Lumipas ang ilang araw, linggo. at buwan ay medyo naging maayos naman ang pagsasama namin ni Levi. May mga pagkakataon nga lang na minsan ay naninibago ako sa tuwing pinagsisilbihan niya ako, kulang na lang ay salbahin niya na ako.
Walang nakakaalam sa relasyon namin sa school bukod kay Celine. Si Jackson naman ay alam kong nakakahalata na dahil halos lagi niyang nakikita na sinusundo at hinahatid ako ni Levi sa school, I just told him that Levi is a close friend of mine.
Si Levi naman ay ayaw magpapigil. Sinuway ko na siya na nakakahalata na si Jack sa amin dahil sa halos araw-araw niyang paghatid-sundo sa akin but he just answered me with a cold response, "So what?" kaya hinayaan ko na lang.
Sa isang buwan naming pagsasama ay I notice how obsessed he is to me! Na kung pu-pwede lang na itali niya ako sa katawan niya ay gagawin niya. Minsan ay dinadala niya ako sa office niya kapag walang pasok pero minsan ay hindi ako pumapayag sumama dahil makikita ko lang ang secretary slash secret girlfriend niya.
Kung ayaw ko sumama ay sa bahay na lang din siya nag tra-trabaho , gaya ngayon.
Pareho kaming busy ngayon dito sa loob ng library. Actually siya lang ang totoong busy, nagbabasa lang ako dito dahil gusto niya daw na nakikita ako habang nagtra-trabaho sya.
Imagine how suprised I am nang malaman kong may library pala siya dito sa bahay. Knowing myself, I really loved reading especially when it involves law and with my luck may mga law books na nandito which is really suprising kung bakit merong ganito dito pero hindi ko na kuwinestiyon pa.
Iniisip ko na kapag pumasok na ako sa law school pagka graduate ko ay hindi ko na kakailanganing bumili ng mga napakamahal na libro . Napansin kong old version ang mga ito kahit na mukhang bago dahil siguro sa naalagaan talaga ng mabuti kaya kailangan paring bumili ng latest law books na kailangan talagang bilhin dahil nagbabago, nadadagdagan, o nababawasan ang batas sa paglipas ng panahon. Laws are really amazing.
"Are you hungry, baby?" naagaw ni Levi ang atensiyon ko nang magtanong siya.
Baby. Nasanay na akong ganiyan ang tawag niya sa akin. Anastasia, naman kung siya ay nagagalit o may hindi siya nagugustuhan na ginagawa ko.
"Hindi masyado, ikaw?" tanong ko pabalik.
"I'll call manang Maria to bring us foods. What do you want?" tanong niya and yes we have a house helpers. Dalawa sila, si manang Maria ay may katandaan na at ayon kay Levi matagal na daw itong naninilbihan sa kanila. Ang isa ay si Marry na anak ni manang, na madalang ko lang makita dahil nag-aaral palang ito ng highschool.
"Ako na lang ang kukuha," hindi pa ako nakakatayo ng mabuti ng hawakan ni Levi ang kamay ko para pigilan.
"No, stay here Anastasia," utos niya.
"Ako na, Levi. Saglit lang naman ako," pilit ko.
"No is a no, Anastasia." wala na akong nagawa ng tawagan niya si manang Maria sa kaniyang telepono.
"What do you want?" tanong niya habang kausap si manang sa kabilang linya.
"Coc tiyaka chippy na green," kumunot ang noo niya sa request ko. Sigurado akong merong ganoon sa kitchen dahil bumili ako ng mga titchirya noong huli naming grocery
"Bring us orange juice and sliced fruits manang," utos niya sa kabilang linya at pinatay ang tawag.
"Ha! sabi ko coc at chippy Levi!" reklamo ko. Kumakain naman ako ng prutas pero hindi ko talaga maiwasan ang pagkain ng junk foods dahil masarap talaga ang mga ito.
"No. You eat too much junk foods kaya ang payat-payat mo," sabi niya lang at tinuloy ang ginagawa sa kaniyang laptop.
"Bahala ka nga diyan, ako na lang kukuha sa kitchen ng gusto kong kainin," angal ko at tumayo na papalakad sa pintuan.
YOU ARE READING
His Obsessive Ways
Romance"Be my wife." "Nababaliw ka na ba? it's just a one night stand! "So? does it matter?" "You're crazy. Baliw ka na." "I'm perfectly sane, baby."