok na sana ako nang harangin ako ng dalawang guard na nasa entrance.

"Miss hindi  kayo pwede pumasok, base sa uniporme estudyante lang kayo at mga employado lang ang pwedeng pumasok dito" masungit na sita ng guard, ang isa naman ay nakita kong sumulyap sa id ko na hanggang ngayon ay suot-suot ko parin.

May ibinulong ito sa kasama niya na kakasabi lang na bawal ako pumasok  at biglang nagbago ang expresyon niya mula sa mataray naging maamo ito.

"Ah ma'am, pwede na kayo pumasok. Ia-assit ko na po kayo papunta sa lobby," nagtaka ako sa biglang  pag change mood ng guard parang hindi ako ininsulto kanina sa pagsabi ng 'estudyante lang' daw ako pero hindi na umimik sumunod na lang ako sa kaniya.

May binulong ang guard sa isang attendant na naka assign sa lobby at napansin kong nataranta ito at agad na may tinawagan sa telopono.

Samantalang ako ay nakatayo lang habang iniisip ang kalagayan ni mama.

"Mr. Percival is in an important meeting right now with the  board directors, but he said that you can wait for him at his office, ma'am," magalang na sabi ng natatarantang attendant kanina.

"Thank you. Saan banda ang office ni Mr. Percival? first time ko kase dito," kahit na nakakahiya na pero pakapalan na lang ng mukha para kay mama. 

Tinawag niya ang isa niyang kasama at sinabing samahan ako papunta sa office ni Levi. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-irap ng kasama niya bago  naglakad.

Tahimik akong sumunod sa kaniya ng pumunta siya sa elevator.

"Don't tell me sugar baby ka ni Mr. Percial?" prankang tanong ng babae. Hindi ako nagsalita dahil alam ko sa sarili ko na maari ngang tama siya, "Hays, nag-aaral pa lang pokpok na," napakuyom ang kamao ko kase totoo naman, parang ganon nga ako. Pokpok.

Nang tumigil ang elevator sa floor na pinindot niya kanina ay hinintay ko siyang maunang lumabas pero umirap lang siya, "Hanggang dito lang ako, restricted ang area na to para sa mga regular na employadong tulad ko. Kita mo yung pinto diyan, yan yung office ng sugar daddy mo."

" Hindi ko siya sugar daddy," hindi na ako nakapagtimpi pero deep inside alam kong tama siya.

"Sige i-deny mo. Umalis ka na wag ka feeeling vip dito marami pa akong kailangang gawin."

Tinulak ako nito palabas sa elevator dahilan kung bakit ako na out of balace at napasalampak tiles na sahig.

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE," umalingangaw ang isang maawtoridad na boses na sobrang pamilyar sakin. Levi.

Dali-dali siyang lumapit sakin at inalalayan akong tumayo, "Are you hurt, baby?" tanong niya na inilingan ko lang.

"S-sir, hindi ko po sinasad-"

"You're fired."

"Sir parang awa niyo na po hindi ko po talaga sinasadya, diba miss?" bumaling pa ito sakin pero hinila na ako ni Levi paalis don at papasok sa office niya.

"Are you sure you're not hurt? tanong niyo ulit at muling sinuri ang katawan ko.

"Akala ko ba may important meeting ka?" tanong ko

His Obsessive WaysWhere stories live. Discover now